34: Chen Fan Fiction

79 3 0
                                    

Pinost ko na to dati eh, nung birthday ni Chen nung 2013 bilang oneshot. Hahaha di ko alam na andito pa pala sa phone ko. Nakita ko lang nung hinahalungkat ko yung files ko. xD

--x--

Ayoko Nga Sayo

Naalala mo pa ba dati nung unang pagkakataon na sinabi mo sakin ang nararamdaman mo? Nakaluhod ka pa nga sa harap ko nun diba? Nakayuko mong sinabi:
"Mahal kita Min-Min, Pwedi ba kitang ligawan?"

Ang sincere ng pagkakasabi mo, totoong-totoo. Pero sigurado akong naaalala mo pa rin ang ginawa ko. Kung paano ko unang beses dinurog ang puso mo.

Hindi kita pinansin nun, tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo. Wala akong pakialam kung alam mo bang umalis na ako sa harap mo o hindi at mukha kang tangang nakaluhod dun,

Kasi Ayoko Sayo.

Bukod kasi sa para mo kong ginagawang pusa sa tawag mo saking Min-Min, Hindi ko rin alam kung san ka pinaglihi at binalot ata ang DNA mo ng kakulitan. Saka ng pala, Minah pangalan ko baka sakaling hindi mo alam.

Kada umaga, andun ka sa labas ng bahay namin, inaabangan ako para sumabay sa pagpasok sa eskwela. Walking distance lang naman kasi. Nung tinanong ko naman sayo kung bakit, sabi mo lang,

"Para siguradong maganda ang araw ko kasi nakita kita."

Hindi ako kinilig,walang sparks,nainis pa nga ako sayo eh,

dahil ayoko sayo.

Sa tuwing uwian naman, di ko pa nabubuhat ang mga gamit ko, inuunahan mo na ko. Paano ba naman kasi, gusto mo akong ihatid. Hinayaan nalang kita tutal mabigat naman talaga yung mga gamit ko pero hindi ako nagpasalamat. Ikaw may gusto nun eh, hindi ko naman hiningi ang tulong mo, saka isa pa,

ayoko nga kasi sayo.

Habang naglalakad tayo pauwi sa subdivision, daldal ka ng daldal. Ang dami mong kinwento na hindi naman ako interesado, kesyo sa natae ang alaga mong aso sa loob ng bahay niyo, nadapa ka pero para di mapahiya, nagkunwari kang nagpupush-up, o di kaya nung aksidenteng nahila mo ang wig ng principal nating panot pati narin kung pano mo hanapin ang pinagtataguan ng mga butiki sa bahay niyo,

pero di ba kinuha ko nun ang headset ko saka pinasak sa tenga ko? ayokong makinig sayo dahil paulit-ulit ko ng sinasabi,

ayoko nga sayo.

Nakita ko din kung paano ka tumigil sa pagsasalita at yumuko nalang habang naglalakad. Pagdating sa tapat ng bahay namin, ganun parin ang itsura mo, inabot mo sakin ang ang bag ko at kinuha ko naman saka pumasok sa loob. Hindi ako nag-thank you at lalong hindi ako nag-sorry kahit alam kong nasaktan ka,

Kasi di ba, ayoko sayo?

Kinaumagahan, nandun ka ulit sa tapat ng bahay namin. Tila nakalimutan mo na yung nangyari kahapon. Sinalubong mo kasi ako ng ngiti pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay, pero ako? Hindi kita pinansin at naglakad nalang. Bakit kita papansinin?

Ayoko nga sayo di ba?

Lumipas ang ilang linggo, pero di lumilipas ang pangungulit mo sakin. Sabi nila, pinapaasa daw kita at nasasaktan na raw kita. Palagi nilang sinasabi na "Ba't mo ba sinasaktan ng ganito si Chen. Ang gwapo naman niya, mabait, at mahal na mahal ka." Pero di ko sila pinansin. Anong pakialam ko?

eh ayoko naman sayo.

Isang araw, niligawan ako ni Sean. Siya, siya yung gusto ko at hindi ikaw. Gwapo, matalino, at mayaman. ano pa bang hahanapin ko? Kaya ayun, di ko pinatagal, sinagot ko agad siya. Pero di ko naiwasan ang mga tanong nila, Bakit daw ikaw na sobrang tagal nang nanliligaw sakin di ko sinagot samantalang si Sean, Dalawang araw palang, kami na. Ang sagot, gusto ko siya,

at ayoko sayo.

Sinusubukan mo kong ihatid pero sa tuwing si Sean ang maghahatid sakin, nauuna ka nalang o di kaya'y nagpapahuli umuwi. Nasasaktan ka siguro pero tulad nga ng sabi ko, wala akong pakialam,

ayoko nga kasi sayo.

Pero dumating yung araw na naghiwalay kami ni Sean, sawa na raw kasi siya sakin. Umiyak ako nun pero di ba nilapitan mo ko at sinabing:

"Ako nalang kasi, hindi ako magsasawa sayo, aalagaan kita, mamahali- - -"

hindi mo natuloy ang sinabi mo dahil rin sa sinabi ko sayo, ang dapat matagal ko ng sinabi,

"ayoko nga sayo!"

bago ako tumalikod at tumakbo palayo, nakita kong tumulo ang luha sa mga mata mo, pero hindi ako tumigil sa pagtakbo, hindi ko ininda kahit na umiiyak ka pa, ano bang pakialam ko? Ayoko nga sayo di ba? Buti nga ngayon at alam mo na.

Lumipas ang mga araw, hindi mo na ko pinapansin. Wala ng sumasabay sakin sa pagpasok sa umaga, wala ng naghahatid pauwi, wala ng nagkukwento ng mga walang kwentang bagay, at higit sa lahat, wala nang nangungulit sakin. Dapat masaya ako,

Kasi nga, ayoko sayo.

Ngayon, heto ka nakaluhod ulit, pero hindi na sa harap ko kundi sa babaeng hindi nawala sa tabi mo nung dinurog ko ang puso mo. Ang babaeng mahal ka. . . at mahal mo rin. Ang romantic ng pag-amin mo, sa harap pa ng maraming tao. Lahat sila kinikilig,

maliban sakin.

Bakit ako kikiligin, di ba ayoko sayo?

Nilapitan ako ng isang kaklase natin at binulungan "Ikaw kasi eh, pinakawalan mo pa."

Eh ano naman di ba?

Sabi ko nga, ayoko sayo.

Tumalikod ako at naglakad papalayo, wala akong pakealam kahit maging kayo pa kasi ayoko nga sayo.

"Yes." narinig kong sabi nung babaeng mahal mo kaya napatigil ako, kasunod nun ang malakas na hiyawan at tilian ng mga taong nanunuod sa mala-fairytale na kwento niyo.

Naglakad nalang ulit ako saka pinunasan ang mata ko.

Ayoko nga sayo di ba? Di ba? Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na ayaw ko sayo dahil yun ang gusto kong paniwalaan. Pero bakit ganito?

Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko?

--x--

Proud ako nung sinulat ko yan dati. Well, DATI. Hahaha.

1st day of class, lutang ako. pffft.

Have a nice day folks. ;)

MY DREAM EXO (Jokes, Memes and Scenarios)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon