XL

499 2 0
                                    

"Sa freedom park, may nakasalubong akong college student na walang muka."






bago ko makita yun. umaga papasok ako ng school, sa lrt may nakita akong batang babae. as in maliit siya, nasa loob ako ng train habang siya nasa labas. sa katipunan station yon. nasa loob ako nakatingin lang siya sakin. di ko alam bat di siya pumapasok. edi ginawa ko di ko na lang siya pinansin, nag scroll down lang ako sa twitter.

then suddenly huminto yung train, sa bandang lagpas ng legarda at umandar din agad siguro mga ilang minuto lang. nung nasa FEU na ako, kada papasok ako dumidiretso ako sa cr para icheck yung muka ko kung may dumi ba? kung maayos ba.

habang naglalakad ako papuntang CR ng SB malapit sa tayuman, nakita ko kaibigan ko tinanong ako san ako papunta. siyempre sabi ko sa CR.

pagkapasok ko ng CR si ate janitor andun naglilinis. habang umiihi ako umali si ate. then naghugas akong kamay. habang naghuhugas ako ng kamay. may nagsalita sa isang cubicle.

uknown: may tao ba? pwedeng pabukas ng kabilang pinto?

siyempre ako, mabait ako. edi binuksan ko yung kabilang pinto. pag bukas ko, andun yung batang nakita ko yung sa katipunan.

me: t*ngina! *habang takot na takot umalis ng banyo*

natakot ako, ramdam ko ng minumulto ako.

nung naglalakad na ako sa gilid ng freedom park. di ako nakagalaw sa nakita ko at nanginig ako sa takot. dahil nakita ko yung sarili ko nakatayo malapit sa court ng freedom park, na walang mukha na para bang nakatingin sakin. umiwas ako ng tingin papuntang harap.

paglingon ko.... nasa harap ko siya.

#ManilaEncounters Where stories live. Discover now