Episode One : The Two Secrets

23 1 1
                                    


.............

......kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!

..."Umaga na pala..shet,napasobra ata ako ng tulog"...

Nagising ako sa malakas na ring ng alarm clock ko. " whoo..kala ko napasobra nanaman tulog ko, sakto lang naman pala."

"Kain, Ligo then bihis." yan ang daily routine ko tuwing weekdays.. eh lahat naman ata ng estudyante ganyan ang ginagawa pag umaga.

"Ma! Pasok na po ako." Sigaw ko bago lumabas ng bahay.

"Sige Anak! Ingat and study hard." Sagot ni mama.

Ako nga pala si Jeremy Cruz...17 years old, 4th year High School Student sa Serenity High School. Isang high school na merong pagka classy ang pangalan. Simple lang ako, medyo tahimik and medyo seryoso.........and sobrang bored na.

"Paulit-ulit na ang nangyayari and nakakasawa na. Normal lang ba na mag-isip ng ganito? sa tingin ko oo. Di lang ako ang may problemang ganito pero siguro ang ikinaiba ko sa lahat ay meron akong isang malaking sikreto"

Isa akong adopted or ampon. Since nung nagka-isip na ako, hindi sakin nababanggit na inampon lang ako ng mga kasama ko ngayon na kinilala ko bilang magulang. alam ko pero hindi nila alam na alam ko...ayoko magtanong or i-ungkat ang bagay na 'yon dahil ayokong ma-ilang sila pag kasama nila ako. Hindi ko nadin madalas maisip na kung sino kaya ang mga tunay kong magulang? at kung bakit nila ako ipinaampon. Sa totoo lang big deal ito pero mas minabuti ko na wag nalang muna problemahin at kalimutan na ng tuluyan.

"Jeremy!" isang malakas na sigaw ang narinig ko sa aking likuran.

" Ah Lloyd. Ikaw pala"

Si Lloyd ay ang aking bestfriend since 1st year sa Serenity High School. Kwela, masayahin at masarap kasama... yun nga lang medyo babaero. Mestiso sya at gwapo naman kaya di na ako magtataka kung bakit "Playboy in Rush" ang bansag sa kanya.

"Oi Pare nabalitaan mo na ba na may transfer student na hahabol sa section natin ngayon? and i heared na galing daw sa sikat na school and guess what...CHICK daw pre!!" Masayang Sinabi ni Lloyd.

"Ahh Ganun ba?" Ang sagot ko.

"Hahaha ayan ka nanaman!..Umagang umaga serious mode ka, sabagay sanay naman na ako sa ugali mong parang walang pakealam sa lahat." Sabi ni Lloyd.

"Oh? Bilisan mo na't baka ma-late pa tayo sa kaka-daldal mo."

"Yun oh! haha! ayan tayo eh..matanong ko lang pare, di mo pa siguro nararanasan ma-inlove no?" tanong ni Lloyd.

"ano?! syempre naranasan ko na yun adik! usapang kabaklaan nanaman yan ah." Sagot ko kay Lloyd

"Lul..kala ko kasi virgin ka pa pagdating dun eh hahahaha!"

"Siraulo ka talaga eh no? bahala ka na nga dyan." Ang sabi ko.

..............."Uhmm..Can you two please excuse me? Nakaharang kasi kayo sa daanan"............

Nagulat ako ng narinig ko ang boses ng isang babae na nasa likuran namin ni Lloyd.

Lumingon ako at nakita ko ang babae. Naka school uniform sya na tulad ng uniform ng mga babae sa Serenity High School. Golden blonde ang kulay ng mga buhok nya, straight and long. Maganda ang hugis ng katawan, maputi ang kutis at mukhang anghel ang itsura.

".....ahh...so-sorry....." Ma-utal utal na sabi ko.

" OK! Next time don't do that baka kasi masagasaan kayo. Kawawa naman mga magulang nyo" Sabi ng magandang babae.

Serenity StoryWhere stories live. Discover now