Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 7

34.8K 903 56
                                    

Daig pa niya ang namatanda. Hinayaan lang niya si Jacob na hawakan ang magkabilang parte ng mukha niya para itingala. Nakayuko ito at para siyang hinihigop ng mga mata nito. Mas lalong guwapo ito sa malapitan and his breath smelled good. It's a mixture of coffee and his manly pleasant smell.

"I want you..." bulong nito sa paos at tila hirap na boses.

Dahan-dahang bumaba ang mukha nito kaya ipinikit naman niya ang mga mata. Hinawak niya ang mga kamay sa mga maskuladong braso nito. Napabitaw siya at nagmura naman ito nang mahina sabay ng paghihiwalay nila nang marinig nila ang boses ni Jezelle. May sinasabi ito kay Manang Pacita.

Pumihit siya para mabilis na pumasok sa kwarto. She has to stabilize her wayward emotions and thoughts before facing Jacob again. Naguguluhan siya sa revelation nito. Naiintindihan niya ang sinabi nito tungkol sa usapan between him and her older brother. They have been friends for a long time at ayaw lang ng kapatid na igaya lang siya ni Jacob sa mga babae nito. Now she wondered kung nabanggit ba ni Jacob sa kuya niya ang nangyari dati?

She erased that question in her mind immediately. Siyempre, hindi. Dahil malamang, hindi na matalik na magkaibigan ang mga ito kung sakali. Besides, kung hindi man siya ang babaeng involved noon, Jacob will not tell a soul. Discreet nga ito sa relasyon sa mga babae nito, kaya hindi ito ang tipong kiss and tell. Ilang beses na narinig niya dati pa na tinatanong ito ng kapatid about his women, but Jacob just shook his head and chuckled bago iibahin ang usapan.

At ngayon, ano nga ba ang pakiramdam niya matapos nitong sabihin na gusto siya nito? At ano nga ba ang dapat niyang maramdaman? Dapat ba siyang matuwa dahil nagkabaligtad na yata ang sitwasyon? She was infatuated with him but he treated her like a younger sister or dahil ba 'yon sa usapan nito at ng kuya niya?

Nailing siya bigla. Ni hindi nga niya alam kung kailan eksaktong nangyari ang usapan ng mga ito. Malamang nito lang noong iwanan siya ng Kuya Neil niya sa pangangalaga nito. Isa pa, hindi kailangang sabihan si DFB ng kapatid years ago dahil hindi pa siya pasado sa standard nito. Ang mga pinapatulan lang ni Jacob ay ang ang magaganda, sexy at gifted sa may bandang itaas ng katawan at pang-upo. Para siyang patpat dati and she had pimples and braces kaya hindi siya pasado rito. At ngayon na nagbago na ang hitsura niya, dapat ba siyang matuwa na may pagnanasa na ito sa kanya? She clucked her tongue. If that's the case, ang babaw talaga ni Jacob Murillo.

Isa lang ang sagot sa tanong niya. Wala siyang dapat maramdaman dito dahil siya naman ang magtataas ng standard niya sa lalaki kasi may karapatan na siya. Jacob was extremely hot but she was confident that she will meet other good-looking men who were better when it comes to handling relationships. Mas mainam nga na hindi kasing-hot ni Jacob dahil mas nakatatakot. 'Yong tipong para kang palaging paranoid kasi nga habulin ng babae pero cautious ito. Sobrang maingat. Dapat may pagka-CIA ka bago mo mabuko. Ang hirap magka-nobyo ng super yummy at mukhang kahit nabuko na, hindi pa aamin kagaya ni Jacob.

She was going to stop thinking about him. Nagbago na ang misyon niya. Ang misyon niya ngayon ay tatagan ang isip at loob habang nasa pangangalaga pa siya nito. Hindi naman siya takot that he will use force to make advances to her after today. At hindi naman ang tipo nito ang mahahayok sa babae lalo sa kanya. Para-paraan din naman lang ito dahil pasimple nga niyang sineduce so he felt na makakaisa ito sa kanya. Pero sa sarili niya, alam naman niya na kaya niyang kontrolin ang attraction sa physical looks nito. Hindi lang ito ang magandang lalaki sa Pilipinas at lalo na sa mundo.

The next day, before lunch na siya lumabas ng kwarto. Kinatok siya ng mga alas otso ni Jezelle para mag-almusal pero sabi niyang inaantok pa siya. Hindi man lang siya nangiti nang ma-realize na hindi siya binalak gutumin ni DFB unlike before. She can use his so called desire for her to take advantage of situations. Hindi naman mag-iinarte pero she will be more relaxed and less stressed.

Seducing Mr. IrresistibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon