MPMMN:20 ACQUAINTANCE PARTY PT.2

7.6K 448 6
                                    

ACQUAINTANCE PARTY PT.2

Hindi maalis alis ang ngiti sa aking mukha nang makabalik kami. Sinalubong kami ni Kristina at nakatanggap pa akong ng isang kurot sa tagiliran pero tinawanan ko lamang.

Pinagtaasan ko siya ng kilay nang mapansin niya  ang magkahawak naming  kamay ni Willert dahilan kung bakit pinaningkitan niya kami ng kanyang mga mata.

Magkatabi lamang kami ni Willert na magkaupo. Bawat galaw namin ay limitado hangga't hindi dumarating ang debut ko, mahirap na dahil baka mahuli kami ni kuya.

Biglang tumayo si Willert at bahagyang yumuko sa harapan ko.

" Would you mind if I dance with my girlfriend." ipinagdiinan niya pa ang salitang girlfriend. Inabot niya ang kanyang kanang kamay at walang alinlangang tinanggap ko ito.

Girlfriend, hindi pa rin ako makapaniwala na mula ngayon ay girlfriend niya na ako. Isang salita na kailanman ay hindi ko inaasahang mangyari.

Ika-dalawampu't lima ng Oktubre, ang araw mismo ng aming pagsasama bilang magnobyo at nobya. Kailanman ay hindi ko inaasahang darating ang araw na ito.

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya buhat ng magsimula kaming magsayaw. Bawat detalye ng kanyang mukha ay sinasaulo ko, hindi ko maiwasang mapangiti.

Unti unting lumalabo ang lahat at siya lamang ang naging malinaw sa aking paningin. Ang mapupungay niyang mga mata na diretsong sinasalubong ang ibinibigay kong tingin.

If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever, oh, so clearly
I might have been in love before
But it never felt this strong

Dahan dahan kaming sumasayaw habang nakatingin sa mga mata ng isa't isa. Sa mga oras na ito ay parang kaming dalawa lamang ang tao.

Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to go
Hold me now, touch me now
I don't want to live without you

Mula sa tuwina ay hinayaan kong tumibok ang puso ko para sa isang tao. Napangiti ako ng hapitin niya ako ng husto sa bewang upang mas lalo kaming magdikit.

Nothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love

Napakalakas ng tibok ng puso ko. Anumang oras ay pwede niya itong marinig.

You oughta know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothing's gonna change my love for you

Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya hindi alintana ang mga nakatingin sa amin.

If the road ahead is not so easy
Our love will lead the way for us
Like a guiding star
I'll be there for you if you should need me
You don't have to change a thing
I love you just the way you are

Napapikit ako, ang pakiramdam ko ay para akong hinehele hele sa duyan. Napaka gaan.

" Nicole."

Itinaas ko ang paningin ko at sinalubong ang kanyang mata.

" Hmm."

" Nakalimutan kong sabihin..." ngumisi ito at nilapit ang bibig sa may bandang tainga ko.

" You're stunning tonight." nakaramdam ako ng bahagyang kiliti ng bumulong siya sa tainga ko. " And hell! you're so sexy!"

Hindi ko mapigilang hampasin siya sa kanyang balikat. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now