KABANATA 20

90 12 1
                                    

Dana

Ano... ano daw?


Pwedeng paki-ulit? Rewind? Wait wait wait...


WAIT!


Let me court you? Court? As in, liligawan? Liligawan niya ako?! Liligawan ako ni Miguel?! Oh my goodness. Omg omg omg.


"Dana?" Tinagilid niya ang mukha niya at lumapit sa'kin. Automatic akong lumayo at napasinghap.


"Oh my gawd oh my gawd oh my gawd..." 'Di ko makapaniwalang saad.


"Dan—"


"Diyan ka lang! Don't move! Hep hep hep! Stap!" Namimilog ang mga mata kong saad sakanya habang hinaharangan siya gamit ang dalawa kong kamay.


Pinagtitripan ba ako ng isang 'to? Baka prank 'to? Hidden cam ba?


Luminga-linga ako sa paligid, nagbabasakaling may makita akong mga hidden camera.


"Anong ginagawa mo—"


"Stap! Don't talk. Shut up! Stap it! May hidden cam ba dito? Prank 'to no?" Exaggerated at dramatic kong saad.


My gawd my gawd my gawd. Ba't ako pinagtitripan ng isang 'to?! Bad joke 'to!


Kumunot ang mukha na niya habang nakatingin sa'kin, "Sa tingin mo ba talaga eh prank 'to? Na pinagtitripan kita?" Hindi makapaniwalang tanong niya.


Mabilis akong tumango. Hindi naman kasi kapani-paniwala eh!


"Wow... Unbelievable." Mahinang saad niya pero rinig ko pa din.


Hindi ko na kaya 'to. Ba't ba kasi ako sumama sa isang 'to in the first place? Makabalik na nga!


Mabilis akong tumayo at tatakbo na sana nang nahuli niya ang kamay ko kaya napatili ako sa gulat.


"Wag mo nga akong hawakan!" Gulat kong sambit sakanya.


Punyeta ang puso ko hindi na naman makalma! Kasalanan 'to ng Miguel na 'to eh!


"Bakit ganyan ka makareact? Ayaw mo ba sa'kin?" Tanong niya which caught me off guard.


"Well... Ano..." Ano ba ang sasabihin ko?


Ayaw ko ba sakanya? Hindi naman sa ganon! Masyado lang hindi kapani-paniwala ang sinabi niya at ayaw magsink-in sa'kin. Kung ikaw ba naman eh walang araw na ginawa ang Diyos na magkasama kayo tapos babangayan ka lang niya, maniniwala ka ba sa taong yan kung sabihin niyang gusto ka niyang ligawan?

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora