Chapter 48

10.2K 222 7
                                    

Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom. Iminulat ko ang aking mga mata at kaagad kong naramdaman ang katawan ni Zander sa tabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang asawa ko ay nakaupo sa isang upuan habang ginagawang unan ang kama ko.

Agad akong na guilty, may dextrose pa siyang dala-dala. Agad akong umayos ng upo.

"Kawawa naman ang asawa ko..." Sinimulan ko nang hagurin ang buhok niya.

"Hubby..." Sinimulan ko naring halik-halikan ang ulo niya.

Agad siyang nagising. Tumingin siya sa akin at agad na ngumuso. Natawa ako.

"Come here, bakit diyan ka kasi natutulog..." Pinagpagan ko ang gilid ng kama ko.

"Hindi mo ako pinapansin. Alangan namang iwanan kita rito?" Napangiwi ako. Isang linggo nga tayong hindi nagkita.

Pero dahil nakasimangot parin ang asawa ko, kaagad akong lumapit sa kaniya para bigyan siya ng halik.

"Sorry po..." Hinaplos ko ang baba niya. Nagpapalambing lang ang isang ito.

"Tara na rito, rito kana matulog hubby. Magpapa deliver ako ng pagkain." Hindi ko siya maalalayan tumayo dahil ang bigat-bigat na ng katawan ko dahil sa mga anak namin.

Hindi naman siya gaanong nahirapan sa pagtayo. Kaagad siyang tumabi sa akin.

"Are you hungry?" Tanong niya.

"Obviously, hubby." Tinatawagan ko ang tauhan ni Zander para magpautos.

"Ma'am--"

"Bilhan mo kami ng pagkain ni Zander. Gusto ko 'yong may mainit na sabaw, okay?" Habang nag-uutos ako kay Andrew ay naramdaman ko ang kamay ni Zander sa tiyan ko. Nilingon ko siya at nagkatitigan kami.

I smiled at him but he remained serious.

"Okay po, Ma'am. Ay ma'am!"

"What?" Napakunot ang noo ko sa tono ng boses ni Andrew.

"Pwede pasabay kami? Hehe." Tumaas ang kilay ko. Hindi ba pinapakain ni Zander ang mga ito?

"Syempre. Orderin niyo kung ano man ang gusto niyo." Narinig ko silang nagsigawan.

"YAS WHOOOO! SAWANG-SAWA NA AKO SA PAGKAIN NG HOSPITAL!" Rinig kong sigaw nila.

Pagkain ng hospital? Diba mga pasyente lang naman ang binibigyan?

"TANGINA. NAMISS KO NA MAG PIZZA."

Napailing nalang ako at hindi ko pa man binababa ang phone ko ay kaagad itong nahulog dahil sa paghila sa akin ni Zander.

"Hubb-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil sa biglaang paghalik sa akin ni Zander.

Marahan at mabagal. Sa hindi malamang dahilan, nanubig ang aking mga mata.

I missed him. I missed my husband. Sobrang nag-alala ako. Dahil sa halik niya, muli kong naalala ang takot ko, ang pangagamba ko nang makita siyang mabaril. Ang makita siyang duguan.

He wiped my tears. And continue kissing me again na buong puso kong tinugunan.

My Mafia Boss. I never saw him like that. Nakilala ko siyang astig at malakas. Pero ng dahil sa akin, ng dahil sa pagmamahal niya sa akin, nalalagay ang buhay niya sa peligro.

He wiped my tears again. Tinitigan niya ako habang ako naman ay nanunubig ang aking mga mata habang nakangusong nakatitig sa kaniya.

He smiled at me and he gave me another kiss.

Mask Off, Rosegun.Where stories live. Discover now