31: Family's Love

1.3K 52 14
                                    

Matapos mag almusal ay abala na ang lahat marami ng kakilala at kamaganak ang tumatawag kay Sandro.
Habang abala ang lalaki ay naghahanda na si Shy para sa pag-alis niya.
Ang usapan nila ay sa hotel na lang sya didiretso, mauunang umalis ang lalaki dahil may pagpupulong pang magaganap sa dating Ancestral house na tanging eksklusibo lamang sa buong Pamilya. Lahat ng bisita at ibang kamag-anak ay sa Hotel na nila makikita. Inaayusan na si Shy sa harap ng vanity mirror ng pumasok si Sandro sa kanilang kwarto. Alas 3 na ng hapon at kailangan na pumunta ni Sandro duon dahil marami pang gagawin ang Pamilya, alas 5 ang pinaka call time para sa event at 7pm naman ang sa hotel.

"My Love i have to go, I'll call you later if punta ka na sa hotel ok?"
Humalik ang binata sa noo ng dalaga pero hinawakan ni Shy ang magkabilang pisngi nito at hinalikan sa labi ang binata ng matagal, madiin.

"I love you baby" pumiyok na saad ni Shy, parang may bara sa kanyang lalamunan kaya hindi na sya makapagsalita ng iba pa.
" I love you more, see you later ok "
Muli itong humalik sa kanyang labi at lumabas na sa kwarto.  Pagklipas ng ilang minuto at ng maulinigan ni Shy na wala na talaga ang sasakyan ng binata ay nagpaalam sya sa babaeng nakatoka sa kanyang mag make-up

"Masyado pang maaga pahinga muna tayo saglit, baba ka muna sa kusina kain ka muna dun. Papahinga lang ako dito sandali kahit ilang minuto lang"  saad niya dito.
Tumango naman ang babae at bumaba na at ang kasama nito.
Duon sinamantala ni Shy ang pagkakataon. Agad siyang tumayo at tumungo sa closet kinuha ang kaunting gamit na tanging dala niya papunta roon, wala syang bitbit na kahit anong mula sa lalaki dahil ayaw niyang maalala pa ito kahit na hindi nmn talaga na ito mawawala sa puso't isipan niya kahit kailan.
Dala ang ticket na binili ay agad lumabas si Shy sa kwarto. Nag-iingat na may mkakita sa kanya, mabilis nakalabs si Shy ng bahay. Hindi na rin nman kasi sya binabawalan ni Sandro simula nung maging official ang relasyon nila kaya walang magiisip ng masama sa pag-alis niya. Naghihintay na ang grab ilang bahay mula sa kanila, na binook niya ahead of time
Sinadya niyang ibook ang ibang address.
Agad nagpahatid si Shy sa airport at lumulan papuntang Maynila. Bago lumipad ang eroplano ay sinabihan na agad niya ang ina na pauwi na sya at pinahanda ang gamit nila dahil uuwi sila sa Cebu kung saan nakadestino ang kanyang ate.

"Paalam Sandro, i know you'll hate me for doing this but this is for everyone's sake" maluha luhang bulong niya sa Sarili.

"Bakit biglaan ang pagpunta niyo dito Shy?, May hindi ba kami alam na nangyayari sayong bata ka?" Kinausap sya ng kanyang ate at mama
Nagtataka kasi ang mga ito sa dali dali nilang paglipad pa Cebu.

"Iha Pamilya mo kami, walang ibang makakaunawa sayo kundi kmi lang anak" alo naman ng kanyang ina sa kanya.

Tahimik lang ang dalaga. Nakahalukkip habag nakatanaw sila sa Veranda ng condo unit ng kanyang ate. Doon sila naguusap upang hindi makaistorbo sa batang nakatulog na sa sofa katabi ng kanyang ama.

"I'm sorry ma, ate kailangan ko lang lumayo para hindi na niya ko makita uli" saad ni Shy.

"Ano bang ibig mong sabihin anak? Sino ang ayaw mong makakita sayo? May pinagtataguan ka ba?" Naguguluhang tanong naman ng ina.

"Ano, kasi po.. yung tatay ni Sanya nagkita kami Ma," gumagaralgal na ang boses niya

"Alam na ba niya ang tungkol kay Sanya anak?" Tanong naman ng ina

"Hindi po ma, wala akong lakas ng loob sabihin at parang tama naman na hindi ko sinabi. Kaso Ma nagkaron kasi kami ng relasyon habang-"  hindi alam ni Shy kung pano ipapaliwanag sa ina at kapatid ang lahat

Sandro my LoveDär berättelser lever. Upptäck nu