19: investing feelings

1.7K 59 24
                                    

[hi Isaylaudes Maraming salamat sa iyong support. Para sayo tong chapter  na to. ❤️❤️ Ps wala munang hot scene next chapter nalang 😁😂✌️]
******

Matapos mag almusal ay magkahiwalay na umalis si Sandro at Shy, si Sandro sa kanyang opisina at si Shy naman papunta sa hotel kung saan sya nagtatrabaho, nagfile sya ng immediate resignation at nagdahilan nalang na may family matters syang kailangan i-attend. Naabutan niya ang bestfriend na si Jhem sa hotel at alalang alala sa kanya, hindi rin niya sinabi rito ang totoong dahilan ng kanyang biglaan pag-alis ang alam nito ay uuwi siya ng manila para sa Pamilya at walang idea na sa Ilocos na ang punta niya para sa usapan nila ni Marcos, na-guilty man ay wala syang magawa dahil ayaw niyang gumulo ang sitwasyon kapag nalaman nito kung sino ang lalaki at ang koneksyon nito sa nakaraan niya. Pinaka kinakatakutan niya ang malaman ni Sandro ang tungkol sa kanyang anak.

Nagempake sya ng mga gamit na dadalin. Hindi lahat ay dinala niya at nagdahilan na babalik din naman sya sa unit nila after ilang months.
Sa pagiimpake ay nakita niya ang litrato ng anak. "anak ko alam mo bang ang gwapo gwapo ni Daddy mo mgkamukhang magkamukha kayo. Kaso hindi ko kayo maaring ipakilala sa isat-isa anak patawarin mo sana ako hindi tayo nababagay sa Daddy mo. Alam ko hindi ako ang tipo ng babaeng gugustuhin niya" malungkot na ipinasok niya ito sa pinaka ilalim ng kanyang maleta. Saglit na tinawagan din ang ina para kamustahin ang mga ito pati ang anak.
Tinignan ni Shy ang orasan at ala una na ng hapon hindi pa sya nakakapananghalian, inilabas muna sa sala ang mga inempakeng gamit at lumabas na ng condo kakain muna sya sa fastfood chain na malapit at bibili ng mga essentials na kakailanganin niya sa bahay ni Sandro. Bakit ganun parang hindi mabigat sa kalooban niya ang pag-alis sa kanyang unit tila ba naiinip pa sya sa oras na gusto sana niya ay bumyahe na ulit pabalik. Kinastigo niya ang sarili ng isipin iyon. Diba dapat ay gustuhin niyang tumakas kay Sandro ito na ang pagkakataon niya para makaiwas sa llaki pero bakit sinusunod niya ito sa pagmamando nito sa kanya, "Hayyys!! Ang tanga tanga ko, bahala na ...." Yun nalang ang sinabi niya sa sarili kasunod ng isang malalim na buntong hininga.

Pagkagaling ng Watson's at kumain sa pepper lunch ay umuwi na rin sya agad. Magcocommute lang sya kaya pihadong gagabihin sya sa pagdating sa Ilocos. Habang binubuksan ang pinto ng condo ay biglang nagring ang kanyang telepono, numero lang ang rumehistro kaya nagtaka sya kung sino iyon.
"Hello sino to?" Tanong niya
"Hi baby i miss you, are you on your way here?" Kumabog ang dibdib ng mapagsino ang nasa kabilang linya. Sinaway naman ang sarili ng makaramdam ng kilig sa mga tinuran nito.
"Hindi pwede yan gaga! Wag kang mafall mali yan!" Saway niya sa sarili
("Pero di ko talaga mapigil kiligin every time na tatawagin niya kong baby e tapos may pa i miss you pa !" ) Pagdadahilan ng isang bahagi ng kanyang utak.
"Paalis na ko ng bahay, naayos ko na ang lahat ng dapat kong ayusin." Yun lang ang sinagot niya kay Sandro hindi niya alam kung paano ito sasagutin na hindi mahahalata ng lalaki na bukal sa loob niya ang pagbalik duon.
"That's great, mang Jun is waiting for you outside your condo, he'll drive you home so that you will not get tired, take care my baby"
Nagulat si Shy sa tinuran ng binata ngunit may bahagi din sa puso niya na nagsasabing ang sweet talaga ng lalaki.

Ng masiguradong wala na syang kailangan pa o nakalimutan ay sinara na ni Shy ang pinto ng unit at lumabas na ng condo, nadatnan nga niya si Mang Jun sa labas na nanghihintay sa kanya.
"Magandang hapon Maam Shy ready na ho ba kayo?" Tanong ng matanda.
Bakit iba ang pagkakaunawa niya sa sinabi nito? "Ready na ba ako sa haharapin kong ito?"
"Maam?" Pagtataka ng matanda dahil sa pagkatulala
"Ay sorry mang Jun tara na po"
Yun lang at isinakay na ni mang Jun ang kanyang bagahe sa likod ng sasakyan sumakay nadin siya, pagkatapos isara ni Mang Jun ng pinto ay bumalik na ito sa driver seat at nagsimula ng magmaneho
Mga ilang minuto narin silang bumibyahe ng magsalita ito.
"Alam mo Maam ngayon lang nagkaroon si Sir ng babaeng dinala niya sa kanyang bahay" nagulat sya sa tinuran nito
"Naku mang Jun baka hindi niya lang talaga dinadala ang mga babae niya sa bahay nila"
Sagot ko.
"Naku iha matagal na akong driver ng binatang yon, bata pa lang sila e driver na ako ng Pamilya nila. Wala talaga siyang dinadalang babae sa sarili niyang bahay kahit sa bahay ng mga magulang niya ay wala rin sya dinadala bahay trabaho lang iyan"
"Kanya po bang bahay iyon at hindi sa kanyang magulang?" Tanong ni Shy
"Oo iha, ipinundar niya para sa kanyang sarili doon daw niya ititira ang babaeng mapapangasawa"
"Hindi po ako naniniwala" saad niya
"Maraming babaeng umaaligid dyan, pero wala syang pinapansin. Ikaw ang kauna unahan talaga. Nung bata pa yan ay may mga naging kasintahan din pero mga 6 na taon na at wala pa din nagiging kasintahan hanggang sa dumating ka."
"Mabait yang si sir, wag kang mag-alala"
Tumahimik nalang si Shy at hindi na sumagot parang nasa alapaap ang puso niya sa isiping katulad niya ay wala din itong naging kasintahan pagkatapos ng mangyari..
Makalipas ang 5 oras na byahe ay nakarating din sila 6:30 ng gabi at sinalubong sila ni manang Luz. Wala pa daw si Sandro at marahil ay nasa opisina pa.
Ipinanik na ni Mang Jun ang kanyang mga gamit sa kwarto nila ni Sandro, sumunod na rin sya dito upang ayusin ito.
Lumipas ang oras ay wala paring Sandrong dumating naayos na niya lahat ngunit wala padin ang binata naisip niyang bumaba muna at nadatnan naman si manang Luz sa kusina
"Magandang gabi po manang" bati niya rito
"Magandang gabi din sayo iha tara na at kumain ka na baka gabihin na si sir wag mo na syang hintayin" saad ng matanda
Tumango nalang sya Ipinaghain sya nito matapos kumain ay pumanik sya sa kwarto at nagshower pagkatapos ay nagpahinga sa terasa maya't maya rin niyang tinitignan ang cellphone ngunit walang txt or tawag ang lalaki sa kanyan. Nakaramdam siya ng kirot sa isiping sa kama lang talaga ang relasyon nila pero sa totoong buhay ay hindi sya kasali sa buhay nito. alas onse na ng gabi ngunit wala padin si Sandro pinagpasyahan niya nalang mahiga dahil sa lungkot na nadama naluha sya sa isiping nasasaktan sya rito ngunit hindi niya rin magawang tanggihan ito. Nakatulugan na niya ng pagiisip ng dumating ang lalaking hinihintay. Nagising syang tumabi ito sa kanya at natulog. Lalong naiyak ang dalaga dahil dito,
"Ang tanga mo talaga para isiping pareho kayo ng nararamdan!" Bulong ni Shy sa sarili at sa muli nakatulog syang may kurot nanaman sa kanyang puso. Inihanda nalang ang sarili sa iba pang sakit na naghihintay.

Sandro my LoveWhere stories live. Discover now