4

20.9K 571 43
                                    


Yazzy's Pov

"*cough* *cough*"

"Anak sigurado ka bang ayos ka lang? Masyado mo kasing pinepressure ang sarili mo sa trabaho mo kaya nagkakasakit ka.Wag ka na kaya munang pumasok?"

"Tay,ayos na po ako *cough* Ubos na po kasi yung gamot niyo,kaya *cough* kailangan kong bumili." Sabi ko.

"Hay,anak kung malakas lang ang pangangatawan ko,di ka na sana nagtatrabaho ngayon." Sabi niya.

"Tay,ayos lang po talaga.Sige na ho inihanda ko na po yung pagkain niyo hanggang hapunan na ho iyan.Wag pong kakalimutan yung gamot niyo ah?Alis na po ako,binilin ko na po ulit kayo kay Manang Teresa." Sabi ko at niyakap siya pagkatapos ay umalis.

"Sara!Tara na." Sabi ko sa kanya.Sabay kaming pumasok ng opisina.

*Sa Office*

"Hi Yazzy!" Bati sakin ni Brent isa pa yang hearthrob dito sa office namin.Kasama si Drey, gwapo rin yan.

"Hello." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Ay ganun?Siya lang?Di ba ko nag eexist sa harap niyo?" Biglang singit ni Sara.

"Hi Sara!Nagtatampo na siya eh." Asar ni Drey.

"Haha!Sige na balik na tayo sa trabaho natin." Sabi ko at pumunta nang pwesto ko.

Ubo ako nang ubo habang nagtatrabaho.Tinignan ko yung orasan.Time na pala nang pag-inom ka nang gamot.

Kinuha ko yung biogesic at ininom.Masama na rin kasi ang pakiramdam ko.Tapos ay itinuloy ko na ang trabaho ko,nang biglang akong tawagin ni Sir sa speaker na maliit yung ako lang yung makakarinig.

Agad akong pumasok sa office niya.

"Ano po iyon Sir?" Tanong ko na parang walang sakit.

"May appointment ako sa Paris and I want you to come with me." Sabi niya.

"Sir, eh wala pong magbabantay sa tatay ko." Sabi ko,ba't ba kailangan kasama pako nang ex ko?

"Do you want to keep your work Ms Fontes?" Seryosong tanong niya

"Y-Yes S-Sir." Sabi ko at umiwas nang tingin sa kanya.

"Then good.Ako na ang bahala sa lahat all i want you to do is pack your things.2 weeks tayo dun." Sabi niya.

"Okay Sir." Malumanay kong sabi.

"Wait,Ba't ka namumutla?" Tanong niya bago ako tumalikod.

"H-Ha?Ah wala po ito Sir." Sabi ko.

"Wait." Sabi niya humarap ako sa kanya.Tumayo siya sa pwesto niya at lumapit sakin.

Laking gulat ko nang hawakan niya ang noo ko na parang tinitignan kung may lagnat ba ako.Kaya agad akong napaatras pero hinawakan niya ako sa balikat.Napatingin ako sa kanya.

"You're sick." sabi niya at bumalik na sa upuan niya.

"A-Ahm,kaya ko naman po Sir." Sabi ko at umalis na nang office niya.

"Yazzy!Lunch break na!Tara!" Sabi sakin ni Brent.

"Ah tara!" Sabi ko.Pumunta kami nang Jollibee.At as usual maraming babaeng nakatingin sa kanya.

"Edi ikaw nang gwapo." Sabi ko sa kanya.Kaya napatawa siya.

"Sorry,gusto mo sa iba na lang tayo kumain?" Tanong niya.

"Wag na!Favorite ko to eh!At tsaka kahit san naman pinagtitinginan ka." Sabi ko.Ba't ba kasi sobrang gwapo nito eh?

"Okay,sinabi mo eh." Sabi niya at tumuloy sa pagkain.

***************
"Sige na Brent!Punta na sa table mo." Sabi ko at tinulak siya pabiro.Natatawa naman siyang pumunta dun,matatapos na kasi ang break namin eh.

"Yie!Bagay kayo Yazzy!" Sabi sakin ni Rina na katabi ko.

"Shh!Mga kalokohan niyo." Umiiling kong sabi.Dumaan naman si Sir Dale.

"Ms.Fontes go to my office now." Seryosong sabi niya at padabog na sinara ang pinto nang office niya.

"Hala bakit kaya?" Tanong ni Mina.Nagkabit balikat na lang ako at pumasok sa office niya.

"S-Sir bakit po?" Tanong ko.

"Ms.Fontes to tell you that this is an office so don't flirt with your co-workers." Napakunot ang noo ko nang sabihin niya yan sakin.

"Sir,i'm not flirting my co-worker." Sabi ko.

"Yeah right.Keep your sh*ts Ms.Fontes.Remember this is my Company And i can do what i want." Sabi niya.

"Y-Yes Sir." Sabi ko.

"And please don't smile like that to others especially men because what's mine is mine only." Sabi niya bago ako makalabas ng office niya.

Anong gusto niyang iparating?

My Boss Is My Ex-boyfriendWhere stories live. Discover now