Chapter 2: Confess

75 4 0
                                    

* flash back *

March 23, 2009 Monday

KRIIIIIING !! KRIIINNG !!

Aaaah ! Unat-unat ng kaunti, hikab. aish, inaantok pa ako ! Sabay tingin sa alarm clock ( >.>) 7:00 sakto. . . mahaba pa nam--- O.O ANO?! 8:00 ang pasok ko! 1 hour lang? ano ba yan Kish, kahit kelan ka talaga (>.<)7. Binilisan ko na yung kilos ko at baka malate pa ko.

pagkatapos kong kumain, maligo at mag-ayos nagpahatid na ako sa driver namin dahil mejo malayo pa ang school namin dito. 3rd year high school palang ako. Excited na ako maging 4th yr. at mag-college (^_^)..

pagkababa ko ng kotse, may babaeng tumatakbo, teka papalapit sa akin hindi ko pa siya maaninag ,pero nung mejo malapit na siya sa akin namukhaan ko na.

"Uy Kisha! anong oras na? Monday na monday late ka. tara na, bilisan mo!" Wow. what a friend. kahit kelan naman to si Jam. tss =.= Siya nga pala si Jam, Jam Ashley Santos tunay niyang pangalan. Bff ko yan kahit na lagi nya kong pinapagalitan ,mahal ko pa rin yan :P

Sumunod na ako sa loob. Buti nalang nagaattendance palang si Ma'am Cordero.

"Lee?!"

"Present Ma'am." :))

"Sumakto ka ah?" -_-

Napakamot na lang ako. sakto kasing pagpasok ko ,ako na yung tinawag. Nagbow nalang ako bilang pagbati at nag-smile :))

Last monday na namin 'to. Sa thursday na kasi yung Recognition namin. . wala na rin masyadong ididiscuss kaya nagkwentuhan nalang kaming magkakaklase, at pinayagan naman kami ni Ma'am Cordero.

"Kisha, kung pwede daw manilgaw sayo si Gab oh!" bigla nalang silang nagsigawan at naghiyawan..

"Class! Quiet lang. Sige pag maingay kayo magkaklase ako." tumahimik kami bigla. Ito kasing si Patrick ang lakas ng trip, lagi nalang akong inaasar kay Gab. Sabagay, matagal ng may gusto sakin si Gab, pero dahil sa friendship namin hindi niya magawang ligawan ako. Habang nakapaikot yung mga upuan namin tuloy-tuloy pa rin yung kwentuhan namin at ang topic simula nung 1st yr palang kami hanggang mag-third year.

Nung recess, pumunta na kami ng canteen, sa table dun sa gitna kami umupo. Ako, si Jam, at patrick lang nasa isang upuan. Tapos sa kabila naman sila Gab, Bea, at Neil. Biglang tumayo si Neil.

"Anong sainyo?"

"Waffle tska iced tea saken, si Jam sundae lang, si Bea waffle din, kay Gab at PAtrick Siomai, maanghang ung sauce. Salamat" :))

"Okay" inabot na namin ung mga pera namin sa kanya at umalis na siya.

Si Neil laging bumibili sa amin, nasanay na kami kasi volunteer naman at mabait talaga siya. lagi nga siyang most obedient at most industrious eh kaya hindi na nakakapagtaka :P

"C.R lang ako." Nung papalapit na ko sa banyo, hindi ko alam na sumunod pala si Gab sakin. Parang kanina pa siya hindi mapakali at parang may gustong sabihin.

"Kish ,aah p-pwede ka bang maka-usap?" mejo paputol-putol pa niyang sinasabi.

"Sure." Nung nasa kalagitnaan kami ng daan, ang tahimik lang naming dalawa, ang tagal naman nitong magsimula! >.< hinawakan ko siya sa braso niya at hinila papunta sa may gilid dahil ang daming estudyanteng dumadaan at nakaharang kami dun.

"Gab, ano bang sasabihin mo?!"

"A-alam mo namang matagal na kong may gusto sayo Kish diba? alam kong mahirap magtapat kasi ayokong masira yung pinagsamahan natin bilang bestfriends.. pero ngayon . . . hi- hindi k-ko na palalampasin pa to!" Hindi na ko nakaimik. Ang tahimik ko lang ng mga oras na 'yon.

"A-ah Gab, alam mo gutom lang yan e, tara na at baka nakabili na si patrick e, tara na!"

Paalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila papunta sakanya kaya mejo nabigla talaga ako (O.O) at ---

at bigla niya akong niyakap. (<.< ) awkward. =.=

"Kisha, I'll wait for your answer ,handa akong magtiis at maghintay para lang sa'yo."

Dahan-dahan na niyang binaba yung mga kamay niya at tinanggal na sa pagkakayakap at nauna ng bumalik sa canteen. .

Summer RainWhere stories live. Discover now