XLIII

532 8 0
                                    

The story behind "NANAY TATAY GUSTO KO TINAPAY"


May isang pamilya. May tatay, nanay, ate, kuya at bunso.

Si nanay, strikto, ayaw niyang may nagkakamali, gusto parati mataaad grades ng mga anak.

Si tatay, pala inom ng alak, halos gabi na kung umuwi. Pag naabutan ka niyang gising pa, pagpapaluin at bubugbogin ka. Minsan nagdrodroga kaya't walang kinakatakutan.

Si ate naman pala libot at gala. Gabi na rin kung umuwi. Parating inaasa sa bunso lahat ng gawaing bahay.

Si kuya puro pambubulakbol ang alam. Kapag walang magawa, si bunso ang papahirapan. Wala itong pangarap at pakealam sa buhay.

Si bunso na laging kawawa, siya lahat ang gumagawa ng mga utos sa bahay hindi siya makapagsumbong, alam niyo bakit? Kasi pipi siya.

Hindi alam ng nanay nila yung nangyayari, dahil lagi nilang tinuturo yung bunso. Babae yung bunso ah.

Kapag umuuwi yung tatay nila, kapag lasing ito lagi nyang naabutan yung bunso na naghuhugas ng pinggan dahil nga sa wala ito sa katinuan binubugbog nya yung bunso. walang nakakaalam kasi nga di makapagsumbong.

Si nanay naman, akala nya dahil sa puro laro lang ang inaatupag nung bunso kaya ito nagkakapasa sa braso at iba pang bahagi ng katawan, kaya si nanay kinulong ito sa may cabinet.

Yung ate at kuya nya kasi mali ang sumbong, puro laro lang daw ang ginagawa nito.

Isang araw nun, wala yung tatay at nanay ng bunso. yung ate naman nya nasa gala. silang dalawa lang ng kuya niya, eto namang kuya niya napagtripan yung bunso.

Tinali ito sa kama at nirape. pinasukan ng kung ano ano ang pagkababae nung bata.

Kinagabihan nun, dahil sa natalo yung tatay sa sugal. pinalo nya ng pinalo yung bata, eto daw yung malas sa buhay niya, akala pa naman nya ay may dalang pasalubong ang tatay nya Nung umalis yung tatay niya sa kwarto. iyak lang siya ng iyak.

Naisip niya na magpakamatay na lang. pagod na pagod na sya.

Pero bago yun, nagsulat siya ng isang tula. tula na di nagtagal ay naging isang larong pambata. akala ng iba ay walang storyang nakakubli dito.

"Nanay tatay gusto ng tinapay, ate kuya gusto ko ng kape,
lahat ng gusto ko ay susundin nyo, ang magkamali ay pipingutin ko,
isa, dalawa, tatlo."

Naintindihan mo ba yung mensahe ng tula?

Nanghihingi siya ng tinapay at kape para handa sa lamay niya.

Gusto nya kahit sa libing nya ay bigyan na siya ng oras ng pamilya nya. dahil kung hindi?

Isasama niya ang mga ito sa hukay.

Nung umaga din na yun ay nagbigti ang bata. pero alam nyo ba kung ano ang nangyari?

Pinalibing lang nila to pero di na gaanong binigyan ng pansin

Nagpapasalamat pa nga sila dahil wala na daw silang palalamunin na walang silbi.

Yung sumunod na araw, isa isa silang namatay.

Namatay ang buong pamilya ng bunso.

Tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan. may maririnig kang kakanta. nasa tabi tabi mo lang siya. nandyan na siya.

#ManilaEncounters Where stories live. Discover now