13

15.6K 379 4
                                    


Yazzy's POV

"YAZZY!!!!"sigaw ni Sara at niyakap ako.Muntik na tuloy kaming matumba.Kakauwi lang namin ni Thunder,sinundo ako ni Sara dito sa airport.

"Namiss kita!!"sigaw niya.Niyakap ko rin siya pabalik.

"Namiss din kita.Kamusta na pala si Tatay?"tanong ko sa kanya.

"Okay na okay siya."sabi niya sakin."Ay,Hi Sir,welcome back."nakangiting bati niya kay Thunder na tinanguan niya lang.

"Tara na."sabi ko at naunang lumakad kasama si Sara kaya naiwan si Thunder.

"Ano kamusta?"tanong niya sakin.Ngumiti ako.

"Ayos lang naman."sabi ko sa kanya.

"Mabuti."sagot niya at pumasok na sa taxi.Pinalagay ko na kay Manong Taxi driver yung maleta ko sa likod nang lumapit sakin si Thunder.

"Sure kayo?Ayaw niyong sumabay sakin?"tanong ni Thunder.

"Ah hindi na.Ayos na ako at tsaka para derecho ka na pahinga masyado ka ng pagod."sabi ko at pumasok sa taxi.

Hindi kami magkaaway ah?Sadyang ayoko lang may makaalam nitong relasyon namin ni Thunder maliban kay Sara.

**********

"Tay,eto po pasalubong ko sa inyo."sabi ko kay Tay at binigay yung pasalubong ko.

"Salamat Anak."sabi niya.Nakangiti ko siyang pinagmasdan.

"Nga pala Tay,may gamot pa ho ba kayo?Bibili na ho ako."sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba Anak?Itago mo na lang yan matanda na ako maiksi na buhay ko masasayang lang yang pera mo pag binili mo pa ng gamot ko wala na rin namang epekto yan."rinig kong sabi niya kaya napatigil ako sa paglabas ng damit ko sa maleta ko.

"Tay naman,Anak niyo ho ako hindi ho ako papayag na hindi ko kayo ibibili ng gamot niyo.Kayo na lang ho yung kayamanan ko hindi ko pa aalagaan?"naiiyak na sabi ko pero hindi ako nagpahalata na umiiyak ako kaya agad kong pinunasan yung luha ko.

"Tay eto nga pala paborito niyong chocolate.Galaxy!!"pagpapasigla ko at binigay ko sa kanya.Nakangiti niya namang tinanggap iyon.

"Salamat Anak.Ang bait mo talagang bata."sabi niya.Niyakap ko siya.

"Mabait rin naman po kayo sakin eh kaya dapat lang ibalik ko sa inyo."sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko na lang may tumulong luha galing sa mata ko.

Pero agad ko ding pinunasan iyon.

"Sige na ho Tay,magluluto lang po ako ng tanghalian baka gutom na po kayo."sabi ko at pumunta ng kusina.

Baka kasi hindi ko na makayanan pag nandun parin ako nakayakap sa kanya.

************

My Boss Is My Ex-boyfriendWhere stories live. Discover now