Chapter Twelve

109K 4.8K 106
                                    

Chapter Twelve


Sinundan ni Yngrid ang sasakyan na minamaneho ng pinsan niya. Dahil sa malakas na ulan ay kakaunti lamang ang mga sasakyan sa kalsada. Madali siyang nakakapagtago sa hamog na dala ng ulan. Nagpatuloy siya sa pagtakbo at kung minsan ay tumatalon din siya sa mga puno upang makapagtago.

Tinignan niya ang mapa ng syudad sa kanyang database at nakitang ang daan na tinatahak ng sasakyan ay patungo sa paaralan.

Ilang minuto pa ay tumigil ang kotse sa tapat ng gate ng eskwelahan na pinapasukan ni Andrew. Nakasara iyon at walang bakas ng tao sa loob. Sinuspinde ang klase dahil sa lakas ng ulan. Ilang segundo ang lumipas bago nabuksan ang gate. Nakita ni Yngrid ang imbensyon ng pinsan na nagbubukas ng kahit na anong lock. Muling sumakay sa kotse ni Andrew at pumasok sa loob ng paaralan.

Tumalon mula sa poste ng ilaw si Yngrid. Tumawid siya ng kalsada at saka sinundan ang pinsan sa loob ng eskwelahan. Saulado niya ang buong lugar. Dito siya nag-aral noon. Ang bawat sulok ng campus ay kabisado niya sa kanyang isip.

May dalawang malaki at lumang building ang ekswelahan nila. Nabago ang istruktura nito dahil na rin sa renovation ngunit ang loob ay pinanatiling orihinal na ayos. Nandoon parin ang patag na damuhan sa harapan ng gusali. Sa likod naman nakalagay ang malaking oval at grandstand sa tabi naman nito ay ang olympic swimming pool.

Napapunta siya sa pasilyo kung saan nandoon ang mga lockers. Napatigil siya sa locker niya noon. Hindi iyon gaanong nagbago. Ganoon parin ang hitsura ngunit mapapansin na napalitan ang kulay nito. Ang dating kulay abo ay naging kulay berde na ngayon.

'Yn!'

Nilingon ni Yngrid ang pinagmulan ng boses. Nakita niya si Chloe na papalapit sa kanya. Kasabay nito sa paglalakad ang isa pa nilang kaibigan na si Sab.

'Kumusta ang vacation mo, girl?'

'Mukhang blooming ka ngayon ah. Sino ba 'yan?' usisa ni Sab.

'I just hope that it's not Noah. Wala kang mapapala sa geek na 'yon.'

'Stop it guys. Baka may makarinig,' ani ng isang pamilyar na boses.

Nakita ni Yngrid ang katabi niyang babae na kamukhang-kamukha niya. Ito ang totoong Yngrid. Magkamukha nga sila pero magkaiba ang balat nila. Mas maputi at perpekto ang balat niya kaysa sa totoong Yngrid na ngayon ay gumamit ng concealer para takpan ang pangingitim ng ibabang bahagi ng mga mata. Napuyat ang dalaga dahil sa pag-rereview. Dahil iyon kay Noah. Gusto nitong ma-impress si Noah sa kanya pagdating sa Math.

Kasabay ng pagtunog ng kulog at pagliwanag ng paligid ay nawala rin ang imaheng nakikita niya. Ang mga alaala ng totoong Yngrid ay unti-unting nagpapakita sa kanya. 'Dahil ba sa lugar na ito?'

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Sa tuwing makikita niya ang pamilyar na numerong nakasabit sa bawat pintuan ng silid ay napapatigil siya at hindi mapigilang di mapasilip sa loob. Doon ay nakakakita siya ng mga imahe o alaala. Para siyang nanunuod ng isang palabas. Naaalala niya pati na rin ang amoy ng mga pabango ng mga naging kaklase at kaibigan ni Yngrid.

Gusto niyang angkinin ang mga alaala na iyon ng dalaga. Gusto.

Gusto; isang matinding emosyon ng tao na lumalabas kapag nakakaramdam ng inggit o pagkahumaling sa isang bagay o tao.

Kailangan niyang makita si Andrew. May nabago sa system niya. Hindi niya mahanap sa database ang sagot sa tanong niya. Kyuryosidad. Habang tumatagal ay tila nakakaisip siya ng mga tanong na hindi naman niya noon naiisip. Pagtataka.

"Ate Yngrid!" Narinig niyang tawag ni Andrew. Nakita nya ang binata na humahangos ng takbo. "Takbo!" anito saka siya hinila sa kamay.

Tumakbo sila nang tumakbo hanggang sa makaliko sila sa isang pasilyo at nagkulong sa isang silid. Tinakpan ni Andrew ang bibig ni Yngrid. Ilang minuto pa at nakarinig sila ng mga yabag. Base sa tunog ay tila nanggagaling iyon sa mga malalaking tao. Pinakinggan ni Yngrid ang mga boses na nag-uusap sa kabilang bahagi ng pintuan.

"Wala siya rito!"

"Hindi pa 'yon nakakalayo!"

"Hindi ba at sarado ang buong eskwelahan? Paano siya nakapasok?!"

"Baka isa sa mga may hawak ng susi."

"Lintek!"

"Hindi na mahalaga kung may nakakita man sa atin. Umalis na tayo rito. May isa pa tayong pupuntahan!"

"Bakit ba bigla nalang nag-utos si Boss na halughugin ang gamit ni Alonzo? Tapos na ang kaso. Bakit sampung taon na ay hindi parin sila matahimik?"

"Wag ka nang mag-reklamo, ang mahalaga ay mahanap natin ang pinapahanp ni boss. Triple ang ibabayad niya sa atin kapag nahanap natin iyon."

Tatlong magkakaibang boses. Tatlong lalaki na may malalaking katawan. Unti-unting lumakad palayo ang mga ito at nang tuluyan nawala ay saka lamang huminga nang malalim si Andrew. Inalis nito ang kamay sa bibig ng dalaga at biglang napaupo sa sahig dahil sa sobrang kaba.

Naririnig ni Yngrid ang malakas na tibok ng puso nito. Nakikita rin niya ang butil ng pawis sa mukha ng binata.

"Hah~ Nakakainis! Sino ba ang mga iyon? Nakita ko nalang silang naghahalughog sa mga gamit ni Noah sa faculty room. Naunahan ako!"

"Andrew, kailangan na nating umalis," aniya sa binata.

Tiningala siya ni Andrew ngunit di parin tumayo mula sa pagkakasalmpak sa sahig. Tumingin ito sa relo nito.

"Oo nga, baka hinahanap na tayo ni Tita. Malapit nang maghapunan," anito saka tumayo at pinagpagan ang likod ng pantalon.

"Hindi tayo uuwi." Nagulat si Yngrid sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

Halatang nagulat din ang pinsan niya. "Hah?"

"Pupuntahan natin si Noah."

"Haah?"

Binuksan ni Yngrid ang pinto ng silid at hinila sa kamay ang pinsan niya. 

Project: YngridWhere stories live. Discover now