Chapter 1: Start of Something New

113 4 0
                                    

KISHA'S POV 

"Gab , Wake Up !! Don't leave me.. please! Hey !!! Wake up! Gaaaaaab!!"

I can't stop crying. Ito yung mga huling salita na binitawan ko after noong huli ko siyang makita. Niyakap ko siya ng mahigpit. Pero papalayo na siya ng papalayo sa akin, unti-unti ko na siyang nabibitawan. At unti-unti na rin siyang nawawala sa paningin ko. . .

Tumatakbo ako papunta sakanya pero papalayo talaga siya ng papalayo sa akin. Hindi ko alam, Bakit?? Iyak parin ako ng iyak. Hanggang sa naririnig ko na may tumatawag sa pangalan ko.

"Kisha!! Hey Wake up!! May pasok pa tayo."

Nananaginip na naman pala ako. Lagi nalang yun ang napapanaginipan ko since nung nawala si Gab. 2 years na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nakakapag-move on. At ayoko siyang kalimutan , dahil kung hindi dahil sakanya, wala na ako at siya lang ang nagbibigay sa akin ng pag-asa para mabuhay. Muli na namang tumulo ang mga luha sa mata ko, hindi ko lang kasi mapigilan eh.

Habang inaayos ko yung higaan ko, tinap ni Bea yung shoulders ko. Nag-smile lang siya at bumaba na. Siguro naiintindihan niya rin yung pinagdadaanan ko ngayon.

Oh! I haven't introduced myself yet.

I'm Kisha Anne Lee, 18 yrs. old. Dito na ako lumaki sa Philippines. Pero ang Dad ko ay Korean, ang Mom ko naman ay pure-Filipino kaya may blood din akong Korean dahil sa Dad ko. Only Child ako kaya mejo na-spoiled nila ako. Pero kahit spoiled ako, sinanay naman nila ako sa mga household chores kahit may katulong.

Pinsan ko nga pala yung gumising sa akin kanina. Siya si Bea. Beatriz tunay niyang pangalan. Kapatid ng Dad ko ang Daddy ni Bea. At parehas sa mom ko, Filipino din Mommy niya. Magkasing-age lang kami ni Bea at sabay din kaming lumaki.

Naiwan lang kaming dalawa sa mom niya dahil yung dad niya pati parents ko may business trip sa Korea. Kaya nasanay na rin akong wala sila lagi sa tabi ko.

Bumaba na ako para kumain. After naming kumain naligo na ako at nagbihis ng uniform. Since First day of school, dapat maaga kami ni bea. 2nd year College na kami parang kelan lang.. 10 minutes lang at nakarating na agad kami ng school hindi na kailangang magcommute, lumipat na din kasi kami last year lang.

Nung nasa school na kami, bigla nalang nag-flash back lahat ng mga nangyari. . . . .

                                                 -------------------------------------------

Sa chapter 2 ko na ikkwento lahat ng mga nangyari. Kung anong nangyari sa relationship nila ni Gab at kung pano sila humantong sa ganito.

keep on reading ^____________________^

Summer RainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt