Episode 4: Memories

2 0 0
                                    


Sa isang di kalakihang bahay sa isang kilalang probinsya. May nagaganap na simpleng pagdiriwang - Ang pang syam na kaarawan ng isang batang ang pangalan ay Jeremy.

"Yeheey so anak close your eyes and make a wish!" Sabi ng nanay.

Pinikit ng bata ang mata sabay ngumiti at sinabing "Ok na po!"

"Ok anak. Open your eyes and blow the candle!" Masayang sagot ng nanay.

..........................................................................................

Pagkatapos hipan ng bata ang kandila,nagpalakpakan ang lahat ng panauhin - mga bata kasama ang kanilang mga yaya, ang iba ay ang sariling mga magulang.

Niyakap ng nanay ang batang si Jeremy at sinabing- "Happy birthday anak ko! mahal na mahal ka namin ng papa mo!"

Lumapit ang isang lalaki at niyakap ang mag-ina sabay sabing- "Oo anak mahal ka namin ng mama mo sobra."

Kita sa mukha ng bata ang di maipintang saya. Mapapansin din sa mukha ng mga tao sa birthday celebration na iyon ang tuwa at galak ng nakita nila ang mag-anak na magkayakap.


---Lumipas ang ilang buwan pagkatapos ng birthday ng batang si Jeremy---


"Anak, tama na ang paglalaro, Hapunan na, kumain na muna tayo!" imbita ng nanay habang si Jeremy ay masayang naglalaro ng kanyang bola.

Sinimulan na ng mag-ina ang pagkain ng hapunan, ilang minuto at tumunog bigla ang doorbell ng kanilang bahay.

"Ding! Ding!....Ding! Ding!"

"Anak yung Papa mo na yan, buksan mo na yung pinto at salubungin mo." Utos ng ina.

Mabilis na tumakbo ang si Jeremy papunta sa main door ng kanilang bahay para buksan ang pinto.

"Salamat Anak, kumain na ba kayo?" Tanong ng ama pagkatapos pagbuksan ni Jeremy ng pinto. Napansin  nya na puno ng pawis at hinihingal ang kanyang ama.

Sumalubong din ang ina kasunod ni Jeremy.

"Oh 'Pa? ano ba naman yang itsura mo? naliligo ka sa pawis! tara at magpunas at magpalit ka na, nakahanda nadin ang hapunan." Sabi ng ina.

Nagtatrabaho bilang branch manager ng isang fast food chain ang ama ni Jeremy, habang ang ina naman ay plain house wife na nag-aasikaso ng gawaing bahay.

"So kamusta ang trabaho 'Pa? stress nanaman ba?" Tanong ng ina sa ama habang sila ay kumakain ng hapunan.

"As usual, tsaka struggle ang sales namin ngayong buwan, madaming nag-tayuang food chains malapit sa pwesto namin kaya double time kami para mag-isip ng paraan para makabawi." Sagot ng ama.

"Ahhh eh hayaan mo na matatapos din yang problema nyo, ayan at kumain ka ng mabuti para makapag-pahinga ka na." Sabi ng ina.

Natapos ang kanilang hapunan at nagsimulang maglinis ng pinag kainan ang ina habang si Jeremy at ang ama ay nagpunta na sa sala.

"Anak pabuksan naman ng T.V oh, ng makahabol sa mga teleserye." Utos ng ama kay Jeremy.

Mabilis naman kumilos si Jeremy at binuksan ang T.V.

"Ayan. Tara nga dito anak at tabihan mo ko." Sabi ng ama na nag-aayang tabihan sya ng anak sa panonood.

Masaya namang tumabi si Jeremy at sabay yakap sa kanyang ama.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Sep 19, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Serenity StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang