Episode Three: His Secret

9 0 0
                                    


......KKRRRriiiiiiiiiiiiiiiinnnnngggGGGG!!!!....... KKRRRriiiiiiiiiiiiiiiinnnnngggGGGG!!!!

"Whew! OO na gigising na...5 minutes pa babangon na din ako"

Para kong tanga sa kakausap sa alarm clock ko na tuloy-tuloy lang sa pag-ring.

......RRRRRriiiiiiiiiiiiiiiinnnnngggGGGG!!!!....... RRRRRriiiiiiiiiiiiiiiinnnnngggGGGG!!!!

..........................................................

Bumangon na ako at nagkamot ng ulo, pagtingin ko sa oras naisip ko na may 30 minutes akong nasayang sa di pagbangon ng maaga.

"Napuyat ba ako? Di naman ako ginabi ng husto kagabi after ng ......"

Naalala ko yung kahapon na magkakasama kami nila Lloyd, Pau at Cleah. Napaisip ako, inalala ko ang lahat ng nangyari since nung dumating si Cleah sa School - Mula sa di inaasahang pakikipagkaibigan ni Cleah sa akin, sa pagtulong ko kay Pau dahi sa pambu-bully ng iba at sa pag pasyal namin sa mall ng magkakasama. Sa totoo nakaramdam ako ng "Happy Feeling" dahil unusual para sakin ang mga ganung pangyayari, Personally.

Pero syempre di magbabago ang kailangan mo bumangon, maligo, magsuot ng school uniform, kumain ng agahan at pumasok sa school.

"Ma' Pasok na po ako!" Pasigaw kong sabi kay mama habang nagmamadaling lumabas ng bahay.

As usual "Ingat at study hard" ang sagot ng mama ko. Parang recorded nalang.

Habang naglalakad naalala ko din yung isang gabi na nakita ko si Cleah sa labas ng hotel kasama ang di kilalang lalaki.

"Baka kamukha lang ni Cleah yung nakita ko. Parang kaimposiblehan na gawin ng isang mala-prinsesang pamumuhay ang magbenta ng drugs at pumasok sa hotel na may kasamang matandang lalaki."

Ang nakasama naming Cleah kahapon ay mabait, palakaibigan at masayahin so taliwas sa iniisip ko na sya yung nakita ko nung isang gabi.

Malapit na ako sa terminal ng Jeep at nakaramdam ako na parang may kulang.

Tama merong kulang. Himalang di ko manlang nakasalubong si Lloyd ngayon. Nakakapanibago.

Nakasakay na ako ng jeep, as usual, kinuha ko sa bag ko ang puting headset at kinabit ko sa aking cellphone. Mahilig ako sa music, napapawi nito kahit pano yung pagkabagot na nararanasan ko sa araw-araw. Mahilig ako sa slow rock, pop rock at paminsan-minsang senti music. Minsan nga napapakanta pa ako ng malakas ng di ko namamalayan.

Naninibago talaga ako dahil di ko kasabay si Lloyd ngayon, bakit kaya? nag-isip ako ng mga pwedeng dahilan.

".....................................!!"

"Tama, kagabi bago kami magpaalam sa isat isa para umuwi, nireklamo nya na imbis na sya ang pansinin ni Cleah, ako daw ang pinapansin so galit kaya si Lloyd sa akin?" Tanong ko sa sarili.

Napangiti nalang ako, kakausapin ko nalang sya mamaya sa school.

Mga 2 minutes nalang at nasa school na ako ,may natanaw ako sa labas habang nakasakay sa jeep. Parang may gulo na nangyayari sa panglimang kanto papunta sa school.

Tama. Gulo nga, parang away ng mga estudyante at ayon sa design ng uniform nila, sila ay mga estudyante ng Manggahan High School, ang school sa kabilang bayan.

Halos lahat sila naka uniform maliban sa isang lalaki na parang pinagtutulungan nilang gulpihin.....................................

....!!

Serenity StoryWhere stories live. Discover now