Prologue

8 1 0
                                    

Prologue

JUST LIKE the past years, a lot of parents and guardians are lined up outside the gate of Libertio Academia.

Sinusulit ng mga ito ang kaunting oras na pwede nilang makasama ang kanilang mga anak dahil anumang sandali ay papapasukin na ang mga estudyante sa loob ng paaralan at tuluyan nang isasarado ang metal gate... ng sampung buwan. At wala ni isa sa mga mag-aaral na ito ang maaaring makalabas ng paaralan sa loob ng mga panahon na iyon. Binubuksan lamang ang gate sa bilang at bihirang mga okasyon kagaya ng pasko at bagong taon o pwede ring isang emergency na kung saan kailangan na talagang lumabas ng isang mag-aaral.

Samantala, hindi lahat ng mga estudyante ay may mga dalang magulang o guardians dahil may mangilan-ngilan din na solo flight at inaantay nalang na matapos ang preparation hours upang ang lahat ay makatuloy na sa kanya-kanyang dorms.

Sa isang bench malapit sa metal gate ay nakaupo ang isang lalaking bagot na bagot na rin sa kasalukuyang kaganapan. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakapamulsa. Naiinis na siya at ayaw niyang titigan ang mga nangyayari ngayon para hindi na ito tumatak sa isip niya.

Matapos ang ilang minuto ay tumunog na ang golden bell nang dalawang beses, tapos ay may isang ma-awtoridad na boses ang nagsalita sa mga speakers sa labas ng metal gate.

"The preparation hour is over. Students are now obliged to go inside the metal gate to officially commence the brand new academic year. We asked the parents and guardians to cooperate in order to avoid any disturbances and disorganization to the system."

Idinilat ng lalaki ang mga mata niya at agarang hinablot ang itim at malaking maleta sa tabi niya. He hastily dragged it towards the other students who are also walking their way inside the metal gate.

"Student officials, please spearhead your co-students inside the school premises."

Naglakad sa harapan ang mga estudyanteng may itim na uniporme--taliwas sa pulang uniporme ng nakararami. Ang mag-aaral na ito na may naiibang kulay ng mga uniforms ay ang student officials mula sa iba't ibang student-governing bodies ng paaralan. Nang nasa harapan na sila ay pina-linya nila ang kapwa nila estudyante base sa grade levels. May kanya-kanyang taong nakatoka para rito.

Naglakad ang lalaking may maleta sa linya na para sa grade 10.

"Hay, lintek naman." Bulong niya pa nang makita kung sino ang opisyal na nakatoka sa linya nila. Walang iba kung hindi ang student council president. Napakagaling naman, madadagdag nanaman ito sa mga walang kwentang alaala na hinding-hindi niya makakalimutan.

Inis at pilit nalang niyang hinila ang maleta at ang sarili niya papasok ng school. 'Matatapos din 'to,' bulong nalang niya sa sarili. Nang papasok na siya sa metal gate ay saglit na nagtama ang paningin niya at ng student council president pero nag-iwas agad siya ng tingin. Dire-diretso nalang siyang pumasok at inisnaban ang mga guards.

Dahil pang-limang taon na niya sa paaralan na ito, literal na alam niya na ang pasikot-sikot nito kaya hindi niya na kinailangan pa ng student guide para marating ang kanilang dormitory. Isa pa, wala namang nakatatakas sa memorya niya.

Habang naglalakad siya papunta sa dormitory ay muling nagsalita ang boses sa mga speakers na rinig din sa loob ng school premises.

"We want to extend our gratitude for your cooperation and faith in our school. Until the next convergence.

We are the Libertio Academia; serving the knowledge in your plate,
To give you a prudent fate..."

Napangisi ang lalaki dahil sa sinabi ng speaker. Tumingala siya at tinanaw ang administrator's building at hindi siya na-disappoint nang makita ang hinahanap. Sa veranda ng 5th floor ay nakamasid ang school direktor sa bawat estudyanteng papasok.

Kahit malayo, pakiramdam niya ay tinititigan din siya nito.

"Another year, another game for you." Bulong niya bago nagbitiw ng tingin at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papunta ng dormitory.

-C.N. Haven-

The OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon