CHAPTER 6 #LOGKalabangMortal

11 0 0
                                    


AUTHORS NOTE: oh ayan, nakapag update na ako ah, salamat po sa matiyaga ninyong pag aantay sa wattpad, booklet or dreame, nagulat kayo noh? Si kuya escort nasa story ko, well isa lang yan sa mga twists ng story kong ito, well, sana naman mag comment naman kayo kung ok ba itong story na to, vote and put these in your wattpad, booklat of dreame app, pls! pls! pls! libre naman to eh! Walang bayad! Ayaw nyo yun?

Hanggang sa susunod na update! Mwah!

AUTHORS NOTE: and im back! Nagulat siguro kayo kung ano yung LEAGUE OF GENTELMEN na kalaban ng ating bida na si Ms. Sasha Fierce, well, ganito po kasi yun, kung naalala ninyo sa PHILIPPINE HISTORY ang La Liga Filipina na itinatag ng mga lolo nating sina Dr. Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar, na lumaban sa mga dayuhang mananakop sa ating bansa noon, well, ganu din po ang LEAGUE OF GENTELMEN, ang kaibahan lang, mas techy na sila ngayon, dinadaaan sa social media ang noon ay ginagamitan pa ng pluma at dugo ng tao o manok, na pakikibaka, at bonus ang pagiging gwapo at matcho nila!, at may ibat ibang isu silang ipinaglalaban like extra judicial killings, gender equality atbp na siyang konta sa ating bida, so? sino kayang mananalo sa kanila? Well, lets find out mga bakla!

CHAPTER 6 #LOGKalabangMortal

IC MENDOZA AS MS SASHA FIERCE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

IC MENDOZA AS MS SASHA FIERCE

ION PEREZ AS LEAGUE OF GENTELMEN LEADER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ION PEREZ AS LEAGUE OF GENTELMEN LEADER

CHANNEL 8, FLASH REPORT!

Nasa building ngayon ng kontrobersyal na app na GAYDAR APP, ang LEAGUE OF GENTELMEN, opo! Ehem! Excuse me po! Kung inyong natatandaan sila din po ang palaging nag huhubut hubad na nagrarally bilang mga fratmen sa OBLATION RUN ng UP! At mas ni level up pa nila ngayon! Ehem! Ehem! Excuse me po! Dahil nireveal na po nila ang kanilang mga mukha, sa mismong rally nila ngayon! Kontra kay ms. Sasha fierce na app developer ng GAYDAR APP, matatangaan ninyong umani ito ng samut saring mga reklamo at opinion, mula sa mga ordinaryong tao, hanggang sa mga kongresista at mga senador!- end of reporting ni mr. mike enriquez, pinatay ni boss ang malaki niyang tv.

DID YOU SEE THAT?

DID YOU SEE THAT!?!-galit na sabi ni boss. At binalibag niya sa gilid ang remote control, wala na! warfreak na si boss nang dahil sa akin.

Why boss? I just do my job! I do not just do this to myself, its for you!-naka puppy eyes at nakatanghod ko pang sabi na parang isang aso. Kulang na lang, mag ala beyonce Knowles na pukpukels ako at magsasayaw sa harap niya, yung pang bar! Genern! Huhu! Hirap talagang kumita ng pera!

After naming mag kudahan ni boss, lumabas na ako ng office niya at tumungo sa aking cubicle, nang malungkot...

Bes, anong nangyari?, tanong ng bes ko sa akin.

Bes,... naiiyak ko nang sabi, matatanggal na ako sa trabaho... huhu...

Ano!?! Ayan kasi! Di ba sabi ko naman sa iyo, noon pa, na tigilan mo na yang gaydar app na yan, at mag focus ka na lang sa mga useful apps, like gaming and health apps! Genern!

Napasubsob na ako sa table ko, at dinikdik nang tatlong beses ang noo ko, at sinabing, bes, eto ang chenelyn forte ko! Alam mo yan! Ang mambuking ng mga paminta boys! Ng mga closetang bading...

...Na gustong gusto mo, dahil niloko ka ng mga ex bfs mo noon!, ano ka ba naman ms sasha fierce! Move on! Digital ang karma! Malamang sa malamang napagsisihan na nila yon!

Hindi bes! Ang gusto ko, luluhod sila sa harapan ko! Magmamakaawa! Na patawarin sila! Ganon! Ganon ang gusto ko!

Ay! Bahala ka na nga sa buhay mo!, sige! I push mo pa yang gaydar app mo! Isang malaking goodluck sa career mo! Huwag mo kong sisisihin, dahil pinagsabihan na kita noon pa bes!

At umalis na ang bruha! Pumunta sa cubicle niyang katabi ng basurahan.

Ako naman, eto, nakatulala, luhaan, sugatan, di mapakinabagan, cheret lang, nag iisip isip ng mga next features ng app nang biglang...

Ahm, Excuse me miss! Can I talk to ms. Sasha fierce?, ang talipandas na lider ng LEAGUE OF GENTELMEN! Juicekolord! Hindi na ba nila ako tatantanan, gaya ni MIKE ENRIQUEZ?

Ah... sir, nandun po siya sa may right side ng cubicle, sa dulo, sabi ng haliparot kong babaeng ka trabaho! Naku!!!! May araw sa akin tong babaeng to! Tatanggalan ko to ng buhok sa ulo! Grrr!

At tok! Tok! Tok!, tunog iyan ng mamahalin na black shoes ng gwapo, matching lalake, ay! Mali! Kaaway ko siya! Hindi dapat ako mahumaling sa kanya hinde!

O! ANO NAMANG GINAGAWA MO DITO!?! ABER?-pagtataray kong sabi ala maricel Soriano

Kakausapin ka, about your app!- at nagpapa charming pa! kung panget to, na kamukha ni rene requestas, kanina ko pa to inginudngod sa tabi ni bes, sa basurahan!

No, I don't want to!

Yes you are!

At alam nyo ba kung saan niya ako dinala? Sa sogo hotel! Cheret! Sa isang mamahaling restaurant sa seaside ng pasay, basta ganun! Kitang kita ko ang mga lovers na sobrang sweet na naglalakad sa seaside, mga pamilya at mga magbabarkada, nakakainis! Bakit pa kasi ako sumama sa hambog na ito!

Enjoying the view?

Or Enjoying staring at me?

Sabay taas baba ng kilay nyang gwapo at pagsilay ng...

ABS...

Pandesal sa umaga!

Grrr!

Pakiramdam ko nadiligan ako today,

Inayos ko ang sarili ko, hinde! Gumising ka sasha fierce! Kalaban siya! Kalaban! Hindi mo boyfriend!

Hinawakan niya ang magkabila kong kamay

Ano to?

Straight romance???

Haha huwag kang maingay dyan ms sasha sumunod ka na lang!-otor

Eeeee... otor naman eh, oo nga... gwapo, matcho itong lalakeng to, pero kaaway ko siya!

Ahm... ms sasha, ok ka lang?

Napansin niya kasi akong nag daydream, ahm, wala! Wala!, teka nga muna! Diretsuhin mo na nga akong lalake ka! Para saan mo ba ako dinala dito? Ha!

Huminga muna siya ng malalim at sinabing....

I want to plead to you, na sana, you delete your app, you know, yung gaydar app, kasi... madami nang lalakeng naaapektuhan nito...

Na siya naming nagpasakit ng ulo ko. ITUTULOY.

AUTHORS NOTE: oh ayan ah! Kahit may NCOV nakakapag update pa din ako, pasensya na sa mabagal na update, nagging busy nga kasi ako sa pag aaply ng work bago ang lockdown at nung may lockdown na, na authors block naman, pero im back! Maraming salamat sa mga nagbabasa, nag vote, comment at naglalagay nito sa kanilang wattpad, booklat at dreame app, hanggang sa susunod na update! Keep safe guys! Labyu!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GAYDAR APPWhere stories live. Discover now