Chap.45 CONTINUATION

60 6 26
                                    

⚠️ PLAGIARISM IS A CRIME ⚠️
IF ANYONE COPY MY STORIES AND POST IT TO ANY KIND OF SOCIAL MEDIA, YOU'LL FACE DIFFERENT CONSEQUENCES. THANK YOU!!

CATHY'S POV:

Nandito kaming magkakaibigan sa rooftop, maganda din ang set up dito, makikita mo din ang buong city lights.    Pero sa totoo lang di ko masyadong na appreciate ang mga to dahil sa mga tumaktabong tanong sa isip ko.

Nilingon ko si Jynne na may kausap sa cellphone, pinakatitigan ko siya yung hubog ng katawan niya, siya nga yon, pero gusto ko talagang maka siguro.

"Malalim yata ang iniisip mo, it's your birthday Baby Cathy, let's enjoy it." Sabi ni ate Melissa pagkaupo niya sa tabi ko.

"Hehe mamaya ate , iinom tayo di pweding ako lang ang mag enjoy." Sagot ko sa kanya

"Maglalasing tayo mamaya. Haha, pero ano muna iniisip mo.?" Tanong niya ulit sakin

"Ah heheh iniisip ko yung nangyari kanina Ate, di ko lubos ma isip na si Jynne yung nakasama ko sa gabing yun." Sagot ko sa kanya at nilingon si Jynne

"Kami din naman eh, hahah. Hinahanap ka nyan." Saad niya at ngumiti pa.

"Come on! Dun tayo sa kanila" yaya niya sakin kaya lumapit kami kung saan sila. Lumayo kase ako kanina.

"Guys! Ano na?" Tanong ni Hope pagkalapit namin

"Anu ba gusto niyong gawin? Haha." Tanong ni Hans

"Let's just talk for awhile, to make things clear." Saad ni Clayson which nag agree kaming lahat.

Isa isa kaming umupo, madaming upuan kase dito may table din with foods and drinks.

"Damn destiny really exist no?" Natatawang saad ni Summer

"Wews! Pero ang cute lang tsaka kung iisipin ang tagal na nun nagkita ulit." Saad ni Angel

"Pero huy! Naiinis pa din ako, di mo naikwento sakin yun Cous.!" Pagmamaktol na saad ni Lia. Nag kibit balikat lang ako at ngumiti

"Ang importante kayong dalawa ang magkasama that night haha. Kase kung iba yun baka nagwala ako.!" Dagdag na sabi ni Lia na syang dahilan para tumawa kaming lahat.

"Ilang taon ka ba nun Cathy?." Tanong ni Nics.

"Mag bilang ka kaya jan, ini stress mo siya eh! Hahah." Sagot ni Zander sa kanya

"Hahah . I think 19 or 20." Saad ko

"Akala ko underage pa eh haha" sagot ni Jade.

"Pero pano na punta sa pag ganun?" Awkward na tanong ni Cheska

"Shy ka ba baby Cheska? Hahah." Pang aasar na tanong ni Ate melissa sa kanya

"Hindi naman masyado bwahaha, curious lang ako, hindi naman talaga detailed yung nasa video eh." Nahihiyang pagpapaliwanag ni Cheska

"Na sabi samin ni Jynne, sobrang lasing siya nun kaya nag paalam siyang matutulog na, hindi namin alam na ganun until the next day tsaka may nilagay pala sa ininum niya." Sabi ni Hans at tumango naman kami to gesture na naiintindihan namin.

"Well in my view, lasing din ako first time drinker, tas yun na nga si kahit blurry na yung paningin ko, alam kong si Krystal yung kumaladkad sakin papunta sa room ni Jynne, sinampal pa nga niya ako eh." Pagpapaliwanag ko sa kanila

"Who initiated first.?" Biglang tanong ni Clayson. Hindi ako umimik kase iniisip ko pa, or nahihiya akong e admit na ako yung unang nanghalik huhuh.

MIRROR (My Reflection Is You)Where stories live. Discover now