Chapter 28 : The Missing Piece

81.4K 4K 1.7K
                                    

28.

The Missing Piece

Tammy

Basang-basa na ako ng ulan pero hindi ako tumitigil sa pagtakbo. Iyak na nga ako ng iyak, sumasabay pa sakin ang kalangitan.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin at hindi ko na alam sino ang matatakbuhan ko pero siya lamang ang tanging pumasok sa isipan ko. 

Tumingala ako at pinagmasdan ang napakalaki at napakalumang Cathedral ng Crimson Lake. Madaling araw na pero may mga naririnig akong mga tao sa loob, siguro nandito ang ibang mga lumikas dahil sa bagyo.

Nanginginig akong humakbang papasok ng Cathedral at agad bumungad sakin ang malaking altar na may rebulto ng diyos na nakapako sa krus. Ayokong mapansin ako ng mga taong nandito kaya mas pinili kong maupo sa pinakalikuran.

Madaling araw pero mayroong nagmi-misa. Ganito dito sa Crimson Lake lalo na pag may bagyo pero higit na mas kakaiba ngayon dahil may isang malaking LED Screen sa gilid ng altar. Mayroon yata silang ipapakitang slideshow mamaya pagkatapos.

Gusto kong sumigaw at umiyak. Gusto kong humingi ng tulong sa kanila upang mailigtas si Kirk pero sa gagawin ko, baka lalo lang siyang mapahamak kaya wala na akong ibang magawa pa kundi magdasal.

Habang nagdarasal, nagulat ako nang biglang may tumabi sakin.

"Oh my God, si Tammy nga!" Lumingon si Quinn kay Milky na nasa likod lamang niya. 

"Tammybells anong ginagawa mo dito? Hala anong nangyari, bat may dugo?" Tanong naman ni Milky nang makita ang bahid ng dugo ni Kirk na natira sa suot ko.

"Teka tumakas ka ba? Ba't ka ba nagpa-ulan?" Tanong naman ni Quinn.

Hindi ako makapagsalita kaya napayakap na lamang ako sa kanilang dalawa ng mahigpit.

****

"Seriously Tammybells, you're shaking. Ano ba kasing ginagawa mo? Ba't ka umalis ng ospital?" Tanong ni Milky at ipinayakap sakin ang jacket na kaninang suot niya. Biglang inihinto ni Quinn ang kotse sa tapat ng isang gasoline station at napalingon sakin.

"Bibili muna ako ng coffee sa loob. You need anything?" Tanong niya kaya umiling-iling na lamang ako.

Kinuha ni Quinn ang payong na nasa bakanteng upuan sa tabi niya at dali-daling lumabas sa gitna ng malakas na ulan.

"Seriously Tammy, you can always tell us." Napabuntong-hininga si Milky nang kaming dalawa na lamang ang natitira sa likurang upuan ng kotse ni Quinn.

May sinasabi pa si Milky pero hindi kami halos magkarinigan dahil sa sobrang lakas ng pagbagsak ng ulan sa sasakyan.

"My goodness! Ang bruhang si Quinn, nasakin ang wallet niya!" Sabi pa ni Milky at dali-daling kinuha ang wallet ni Quinn mula sa kulay pink niyang shoulder bag. "Tammybells stay here ka lang ha? Baka mapahiya si reyna impakta sa loob pag di ko to nabigay. Tingnan ko nalang din sa loob baka may t-shirt sila para sayo, aegis na aegis ka na eh."

Tiningnan ko si Milky. Suot pa niya ang hair extension at false eye lashes niya tas with all the make-up pa. Kung hindi lang siya nakasuot ng v-neck pink shirt at normal na panlalakeng jeans, mapagkakamalan siyang babae sa sobrang ganda.

The girl who cried murderWhere stories live. Discover now