Chapter 8

2.4K 78 6
                                    

Chapter 8

Stefhanie's pov

Ganto pala pag walang trabaho nakatunganga ka lang juskopo ano pa bang pwedeng gawin may pasok si Zayne at wala naman si Cindy dahil may dadalawin daw ako lang mag isa sa condo pero hindi ko alam kung anong gagawin ko nalinis ko na yung buong condo

Nakapagluto narin ako ng tanghalian nakaupo lang ako dito sa sala habang nakatunganga ano pa nga bang pwedeng gawin?tama dapat makahanap na ko ng bagong condo dahil pagmamayari ng baklang yon itong buong building

Mabilis akong naligo at saka nagbihis kailangan yung malapit lang din sa school ni Zayne para hindi hassel

Nag commute lang ako dahil ala naman akong kotse habang naka sakay ako sa Taxi napatulala nalang ako sa bintana nito kanina sa sala ako nakatulala ngayon sa bintana na nakss

Dahil napadaan kami sa building na pag aari nung baklang bruha na yun naalala ko na naman yung pag uusap namin kahapon,magpapakasal?sa kanya?ano ko hilo?

Kahit naman nabuntis nya ko hindi parin ako magpapakasal sa kanya sige sabihin na nating anak nya si Zayne at kailangan din ni Zayne ng tatay pero pano naman ako?Corny man pakinggan pero para sakin pagnagpakasal ka dapat mahal mo yung taong papakasalan mo

Sabi nga nila diba bago mo intindihin yung iba dapat yung sarili mo muna hindi naman masamang maging selfish minsan eh

Tsaka ala talaga kong balak mag pakasal sa kanya eh kahit saang angulo mo tingnan malabong maging asawa ko yun dahil unang una papatol lang ako sa lalaki hindi sa bakla

"Maam dito na po tayo"nagpasalamat lang ako sa driver tsaka bumaba na naisipan ko kasi na bumili muna ng maraming chocolate bago maghanap ng bagong lilipatan namin

Isang malakig plastic ang pinuno ko nang chocolate para sure na kong hindi maubusan ng stock pagkataps ko nagumpisa na kongmaghanap

-_-_-_-_-_-_-_-_-

Napabuntong hininga nalang ako dahil amporkchap wala akong mahnap lahat ng pinagtatanungan ko sinasabi ko palang yungpangalan ko humihindi na sila dahil wala akong mahanap na condo nag try akong maghanap ng apartment pero anak ng tupa ala ganun din sabihin ko palang yung pangalan ko ayaw na agad nila

Kahit parang may mali hinyaan ko nalang yun baka si Jane matulungan ako tinawagan ko si Jane at 3 ring palang sinagot nya na ito

"Bruha tulungan mo kong maghanap ng malilipatan"yan agad ang bungad ko pagsagot nya

(Akala ko naman na miss mo ko kaya ka tumawag hmmp kaylangan mo lang pala ng tulong ko Bad Stef"napairap nalang ako sa sinabi nito ayaw mag seryoso ng bruha

"Hoy,Seryoso ako hano!"Bwisit tong bruhang to

(Bat kasi lilipat ka pa ng tinitirahan?Ano na naman bang problema mo?)

"Si Zach may ari ng building ng tinitirahan namin ng anak ko ngayon ayoko ng mag karoon ng koneksyon sa baklang yon kaya kahit patira naman sa condo mo kahit dalawang araw lang"narinig ko namang natawa si Jane tawanan daw ba ko?

(Si Sir Zach din may ari nun eh)ugh bat ba ang yaman ng baklang yun?!

"Hmmmp ala kang natulong bye na"hindi pa sya nakakasagot ng patayin ko na ang tawag

San pa kaya ako pwedeng makahanap ng bagong titirahan?

Nakita kong nag text na sakin si Cindy nakauwi na daw sila ni Zayne hayy makauwi na nga

-_-_-_-_-_-

Pagdating ko sa bahay tulog naman na si Zayne ang sabi ni Cindy nag P.E daw kanina sila Zayne kaya napagod at dahil ayoko na munang problemahin ang lahat nagbihis lang ako at nag commute papunta sa pinakamalapit na bar

A Night With Mr. Gay [GAY SERIES 1] (COMPLETE) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now