Chapter 2

208 114 30
                                    

Grae's Pov

Sintu sintu

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas,sumilip ako sa bintana dun ko nakita yung bagong umupa sa katapat ng bahay ko.

Nag-iinuman sila at nag kwekwentuhan,maingay sila akala mo mga babae.

Ilang minuto pa silang nag-ingay,tsaka natahimik ang paligid.Wala nang humahalakhak,sumisigaw,nagmumura at wala na ring kalansingan ng baso.

Umakyat ako sa kwarto at nagtambay sa balcony.hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa upuan eh,napukaw ng atensyon ko yung lalaki sa katapat kong balcony.

Mukha siyang tangang nakapikit at nakangiti,habang humihithit ng sigarilyo.

'sinto sinto'

Nakangiwi akong tumayo tsaka dumeretso sa kusina,gusto kong kumain kaso d naman ako marunong magluto.

Inis akong umakyat sa Rooftop tsaka lumusong sa pool,ito ang kinaganda sa bahay nato kumpleto lahat pati appliances,may bonus pa na pool.

Ipipikit ko sana yung mata ko para mag-isip isip pero naalala ko yung lalaki kanina.Mukhang tanga talaga siya.

Iiling-iling akong umahon sa pool tsaka nagbihis,nag hoodie ako tsaka nag shorts,komportable namang suotin.

Kung hindi lang kumakalam ang tiyan ko hindi ako lalabas ng ganitong oras
masyado nang gabi at bago pa lang ako dito at hindi kopa kilala ang ugali ng mga tao dito.

Sumakay ako sa kotse at inistart yon,gumawa yon ng malakas na ingay.
Napatingin ako sa balcony nung sintu sintung lalaki.Napangisi ako nang makitang nakakunot ang noo nito at masama ang tingin sa kotse ko.

"Gantihan lang yan"

Beep!Beep!

Bumusina muna ako tsaka nakangising pinaandar ang kotse ko,naglibut libut muna ako tsaka ko nakita ang MoSushi.

'sushi'

Pumasok ako don agad na nag-order,minuto lang ang lumipas naiserve na sakin yun kaya agad ko naman binayaran.

Dumeretso ako sa kotse ko at agad na nag drive pauwi,huminto ako sa labas ng gate tsaka ko binuksan.

Napatingin ako sa balcony nung lalaking sintu sintu,nagtama ang paningin namin tsaka ko siya nginisian.

'dahil sa ingay nyo nagising ako...hinayupak ka!'

Bumaling ako sa kotse ko tsaka ipinarada iyon sa garahe ng bahay.Sumulyap muna ako sa lalaki bago pumasok.

'Sinto!'

Masama ang tingin nito sakin animo may nagawa akong malaking kasalanan.Ehh sila nga yung nambubulabog dis-oras ng gabi.

Tuluyan akong pumasok sa bahay at dumeretso sa kusina,hindi nako nagpatumpik tumpik pa,agad ko yon nilantakan.

Habang kumakain sumagi sa isip ko yung sugat ko sa noo,tagal gumaling ahh.Halos isang bwan na din simula nung lumipat ako dito hindi pa din naghihilom.

Napangiwi na lang ako dahil sa naalala ko,dahil sa pesteng babaeng yan lahat sa buhay ko nagulo,ultimo mga kapatid ko nawala.

"Tss" tumayo ako sa upuan at dumeretso sa kwarto ko.

Humiga ako tsaka pumikit,sana nakalimot na lang ako,sana.

Kinabukasan

Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana ko.Nagkusot muna ako ng mata tsaka dumeretso sa C.R para maligo.

Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon