Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter 4

36.7K 886 43
                                    

"What are you up to, Crystal?" may dudang tanong sa kanya ni Jacob.

Naniningkit ang mga mata nito habang pinapasadahan ng tingin ang mukha niya pagkatapos naman ang suot niya. Her face was bare of makeup, naka-pontyail ang buhok niya, and what she has on was not what she personally picked. Wala naman siyang nilabag sa utos nito. Suot niya ang mga binili nitong damit para sa kanya. Ginupit nga lang niya ang jeans pero hanggang itaas naman ng tuhod. Hindi masyadong maiksi like what she often wore. At ang white t-shirt na maluwang sa kanya, itinali niya sa likod to shape her body. Sexy pero hindi malaswa. Innocently sinful. 'Yon ang dating niya. Iniawang pa niya ang bibig nang bahagya and looked innocently at him.

"Huh? Nagluto lang ng almusal, pinagdududahan mo na ako? Isn't this what you want? I am making an effort here so I hope you will be more appreciative," sabi niya nang may tipid na ngiti. "Can we have a truce? I am tired of our constant bickering," dagdag niya nang nakalabi pa. She knew how cute she was when she did that.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya, bagkus, sa malamig na boses ay sumagot ito, "What's with your clothes?" tanong nito na nakasingkit pa rin ang mga mata. Bumalik na ang tingin nito sa mukha niya.

She has prepared for this. Kung saan man siya dadalhin ng mga plano niya, bahala na si catwoman. Nakatali ang buhok niya pero may inilugay siyang kaunti sa bandang kanan. She tucked some behind her ear. Binasa pa niya ang mga labi. Maarte pero swabe kaya hindi halata na pasimple niya itong inaakit.

"I can't move freely in pants Jacob." Nilakipan niya ng kaunting landi ang pagsambit niya sa pangalan nito.

Muntik na siyang matawa sa expression ng mukha nito. It has been years when she called him by his name. Ito rin ang unang pagkakataon na nag-usap sila nang malumanay. She has to keep her mission in mind dahil kung hindi, baka hindi niya mapanindigan ang mga pinaggagawa at gagawin pa niya. She still disliked his ways and his attitude towards her. It was time to tame him a bit.

"What's burning?" kunot noong tanong nito and she exclaimed.

***

Nakaupo sila at kumakain ng tinapay na may itlog na ipinirito ni Jacob. Ang pinagmamalaki niyang almusal, went to waste. Nasunog ang mga nilalaga niyang itlog dahil kulang ang tubig na inilagay niya at malakas ang apoy ng kalan. Ang mga gulay naman ay overcooked na. Nagmukhang baby food. Pero imbes na mainis, maski siya ay natatawa sa kapalpakan niya. Surprisingly, hindi nagalit si DFB. He even taught her the right way to cook such food. Ito ang nagluto ng mga piniritong itlog dahil baka matalsikan daw siya ng mantika.

How sweet was that? Pero wish niya lang na totoo. But beggars can't be choosers so magpasalamat na rin niya. It's better than him being curt to her. Hindi rin naman pala masama na hindi makipagbangayan kay DFB. Pretending to be nice to him and trying to seduce him were better than being in each other's throats. Maibabangon pa niya ang nawasak niyang self-confidence three years ago but she should stop thinking about that now. Baka ma-bad trip siya at hindi na niya ituloy ang kalokohang ito. Siya rin ang talo kapag ginawa niya 'yon. She has to focus on her plan. Papatunayan niya sa sarili na kaya niyang akitin ito ngayon. Ilang buwan na lang naman at makakalaya na siya.

"You don't have to help in the farm today," sabi nito na ikinagulat niya.

Mukhang nag-uumpisa pa lang pero super effective na ang plano niya. She looked at him with a puzzled expression. He chuckled before sipping his coffee. Nakatawa ang mga mata nito na titig na titig sa kanya. Ibinaba nito ang tasa matapos uminom.

"It may surprise you but I am not a monster, Crystal. Siguro ito ang tamang oras for an apology," sabi nito na may makapintig ng pistachio nut na ngiti.

Seducing Mr. IrresistibleWhere stories live. Discover now