Kabanata 2

206K 6.2K 3.5K
                                    

Kabanata 2

"My, is Dad mad at me?" I asked while my mother's fixing the coffee for that, he's been reviewing cases again at night.

"Hmm? He isn't." She chuckled, pagkatapos igilid ang kape ni Dad ay kumuha ng baso para gawan ako ng gatas.

"But he's glaring at me, pagkatapos niya ako paluin ang sama ng tingin niya." I pouted.

It made her laugh, my mother reached for my cheek, tapping it a bit, and pinched it.

"Matitiis ka ba ng Dad mo, Crest?" she asked me, chuckling. "Kahit gaano ka kakulit at katigas ang ulo, alam mo namang malambot pagdating sa inyong magkakapatid si Attorney."

"Pero he walked out at me." I pouted and she sighed, inilagay niya ang marshmallow s agatas ko bago nailing.

"He's just stressed, Crest. Alam mo namang bukod sa mga kaso niya ay inaayos din niya ang paglipat sa lower court, right?" she said, naalala kong nag-aaral din si Dad lalo dahil may nag-uudyok sa kanyang umakyat na sa pagiging lower court judge.

"Hindi ba sila napapagod mag-aral, Mom?" I asked out of curiosity, "si Adira, busy sa law school, patapos na at grabe mag-review, si Chiel na puro kaso there, kaso everywhere and Dad...palagi 'yon silang nagpupuyat, 'di ba, nakakapangit 'yon, Mom?"

Natawa si Mommy sa akin but I was really curious.

"Tapos partida, without skin care pa 'yan! Ako nga, My, kapag napuyat ng super kaka-add to cart mukha na akong walang hilamos ng one week!" I gasped, imagining my creepy face and that scary wrinkles.

"That's life, buhay nila ang korte, anak." Mommy grinned at me, "ikaw ba, don't you like to try working? I have a position for you in the company, you wanna try?"

"Like what?" I pouted at her.

"Just checking some papers, Crest. Approving proposals and such..." she shrugged. "It's a bit stressful kapag una pero kapag sanay ka na naman, okay na. Isa pa, I can teach you how."

"But I don't..." mas napabuntonghininga ako. "Ma, am I being a pabigat na for not working at all?"

"Huh? No." She smiled. "Of course not, ayaw mo bang sumubok? Wala namang kaso sa amin ng Dad mo 'yon, we want you to do whatever you want in life, ikaw bahala. If ayaw mo, I understand."

"Maybe next time?" I sighed. "I just can't imagine myself drowning and work and having no sleep at all. Gosh, the horror!" I gasped, touching both of my cheek, making my mouth smirked.

"Tara, 'nak, sama ka sa akin sa office ni Dad mo? Para magbati na kayo?" aniya kaya dali-dali akong tumango at kinuha ang tray kung nasaan ang kape ni Daddy.

Nagsabi si Mommy na mauna na ako dahil dadalhan niya muna ng gatas ang nag-aaral na si Adira, I knocked on the door and heard my Dad's voice.

"Come in." He said and I did, sumasayad na sa sahig ang long night dress ko, ang mahabang buhok ay nakalagay sa balikat at may facial mask sa mukha.

My father's busy reading the papers on his desk, nakasalamin pa si Attorney pogi kaya marahang nilapag ko sa harapan niya ang tray ng gatas.

"Here po." I said.

"Thanks," he said, lifting his face and to my horror, he screamed. "Multo!" he exclaimed.

I screamed too in shock, napahawak pa sa dibdib at nanlaki ang mata. Nagsisigawan lang kaming dalawa roon, sabay na gulat sa isa't-isa nang may magsalita.

"W-what's the matter?! Is anyone hurt?!" biglang lumitaw si Mommy kaya sabay kaming natahimik na dalawa.

"M-may multo—" Dad pointed me.

Chaining LocketsWhere stories live. Discover now