Chapter 1: First day Of school in Canada

2.7K 33 1
                                    

*Why you desire me up every season, lick up the spatula and keep it squeaky Clean yeah*

*Pinatay ang alarm clock sa phone* Unti-unti kong minulat ang aking mga mata ng labag sa aking kalooban at sinuot ang aking salamin at dahan-dahang bumangon sa kama. Well its 6:00 in the morning at ang natural na gising ko ay 8:00 to 10:00 in the morning.

"Good morning Ella, ayusin mo na sarili mo" ang nakangiting pagbati sakin ni Mommy.

"Good Morning din Mommy" ang malambing na pagbati ko kay Mommy at humalik sa kanyang pisngi.

"Mag-ayos ka na gigisingin pa naman kita kaso nagising ka na pala. Gigisingin ko lang ang Ate at Daddy mo ha" sabi ng Mommy.

"Sige Mommy" Sabi ko at pumunta na ako sa Cr at nag-ayos na doon. Pagkatapos kong mag-ayos sa CR, nagsuot na ako ng pantalon at sweater, ang lamig kasi sa Canada.

Pagkatapos kong mag-ayos, pumunta na ako sa hapagkaininan at binati ng good morning si Ate at si Daddy.

"I'll lead the prayer" ang magalang na pagprinsinta ko na magdasal.

"Bless us, Oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ, Our Lord. Amen." Pagkatapos naming magdasal, kami ay kumain na ng almusal.

~Fast Forward~

Noong tapos na akong kumain, nagtoothbrush na ako at hinintay ang School bus.

"Bye Mommy, Bye Daddy, Bye Ate!" Ang pagpapaalam ko sa kanila na may kasamang halik sa pisngi.

Noong nasa School Bus ako, umupo ako sa pinaka likuran ng bus. First of All nakakapanibago. Yung mga kasabay ko kasi sa Bus ay kapoporma tas ako naman baduy ang suot, naka pantalon, sweater, add nanatin yung may brace at salamin ako HAHA.

"Saint Patrick Regional Secondary School" ayan yung pangalan ng Catholic school na pinasukan ko ngayon.

Nung papasok na ako sa Loob may bumato sakin ng papel sa aking likod. Pagtingin ko sa likod ko, may apat na lalaki ang nagtatawanan at nakatingin sakin at umalis na. I uncrumpled the paper at binasa yung nakasulat dito

"Stupid Nerd"

I can't believe na may nanluluko na sakin, First day palang ng school

At the Classroom:

"11th Grade St. Margaret Mary" ayan yung pangalan ng section namin. Umupo ako sa Pinaka likod ng Klase at nakita ko yung apat na magkakatropa na nangtrip sakin kanina. Syempre nainis ako at napasabi nalang ako sa isip ko na sana di na nila ulitin yung pangtritrip sakin.

"Good Morning Class" Sabi ng teacher naming kapapasok lamang.

"Good Morning Mrs. Johnston its nice to see you" Ang sabi ng mga kaklase ko at nakisabay nalang ako.

"Let us pray. Glory be to the father and to the son and ro the holy spirit, as it was in the beginning is now and will be forever. Amen." Ang mataimtim na dasal ni Mrs. Johnston at kami namang nakisabay. Sanay nanaman ako kasi nung nasa Pilipinas pa kami ay Catholic School na ang pinasukan ko.

"I heard that we have a new student here" sabi ni Mrs. Johnston, at nagtinginan sakin ang lahat.

"Oh hey, Are you the new student" Sabi ni Mrs. Johnston sa akin.

"Yes, I am the new Student" Ang sabi ko sa kanya ng nahihiya.

"Come over here at the front of the Class and tell everyone more about yourself" Ang sabi ni Mrs. Johnston na nakangitin.

So Ayun nanaman sa "Introduce yourself" pupunta nanaman ako sa unahan para magpakilala kahit labag sa loob ko.

"Hi my Name is Nia Martella Perez you can call me Ella for Short, Im 16 years old, Im from Philippines and I like reading books, My favorite subject is English and Science." Ang aking pagpapakilala with confidence.

"Ok, Ella, Nice to Meet you, Im Marrison Johnston, but you can call me, Mrs. Johnson" Ang pagpapakilala sa akin ni Mrs. Johnston at ako naman ay ngumiti sa kanya.

"Hey Ella! Or maybe UmbrELLA" ang sabi nung isa sa mga napagtripan ako. Kulot sya, gwapo pero di ko type, with freckles, at Maputi. Nagtawanan ang buong klase dahil sa sinabi nung luko na iyon

"Class can you please show some respect for Ella, she's new here." ang sabi ni Mrs. Johnston sa buong klase.

"Ella, you can Go back to your seat" ang sabi ni Mrs. Johnston sa akin.

"And you, Micheal Wright, stop teasing Ella, She's nice" Ang pagtatanggol ni Mrs. Johnston sa akin mula dun sa Micheal na iyon. At ngumiti lang sya at humingi ng sorry kay Mrs. Johnston. Pero halata naman na Fake yung sorry nya kasi hindi sya seryoso at mukhang bully talaga sya at ang mga kasamahan nya.

"Say sorry to Ella" sabi ni Mrs. Johnston na mukhang pinapalapit pa si Micheal sa akin.

"Sorry Ella" ang hindi seryosong panghihingi ng paaensya ni Micheal sa akin na pinatawad ko din ng labag sa aking kalooban.

At pagkatapos noon, nagsimula ng magdiscuss si Mrs. Johnston about sa bagong rules daw sa School namin.

"Ella Don't trust Micheal" isang boses na narinig ko sa katabi ko.

"Why?" Ang tanong ko sa kanya

"He's not nice, be careful to their group, they will bully you over and over again, nobody can stop it." Ang bilin sakin nung katabi ko.

Yung katabi ko iyon, kulot at nakasalamin, blonde hair, at kagandahan naman sya kahit papano.

"Im Jeanna Smith and you're Ella" Ang kanyang pagpapakilala sa akin.

"Yes I am nice to meet you" ang sabi ko naman sa kanya at nag shakehands kaming dalawa.

Ugly Duckling Love StoryWhere stories live. Discover now