2: END OF BARGAIN

8.2K 652 256
                                    

Chapter 2: End of Bargain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 2: End of Bargain

Isa-isa kaming binilang at pinagbukod. Mangiyak-ngiyak na ako sa takot dahil sa anuman ang maaring mangyari sa akin. Magi is nowhere to see at kung nandito man siya, alam kong gaya ko ay natatakot din siya sa maaring kahinatnan naming dalawa. I cannot even insist that I am just a guest here dahil una, bawal ng tumanggap ng bisita ang Zone Z. Pangalawa, nagpumilit lamang akong pumasok. It would be hard to claim I am not from here dahil pinagpalit ako ng damit, so I would not stand out much when I slipped to see the kids. Wala na rin ang visitor's pass na binibigay sa mga bisita dati. Sa madaling salita, this is the kind of mess I put myself into.

I needed to take responsibility for this. I was the one who insisted on entering Zone Z, so it was my duty to find a way out for both Magi and I.

Pero paano ko gagawin iyon? This place is dead-end.

"Three hundred forty five!" malakas ang boses na sabi ng isang sundalo at tinulak ako sa gilid kung saan may mga nakatayo rin na halos kaedad ko lamang.

I felt an uncomfortable gaze from somewhere at nang inilibot ko ang tingin sa paligid ay nakakunot ang noo ng isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin. Kayumanggi ang kanyang balat, an obvious sign of too much exposure from the sun due to hard labor.

Nang magtagpo ang aming mga mata ay hindi siya nag-iwas ng tingin. Mas lalo lamang kumunot ang noo niya at hindi kalaunan ay lumapit siya sa direksyon ko.

"You're not from here," walang pag-aalinlangang sabi niya.

Mabilis na napatingin ako sa paligid, silently hoping no one heard his statement. Hindi ko alam bakit siguradong-sigurado siya sa sinabi niyang iyon. Kahit pa sabihing halos kakilala na nila ang lahat ng nandito, pwede naman niyang isipin na bagong salta ako na itinapon sa Zone Z.

But no, he sounded so sure about it.

"Hindi ko alam iyang sinasabi mo," pagmamaang-maangan ko. 

He smirked, and I know for sure I cannot pretend anymore. "Try harder."

Huminga ako nang malalim at bahagyang lumapit. "P-paano mo nalaman?" mahinang tanong ko.

"I've seen you one time teaching the kids," sagot niya.

It was impressive how he remembers me despite his claim that it only happened once. Alam kong hindi ako kakilala ng mga tao rito— maliban na lamang sa mga bata. Whenever I visited, the adults are busy with labor kaya hindi ko sila nakikita at hindi nila ako nakikita.

Huminga lamang ako nang malalim at mahinang tumango. "I got caught up in this situation. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari," pag-amin ko. Kahit na hindi ko siya kilala ay mukha naman siyang walang balak na ipahamak ako. 

Or I was hoping so.

I hope he's kind though he doesn't look like it. His pointed nose makes him distinguish from other inmates inside Zone Z. Kung hindi lamang sa kulay ng kanyang balat at kupasing damit na suot ay malamang magmumukha siyang estranghero sa lugar na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WITH EYES TO SEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon