Chapter One

10 1 0
                                    

Chapter One


Alcohol

A G A P E

"UH, AYOS lang ba kung gagamit ako ng katol?" Nakangiti kong tanong 'kila Tiffany at Victoria.

Napatigil si Tiffany sa paga-ahit ng kanyang kilay saka ako tinapunan ng gulat na tingin. Si Victoria naman ay nabitawan ang hawak niyang liptint.

"What the hell?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Tiffany na parang aatakihin na anumang oras.

"K-katol? Are you out of your mind?" Bulyaw sa akin ni Victoria bago iritadong ibinato sa kama ang kanyang presspowder.

"B-bakit? H-hindi ba kayo sanay sa amoy ng katol?" Nahihiya kong tanong. Napahawak ako sa batok ko. Paano ba iyan? Bilin pa man din ni Nanay na huwag na huwag kong hahayaan ang sarili na ma-expose sa lamok dito sa syudad. "K-kung gano'n, m-magkukulambo nalang ak—"

Natigil ako sa pagkuha ng kulambo sa aking maleta nang hablutin ni Victoria ang braso ko.

Pinukulan niya ako ng nanlilisik na tingin. "Hey you..." tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa bago tinuloy ang sasabihin. "...you piece of cheap probinsyana girl, can you stop saying stupid things!" Singhal niya sa mukha ko. Halos idikit niya na ang mukha niya sa akin. Nakakain ko na nga yata ang bagong rebond niyang buhok.

"P-pero hindi naman nonsense ang s-sinabi ko. Nagtatanong lang naman ako nang gano'n k-kasi ayaw kong m-malamukan—"

"Gaga!" Putol naman ni Tiffany sa sinasabi ko saka lumapit sa amin ni Victoria na kasalukuyan pa ring nakahawak sa braso ko. "Tingin mo ba may lamok na makakapasok dito? Are you dumb?"

H-ha? Bakit? Wala bang mga lamok sa syudad? Sosyal naman. Kaya pala mataas ang cost of living dito.

Natutop ko nalang ang labi ko at hindi na nakapagsalita pa nang pagsabihan ulit ako ni Victoria.

"You know what? You have been talking for the past hours and I am already sick of your voice so will you just shut up? I don't wanna hear your worthless blabbering again. Besides, you are just one lucky beggar who happened to enter this school. So don't think that we'll spend our time listening to your cra—"

Napahinto si Victoria sa pagbulyaw sa akin nang biglang may lumipad na baraha sa gitna naming dalawa. Sobrang bilis at pakiramdam ko ay malakas ang pressure nito na aakalain mong blade iyon sa talas. Nang mapatingin ako sa direksyon kung saan ito dumiretso ay napanganga ako dahil sa pagkamangha. Nakabaon ang baraha sa bulletin board ng kwarto. Saktong-sakto pa sa bagong lagay na litrato ni Tiffany at Victoria na magkasama.

"What the F!" Gulat na sigaw ni Tiffany saka hinawi ang buhok at marahas na nilingon ang taong may gawa sa paglipad ng baraha.

Galing iyon sa isa pa naming roommate na sa pagkakaalala ko ay Denisa ang pangalan. Mukhang kalalabas lang niya ng banyo dahil may tuwalya pa siya sa ulo. Nagtaka tuloy ako kung saan niya galing ang barahang binato niya.

"Ang ingay niyo. Gabi na, pagbubunganga niyo pa rin ang naririnig sa buong dormitory. " iritadong komento niya sa amin. Lalo tuloy sumingkit ang chinita niyang mga mata sa paraan ng pagtitig niya.

Pero... hindi naman ako ang maingay. Sila Victoria at Tiffany kaya ang sigaw nang sigaw!

"What the fudge? You are really insane!" Bwiset na bwiset na sigaw ni Victoria bago niya marahas na binitawan ang braso ko kaya naman na-out of balance ako at nadapa sa naka-tiles na sahig at tumama ang tuhod ko sa frame ng kama bago ako tuluyang bumagsak sa sahig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The OddsWhere stories live. Discover now