Prologue

51 4 0
                                    

Makapal na usok mula sa isang lumang sasakyan ang agad sumalubong kay Ace pagkababa niya sa nirentahang sasakyan. Nanlalagkit ang kanyang katawan na parang nakakapit lahat ng alikabok sa kanya. Hindi niya matandaan na ganoon kalayo ang lugar na iyon. Kung dati ay matataas na bahay at makinis na kalsada, ngayon ay tila kabaliktaran ang lahat. Mga mumunting bahay kubo at palayan, lubak lubak na daanan at mapayapang tao sa paligid.

Nagsimula na siyang maglakad para hanapin ang adres na kanyang sinadya at dahil na rin sa dumi na bumabalot sa katawan niya dahil gusto na niyang maglanggas. Habang naglalakad si Ace ay mapapatingin lahat ng taong madadaanan niya. Tila takot na takot ang mga ito. Pinagwalang bahala na lamang ito ni Ace. Dahil na rin siguro sa pagod ay gusto na niyang humilata.

Makalipas pa ang ilang oras ay napapalayo na si Ace sa mismong bayan na pinagbabaan niya. Dumarami na rin ang mga punong nadadaanan niya. Lumalalim na rin ang gabi at tila gusto na niyang bumigay sa paglalakad.

Naisipan niyang maupo muna sandali. Bigla na lamang siyang may narinig na ingay malapit sa kanya. Babaeng sumisigaw na parang sinasaktan at ilang mga kalalakihan na parang bumubulong ng ilang dasal. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang mga ingay. Napagtanto niya na iyon na ang bahay na hinahanap niya. Sinipat niya muna ang lugar kung saan makikita niyang mabuti ang mga tao sa loob ng bahay. Nang makahanap siya ng magandang pwesto ay kitang kita niya ang babaeng nakatali ang kamay at may takip ang bibig. Isang lalaking nakadamit albularyo na bumibigkas ng dasal. Nagulat siya ng biglang hinampas ng latigo ang babaeng nakatali. May lumapit pa na isang lalaki na mukhang katulong ng isa. Kitang kita niya ang umuusok na likido na ibinubo ng lalaki sa ulo ng babae. Muli siyang nagulat ng biglang nagtama ang tingin nila ng lalaking nakadamit albularyo. Kasabay ng pagtalikod niya ay dalawa pang lalaki na kasamahan ng mga nasa loob ng bahay ang nagmamasid sa likuran niya.

Lalaki 1: May nakita kaming isa!

Lumabas agad ang lalaking nakapang albularyo.

Lalaki 2: Amang, siya yung magpapagamot sa inyo.

Amang: Ikaw na ba yung sinasabi nilang magpapagamot?

Nagtaka si Ace dahil magpapagamot talaga siya, pero hindi niya inaakala na ganito ang klase ng paggagamot dito. Sa sobrang takot, pinagmukha niya sa mga tao doon na magpapagamot siya habang iniisip niya kung papano siya makakatakas.

Ace: M-m-magpapagamot nga po…

Amang: Ipasok sa loob ang bisita.

Pagkapasok sa loob ay nakita ni Ace ang babaeng nakatali kanina. Patay na ito. Lalo siyang kinabahan. Binuhat ng ibang lalaki ang bangkay ng babae. Pinigil niyang maluha para hindi makita ng mga tauhan doon na mahina siya.

Amang: Iwanan niyo na kami dito, maaari na kayong lumabas..

Habang tinatalian ng lalaki si Ace ay bahagya niyang pinaghiwalay ang kanyang dalawang kamay para madali niyang matanggal ito. Hindi ito pansin ng lalaki dahil nakapikit ito at bumubulong ng dasal habang tinatalian siya.

Amang: anda meninggalkan badan wanita ini..

Napansin ni Ace na bahagyang nakabukas ang pinto sa kanyang kaliwa. Habang bumubulong ang lalaki, dahan dahan niyang inaalis ang kamay niya sa pagkakatali. Naisip niya mukhang matatagalan siya sa pagpilit niya sa kamay niya at baka matapos na ang pinagsasasabi ng lalaki. Lakas loob siyang tumayo dahan dahan papunta sa pinto. Kinabig niya ang paanan ng pinto ng kanyang paa, pero naglikha ito ng malakas na ingay dahilan para mapansin ng lalaki.

Amang: Adakah!!

Agad siyang bumilis ng takbo at nabulabog ang mga tauhan. Tumakbo siya nang tumakbo at hindi na siya tumitingin sa dinadaan niya. May  mga ilang lalaking humahabol sa kanya pero di niya ito pinapansin.

Nakarating siya sa bungad ng kalsada at nagtago sa likod ng malaking poste. Naririnig pa rin niya ang mga lalaking humahabol sa kanya.  Tumigil na siya sa pinagtataguan niya hanggang mawala ang mga humahabol sa kanya.

Nang makaramdam siya na wala na ang mga humahabol sa kanya, kumaripas siya ng takbo papunta sa simbahan. Pumasok siya sa loob at dinatnan ang madaming tao. Mga nakaitim at matalim na nakatingin sa kanya. Humingi siya ng tulong sa mga tao sa loob ng simbahan, pero ni isa dito ay walang pakialam sa kanya. Muling bumukas ang malaking pintuan ng simbahan at bumungad ang mga lalaking humahabol sa kanya.

Lalaki 1: di manakah anda!

Nagpaputok ng armas ang mga lalaki. Nagkagulo sa loob at lahat ng tao ay humanap ng labasan sa simbahan.

Nakalabas sa bintana si Ace pero agad siyang namataan ng isa sa mga lalaki.

(putok ng baril)                       

 

NovenaМесто, где живут истории. Откройте их для себя