Chapter 24 : The good girl's downfall

85K 3.8K 1.7K
                                    

24.

The good girl's downfall

Tammy


Nagising ako dahil sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakabukas pala ang bintana ng kwarto ko at tinatangay ng malamig na hangin ang kurtina ko.

Naupo ako't huminga ng malalim. Gusto kong isiping isa lang masamang panaginip ang nadiskubre ko kagabi pero, hindi. Iyon na ang reyalidad. Patunay na totoo ang nangyari dahil ambigat pa ng mga mata ko sa sobrang pamamaga matapos umiyak ng magdamag.

Akala ko noon okay na.

Nang ampunin namin si Kirby parang nagbago ang lahat. Unti-unting lumambot sina Mommy at Daddy sakin. Because of Kirby, they smiled again... They smiled at me... And then eventually, I became their daughter again. Okay, they still love the Kirby a.k.a  the new dustin 10 times more than me pero i'm okay with it. Happiness nalang nila ang priority ko at lalo na ang safety ni "Dustin".

We became a happy family.

But now...

Now that Kirk's in the picture, I dont know if we will ever be.

I dont trust him anymore. I really dont.

Dustin is the only thing that keeps my life glued together. He's also the reason why we're still a family. I get it, hindi kami totoong magkapatid pero labis narin akong napamahal sa kanya. We fight and sometimes even curse but we both love each other.  Dustin o Kirby man siya, magkapatid parin kami. I love him more than my life to be honest. He's my brother and i wont let anyone take him away from me.... I wont let anyone ruin the family I have always longed for.

We need to leave this town.

We need to stay away from Kirk.

Ang tanga-tanga ko't ngayon ko lang 'to naisip.

Napatingin ako sa bedside table ko at nakita ko ang isang tray na may pagkain. Kirk prepared a breakfast for me and even left a note that says: “Dustin came home safely. We’re at school. Stay here. Rest.”

Imbes na mapalagay kasi nakauwi ng ligtas ang kapatid ko, lalo lamang akong nag-alala dahil magkasama sila kaya dali-dali kong pinunit ang papel.

Hindi niya pwedeng makuha ang kapatid ko.

Hindi pwedeng masira ulit ang pamilya namin.

*****

Dumeretso ako sa locker area sa pag-aakalang nandun si Dustin pero wala. Sa halip, mga nagchi-chismisang estudyante lamang ang naabutan ko. Some of them looks scared habang pinag-uusapan ang nangyari kay Ford kinagabihan. Mabilis ring nakaabot rito ang balita tungkol sa pagpapakamatay ni Jerome pero parang wala silang pake. They are more focused on what happened to Ford and our disappearance the other day.

Binuksan ko ang locker ko at dun ko napagtantong, nakatingin na pala ang karamihan sakin. May iba pang mga nagbubulung-bulungan at pinag-uusapan ako. They dont even care kahit na naririnig ko.

"Omg! he cheated on Calix?! Landi!"

"Hindi naman siguro niya magagawa yon!"

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon