Chapter 16

1.9K 61 5
                                    

Zach’s pov

Iniwan ko si Stefh doon sa kusina at nagmamadaling nag drive papunta sa condo ni Ash sya kasi pinaka close kong pinsan eh at nakaka alam nang kasarian ko na ngayon hindi ko sigurado kung ano

Nakailang pindot din ako ng doorbell  bago bumukas yun at lumabas si Ash and taray ng fafa nyo naka formal attire pero mukhang bagong gising

“Bakit andito ka?Anong oras na?”naghikab pa sya habang papunta sa kusina umupo naman ako sa sofa nya at inintay ko na lang sya,malakas kutob ko maglaabas ng alak yan lasinggero yan eh

Inilapag nya sa harap ko yung dalawang bote ng soju ewan ko ba dyan at yan ang paborito nyang inumin eh hindi naman gawa ng Pinas taksil sa sariling bayan!

“Bat ka ba andito bro?”uminom muna ko bago sumagot ang init talaga sa lalamunan nito

“Sinabi ko na kay Stefh na naguguluhan ako”

“Ay bobo”napairap ako sa reaksyo nya medyo walang kwentang kausap to ah

“Bakit mo naman sinabi?Ikaw nga naguguluhan edi mas maguguluhan yun kung bakit ka naguguluhan”Hanudaw?

“Ano ba kasi talaga ibig sabihin ng bakla jusko alam kong ganon ako pero parang iba naman yung definition ko”inis ko pang ginulo yung buhok ko

“Wait search natin kay mareng Merriam”inilabas nya naman yung cellphone nya tsaka nag pipindot nagsalin ulit ako tsaka uminom sakit talaga sa lalamunan

“Oh eto bro sabi,sexually attracted to someone who is the same sex”napabuntong hininga naman ako

Attracted  to smeone who is the same sex?paanong same sex eh babae si Stefh?talagang ginugulo ako ng bruhang yun

Nung nalaman ko ngang may anak ako na kahit kailan hindi ko pinangarap imbes na mainis natuwa pa ko parang wala ako sa sarili ko

Tapos nung kinulong ko sya samin ng 3 weeks nararamdaman ko nang may kakaiba kaya nga si Zayne lang yung sinasama ko para malayo ako sa kanya

Akala ko naiingit lang ako sa kanya dahil babae sya at lahat ng gusto ko na meron ako eh nasa kanya

Tapos after non pinagtanggol nya pa ko nasasaktan lang naman kasi ako non dahil naguguluhan na nga ako sa kasarian ko tapos tatawanan lang nila ko?

At ang malandi ko namang katawan nag ‘thank you’ ng kusa jusko na rape ko sya non pero palaban ang gaga at may pa ‘youre welcome’

After nong gabi na yun diretso din ako dito sa condo ni Ash at tinanong kung bakit ko ginawa yun diba parang tanga ako may gawa pero tinatanong ko sa iba

Ang payo sakin ng magaling kong pinsan gawin ko daw yung ginagawa ng mga lalaki sa drama para malaman ko yung nararamdaman ko kay Stefh

Inyos ko yung boses ko ginamit ko yung totoo kong boses medyo nasanay na nga ako,siguro ito na lagi yung gagamitin ko

Pinagtanggol nya ulit ako kay Aliiyah noon kaya madali kong nasingit yung date

Pero imbes na maging masayang date at malinawan sa nararamdaman ko awkwardness ang nanaig saming dalawa mas gumulo tuloy

Bakit sya awkward sakin?ayaw nya ba sa bakla?eh bat sya pumayag na mag sex?

Si Ash ang nagbigay sakin ng payo kesyo lutuan ko daw sya kesyo ganto ganyan hindi ko naman ginawa yun at nagkulong sa office ko

Nagulat pa ko nang dumalaw ang bruha mas gumulo tuloy ano ba yan!

Ano ba talaga Stefh?Gusto mo ba ko?Kailangan ko bang magbago para sayo?Gusto ba kita?

A Night With Mr. Gay [GAY SERIES 1] (COMPLETE) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now