MPMMN:13

8.4K 459 26
                                    

Nakaupo lamang ako habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi rin naman nila ako pansin na nandito ako. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa bandang kanan ko. Napatungo ako, malapit ng mag 11:00.
Tumayo na ako at dumeretso sa kusina. Napag usapan din namin to kaninang umaga na ako ang magluluto.

" You cook?!" hindi makapaniwalang tanong ni Throi nang madaanan ko sila.

" Ayaw mo pang maniwala sa akin tss." napairap si kuya, napatingin ako kay Willert at pinagtaasan niya ako ng kilay.

" Marunong ka talagang magluto?" pagkukumpirma pa ni Throi.

My lips curved a bit," Let's see."

" Para maniwala kayo ay siya na ang magluluto ng tanghalian natin," napatango na lamang ako at nilagpasan sila.

Hinanda ko ang mga gagamitin sa pagluluto. Pinag isipan ko pa kung anong lulutuin ko nang makita kong umuulan pa rin ay biglang pumasok sa isip ko ang tinola. Saktong sakto sa malamig na panahon ang mainit na sabaw ng tinola. Mahina hina na rin ang ulan at itong dalawang punggok sa bahay ay uuwi na rin matapos mag lunch, dito na sila nag stay ng overnight dahil hindi na rin naman sila makakauwi pa.

Naghiwa ako ng mga rekados, hinugasan ko na rin ang manok na dati ng naka chop. Kahit malamig ang panahon ay naramdaman ko ang namumuong pawis sa noo ko. Hinintay kong kumulo ang niluluto ko at naupo muna sa isang upuan. Kumuha muna ako ng tubig sa ref saka nagsalin sa baso at ininom. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

" I didn't know that you cook," napatalon ako ng bahagya sa kinauupuan ko at nabaling ang ulo ko sa likod nang maramdaman ang hininga niyang tumama sa batok ko. Nanlaki ang mata ko at bahagyang lumayo, he smirk and amusement is visible in his face.

" P-pwes ngayon alam mo na." tinaasan ko siya ng kilay.

" Paano akong nasisigurong walang lason yan," his face is so stoic and serious but I can see him hiding his smile. Nakaramdam ako ng inis.

Napaismid ako," Hindi ako tanga para lagyan ng lason yan at mas lalong hindi ako tanga para lasunin ang kapatid ko at sarili ko. Kung lalagyan ko ng lason ay sisiguraduhin ko munang ikaw lang ang kakain."

" Lason nga ba? O baka naman gayuma?" he chuckled.

" G-gayuma? What the fuck?!" nanlaki ang mata ko saka napasinghap.

" At bakit naman kita gagayumahin aberr?!"

" Ewan ko sayo, bakit nga ba?" nairita na naman ako sa ngising ibinigay niya.

" Ang kapal mo rin eh no, kailanman ay hindi ako gagamit ng gayuma tss."

" Uhuh?"

I rolled my eyes," Ano bang trip mo ha?!" hindi ko mapigilang ilabas ang inis ko.



Badtrip.




The fuck?!

Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at hapitin sa bewang, napakapit ako sa dalawang braso niya. Namula ang pisngi ko ng mapansin ang posisyon namin, sobrang magkadikit, ramdam ko ang dibdib niyang nakadikit sa dibdib ko. Bumaba ang mukha niya sa mukha ko dahilan mapasinghap ako.

" Hindi mo na kailangan ng gayuma kasi wala kapang ginagamit na gayuma ay matagal mo ng nakuha ang loob ko." bulong niya sa mismong tenga ko.

Siya na ang kusang bumitaw sa akin, napahawak ako sa mismong dibdib ko ng maramdaman ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lumayo ako ng bahagya ng hindi ako makahinga ng maluwag.

" A-ano bang pinagsasabi mo?"

" Bakit? totoo namang nakuha mo na ang loob ko pakiramdaman mo tong puso ko wala kang mararamdaman kasi ikaw na daw ang may ari." napahalakhak ito.

Naiwan akong tulala at hindi makapagsalita, hindi magsink in sa utak ko lahat ng sinabi niya. Basta ang naririnig ko na lang ay ang puso kong sobrang lakas at bilis ng tibok.
Narinig ko na naman ang bahagyang paghalakhak niya.

" Magluto ka na nga, sarapan mo yan ha dapat kapag tinikman ko yan ay siguradong makakalimutan ko ang pangalan ko, so when that time comes you now can call me mine," humalakhak na naman ito at papungay pungay ang matang nakatigtig sa akin. Hindi mo mahulaan kung nagbibiro ba siya o seryoso basta ang alam ko ay WALANG GUSTONG LUMABAS NA SALITA SA BIBIG KO!!

"Pero parang may isang bagay pang masarap na matitikman ko bukod sa luto mo, yun ay kung papayagan mo akong matikman ang labi mo,"  He wink before he turn his back away from me. Naiwan akong laglag ang panga, nakatingin lamang ako sa papalayong bulto niya.

Ano bang pinagsasabi niya?


Seryoso ba siya?

Bakit biglaan siyang nagkaganyan? napapansin ko rin nitong nakaraang araw na may nag iba sa kanya.

Hindi ko matatawag kung seryoso ba siya o nagbibiro lang dahil kung nagbibiro lang siya ay


isa siyang malantod na lalaki!!!!

At talagang pinanindigan niya ang pagiging playboy niya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panghihinayang sa iisiping biro lang ang lahat.
Napailing iling ako sa naisip ko. Inalis ko lahat ng nasa isipan ko.

Pinilit kong binabalik sa huwisyo ang sarili ko,tinapik tapik ko pa ang mukha ko. Pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang pagluluto. Pinatay ko ang stove ng makitang luto na ito. Matapos mag ayos sa hapagkainan ay tinawag ko na sila para sa tanghalian. Tinulungan pa ako ni manang na mag ayos ng mga plato kaya madali akong natapos.

" Ang bango ah!"

" Amoy pa lang masarap na!"

" Nagutom ata ako lalo!"

Nginitian ko si Throi ," Syempre ah, papakainin ko ba namam kayo ng hindi masarap?" natawa ako. Napatingin ako kay Willert at nakangisi siya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Sabay sabay kaming kumain, tuwang tuwa sila sa luto ko maliban doon sa isa dahil wala siyang imik. Puro papuri sa luto ko ang sinasabi ni Throi kaya ngiti na lang ang isinusukli ko. Naiilang pa ako sa tuwing titignan niya ako. Napapatingin din ako kay Willert dahil hindi siya nagsasalita. Napangiti ako ng tuloy tuloy ang kain niya at mahahalata mong sarap na sarap siya.

Lason pala ha. Nag iwas ako ng tingin ng magtama ang paningin namin. Tsss.

Natapos maglunch ay umuwi na nga sila. Mahina hina na rin ang ulan, wala na rin ang malakas na hangin kumbaga ay parang ambon na lang talaga. Mukhang hindi ata matutuloy ang ulan na hanggang Friday dahil  ngayon palang ay pawala na tss.


----
A/N: SHORT UPDATEEEE HAHAHAH TINATAMAD NA NAMAN AKO HEHEHEHE

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora