Chapter 1

23 4 0
                                    

“Psst..hoy..gising! Gising na Ace! Kanina ka pa  jan eh, nu bayan!”

Boses ng isang lalaki ang gumising kay Ace. Si Marco, ang kababata niyang parang kapatid na ang turing sa kanya. Payat ang pangangatawan ngunit may kagwapuhan ang binata. Bilugang mata at matangos na ilong na bumagay sa kanyang magandang labi. Mapapansin ang malalim na biloy sa kanyang kaliwang pisngi kapag napapangiti.

“Start na tayo, game?” sambit ni Marco

Tila sanggol na kakagising lamang si Ace. Nag unat ito sa kinahihigaan at muling humalukipkip para matulog. Alam niyang malapit ng magalit ang kanyang mga kasama pero mas pinili niyang pumikit ulit. Pakiramdam niya ay hinihila siya pabalik ng sofang hinihigaan niya. Kahit anong pilit niyang bumangon ay hindi siya makatayo dahil sa nararamdaman niya.

“Hoy! Dapat di kanalang umatend eh!” sigaw ng isa pang lalaking kasama sa kwarto, si Larry, ang ledista ng grupo

Pilit iminulat ni Ace ang mata at tinuran ang sinabi ng kasama.

“Oh eh, eh di wala naman kayo drummer”, pabulong na sabi ni Ace habang bumabangon sa sofa.

Pakiramdam ni Ace ay may pasan pasan siyang mabigat sa kanyang likod. Muling nag unat ang dalaga bago pa ito tumayo. Bigla na lamang siyang nahilo at bago pa man siya bumagsak sa sahig ay naalalayan na siya agad ni Marco.

“Ok lang, sige na game na” lakas-loob na sabi ni Ace kahit mahilo hilo pa siyang pumunta sa likod ng drum set para pumalo.

“K guys set!” sigaw ni Larry

Siya ang may ari ng lugar na kanilang pinagppraktisan, kaya naman siya ang kalimitang nasusunod sa grupo. Kinuha na ng iba ang kani kanilang gamit at naghandang tumugtog. Pumalo na si Ace.

Tss tss tss tss…

At nagsimula ng tumugtog ang banda. Si Marco ang vocalist ng kanilang banda at si Ace naman ang kanilang drummer. Naimbitahan silang tumugtog sa isang contest sa kabilang bayan at sa susunod na araw na ang nasabing battle. Kaya kailangan nilang mag ensayo hanggat maaari dahil ngayon lamang ulit sila nabuo. Nag aaral sa ibat ibang bayan ang mga miyembro at bihira lamang sila magkita kita.

Nasa kalagitnaan na ng praktis ng nawala ang palo ni Ace. Natigil ang lahat sa pagtugtog at napatingin sa kinaroroonan ni Ace. Nagduwal sa likod ng drum set at putlang putlang tumunghay si Ace na parang humihingi ng tulong.

“Oyss, nu bayan Ace” pagalit sa sita ni Larry

Medyo may kayabangan ang ugali ni Larry. Lalo itong nainis ng sumuka na si Ace malapit sa drum set.

“Oyyyss, naman oh!” napakamot nalang sa ulo si Larry

“Aarte niyo eh! Tulungan kaya natin” sambit ni Marco habang papalit kay Ace.

Napabalikwas na parang natauhan sa kinatatayuan ang mga kasama at biglang inakay si Ace para maupo.

“Kaya ko na ito, punta lang ako Cr tas ok na, game na ulit” sambit ni Ace habang tumatalikod patungo sa banyo.

Alam ni Ace na hindi siya okay. Halos maduling na siya sa paglalakad. Ga monggo na ang pawis na dumadaloy sa mukha ni Ace pero nagawa pa rin niyang pumuntang mag isa sa banyo. Nang makarating siya sa banyo ay napahawak muna siya sa tarangkahan ng pintuan. Napahinga ng malalim at binuksan na ang pintuan. Laking gulat niya ng makita niya ay mga patay na pusang itim. Mabaho at mukhang matagal ng nakatambak doon ang mga ito dahil tuyo na ang dugo sa sahig. Agad niyang sinarahan ang pintuan bago pa siya masukang muli. Sa kamamadali niya, nasanggi niya ang mga nakahanay na bote ng pepsi malapit sa banyo.

Naalerto sina Marco at agad na tumakbo kay Ace.

“Ayos ka lang ba talaga Ace?” tanong ni Marco.

Nakatulala lang si Ace at pilit na pinapasok sa utak niya na hindi totoo ang nakita niya.

“Pre, samahan mo na nga yan papuntang banyo” utos ni Larry kay Marco.

Nainis na si Larry at inayos na niya ang kanyang gamit. Alam niyang hindi na naman matutuloy ang praktis. Sadyang mainitin ang ulo ni Larry. Nasa isip niya na makakabawi sila sa darating na gig sa kabilang bayan at nagulo lahat yun dahil sa palpak lagi ang praktis. Gusto niyang maging perfect lahat ng line up nila at siguraduhing sila ang manalo sa contest na iyon. Lumabas muna si Larry para magyosi.

“Marc…pede bang ihatid mo na ako sa bahay?” pakiusap ni Ace habang akay akay siya ni Marco

“O sige, pero hugasan mo muna paa mo, puro coke men” nakangising sabi ni Marco

Inaakay ni Marco si Ace papuntang banyo para makapaghugas ng paa. Ngunit tumanggi si Ace at nakiusap na wag ng pumasok sa banyo. Pero nagpumilit si Marco dahil hindi niya matiis ang kanyang kaibigan.

“Please Marco, wag na lang, sa labas nalang ako maghuhugas ng paa.” Maanginignginig na sambit ni Ace

“Ano ba kasi yun? Ok ka lang? Mas malapit na tayo dito eh” Pamimilit ni Marco

“Sa labas na..”

Binuksan ni Marco ang pintuan at agad na nagtakip si Ace ng mukha at nanginginig na kumapit kay Marco.

“Dami mong alam Ace, maghugas kana..” sambit ni Marco

“P-pero.. bakit? Asan y-yung..” Nanginginig na tanong ni Ace

“Alin?”, natatawang tanong ni Marco

“P-pero kanina m-meron jan..”

“Tara na nga..” aya ni Marco

Pagkalabas nila sa banyo ay nakita nilang nagsisigayak na ang mgakasamahan nila. Nagligpit na rin sila at malamang hindi na tuloy ang praktis.

“Bukas na lang daw ulit sabi ni Larry”, paliwanag ng bahista.

“Asan si Larry?” Tanong ni Ace.

Mukhang malalim ang iniisip ni Larry sa labas. Muling nagsindi ng panibagong sigarilyo at sumandal sa tabi ng sasakyan. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang bulsa at kinuha ang kanyang wallet. Isinubo niyang muli ang sigarilyo sa kanyang bibig at binuklat ang wallet. Makikita ang masayang larawan niya kasama si Ace.

Pagtatapos ng  kabanata isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NovenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon