Chapter 15

15.1K 412 32
                                    

Nagising nanaman ako dahil sa sinag ng araw pero hindi muna ako dumilat. Inaantok pa ako.

"Wifey, wake up." Naramdaman ko ang paghalik sa akin ni Zander kaya agad akong napadilat at tinakpan ang labi ko.

"Naman eh! Hindi pa ako nag to-toothbrush!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

Tumawa siya. "I dont care." And with that, tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa labi ko at muli akong hinalikan.

Nanghina kaagad ako sa halik niya, umagang-umaga at ito ang bubungad sa akin. Sana ganito lagi ang bubungad sa umaga ko no?

Tumagal ang halikan namin. Ngunit nanatiling mabagal. Inilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya.

"Hmm..." I moaned. Shit. Ganito pala ang pakiramdam nang hinahalikan? Hindi pa ako nagkaka boyfriend dahil sa mga bagay na kailangan kong unahin sa buhay ko.

"Hmm, how i love my morning kiss." Nangiti ako nang hinaplos niya ang pisngi ko.

"Stand up, Wifey. May pupuntahan tayo." Napakunot ang noo ko. Nanatili parin ang maliit na distansya namin sa isa't-isa.

"We're going to my workplace. Business and then Mafia. I will introduce you to my men." Bigla akong nakaramdam ng hiya. Ipapakilala niya ako?

"Kailangan pa ba niyon?" Siya naman ngayon ang nagsalubong ang kilay.

"Why? Ayaw mo ba?" Kaagad akong umiling.

"Hindi naman sa ganon pero, nahihiya ako, hubby."

"Bakit naman?" Nag iwas ako ng tingin at nagpakurap-kurap.

"Do i deserve to be your Wife? I mean, Isa kang Mafia Boss and im Just a simple-" Kaagad niyang pinutol ang sinasabi ko.

"What? You are more than to what i deserve, Wifey. Sobra-sobra pa sa dapat ko lamang na makuha. You're the best thing that came to my life. You changed me." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya at kusang umangat ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya.

"I love you, Hubby."

"And i love you too, Wifey." Parehas kaming napangiti.

"Now, get up Wifey. Nahanda ko na ang dress na susuotin mo. Hindi lang ako sure kung magugustuhan mo, color black 'yon."

"Basta may lagayan ng baril, laban na 'yon." Mahina niyang pinitik ang ilong ko.

"Savage." Kinagat niya ang labi niya.

Ngumisi ako. "Well..."

"I want to join you in the shower but..." Tumingin siya sa katawan niya at ngayon ko lang napansin na naka polo na pala siya na longsleeve at naka black pants.

Ngumisi ako. May kung ano akong naisip. Takte. Ano bang nangyayari sa akin?

"Kasalanan mo..." Nilaro ko ang daliri ko sa leeg niya papunta sa dibdib niya. Nakabukas pa ang iilang butones sa itaas ng polo niya.

"Naligo ka kaagad..." Sinadya kong palambingin ang boses ko at kinagat ko pa ang labi ko.

Damn. Kahit ako, hindi ko na alam ang ginagawa ko.

"Fvck." Umigting ang panga niya at napatili ako nang buhatin niya ako nang pangkasal at dalhin sa banyo.

"Wifey, tama na 'yan. Maganda kana, okay?" Nilingon ko si Zander na nakasimangot na sa akin. Nag me-make up kasi ako ngayon.

At oo, ginawa namin 'yong...*Ehem* yung naiisip niyo.

Yes, naligo siya ulit. S-sabay kami. Tapos nagpalit ulit siya.

Mask Off, Rosegun.Where stories live. Discover now