Chapter 13 (Batangas 4)

44 4 3
                                    

PAYPHONE

Grae's POV

Kung ano-ano pang pinagsasabi nitong kausap ko habang ako pinapakinggan yung panggagaya samin nung mga megaphone.

"Hey! nakikinig kaba?....tagalugin kona ba? hindi kana marunong mag Japanese?" sunod sunod na tanong niya sakin.

Kaya ayaw kita kausap napaka daldal mo,hinila ko siya sa kabilang parte ng isla kung saan puro puno,malapit sa pwesto ko kanina.

"Okay ka lang?" takang tanong niya nang makitang nahihirapan ako maglakad.

"Yeh" sagot ko

"Those guy's" tatango tango niyang turo sa pwesto nung mga megaphone. "kilala ko sila" sabi pa niya.

"ako din" sagot ko naman

"lol" nangiwi nitong sabi "nga pala saan ka?" tanong niya.

"nandito" sagot ko naman

"Seryoso" seryoso na din nyang sabi

"Seryoso ako"

"Ipapakilala kita sa mga lalaking yon o magseseryoso ka? ano pili!" pagpapapili niya.

Mautak ka din talagang babae ka,alam mo na hindi mo ako matutunton kahit sabihin mo sa kanila na naandito ako sa batangas.

"What do you want?"

"Whahahah tagumpay!!!!" pagdidiwang niya."Saan ka nag-enrolled?" tanong niya pa ulit.

"d ako mag-aaral" sagot ko ULIT

"ULOL!" sigaw nito

Kahit kailan hindi ka masabihan ng isa,bagay na bagay kayo ng mga megaphone na yon.Pare parehong maiingay.

Hindi kona siya inintindi pa at bumalik na ako sa mga kasama namin,gutom na ako nakaka-inis bakit kasi ganyan pagkain kainis.

"HI! MY NAME IS SKYE JEN!" pagpapakilala ni Kye sa mga megaphone.Kanya kanya naman silang pakilala,akala niyo artista yan ehh hindi nga marunong mag drive ng sariling kotse yan.

"Oii kilala niyo ba yon?" tumaas ang kilay ko nang makitang ako yung tinuturo niya,wag moko simulan Kye babalik ka sa Manila gago ka.

"ahh oo si Grae" sagot ni Dion sabay turo sakin.

"WOW GRAE!" pagdidiin sa pangalan ko "Diba Nic-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang humagis yung matulis na kahoy galing sakin na deretso namang tumusok sa bato ng kwintas niya. "Wtffff!"

"Grae!" si Earl

Wag moko ma Grae,Grae jan masakit pa ang likod ko baka mabigwasan kita bigla.

"Are you serious?!!!" maarteng sigaw pa niya.

"Hindi" sabi ko tsaka naglakad "dahil kung seryoso ako nakatarak na yan sa leeg mo"pagpapatuloy ko.

Napapagod na ako kakalakad,ansakit na din lalo ng likod ko tapos dadagdag pa siya,mas ginagawa niya lang komplikado uli ang buhay ko.

"Hindi kaba nagugutom miss? kukuha kami ng pagkain,maari kang magsabi kung anong gusto mong ipahain." biglang sabi nung matanda sa harapan ko,oo! nagugutom na ako.

"Steak lang ang kinakain ko manong" sagot ko

Gutom na ako kaya walang panahon ang katamaran magsalita.

"Ganun ba osigi mauna na kami" tumango lang ako sa kanya,sumakay na sila sa speedboat tinitigan ko lang ito hanggang maka-alis.

Gusto ko dito,payapa ang lugar at tahimik kaysa dun sa mismong resort.Sana pala ay dito na agad ako dumeretso kung alam ko lang."hoy!" ang kaninang payapa ngayon ay hindi na.

Mysterious GirlWhere stories live. Discover now