KABANATA 8

150 14 0
                                    

Dana


"Sinong sasabay sa'min ni Keisha?" Tanong ni Dale.


So, hindi rin basta-basta ang mga kasami namin, lalo na ang may mga jowa. Dahil may kanya-kanya silang mga sasakyan.


Maliban kay Owen na single na walang sasakyang dala sa kadahilanang pinapaayos pa raw ang kotse niya kasi nadisgradya ng kapatid niya.


All in all, mahihiya kang makisakay sakanila kasi feel na feel mo talaga ang pagiging third wheel. Taena kanino ako sasabay?


"Dito ako kay Alistair sasabay. Sorry pero hindi ako makikithird wheel sa inyo ngayon. Not today!" Ani Owen na nagpatawa naman sakanila.


Of course ako tahimik lang kasi hindi ako makarelate. Kasi nga wala akong jowa. At pangalawa, nafifeel ko siya kasi ayaw ko ring mathird wheel. Pangatlo, walang funny sa pagiging third wheel!


"Ikaw Dana girl? Kanino ka sasabay?" Ani Frey na parang rugby na nakadikit kay Devon. Eh kung pag-untugin ko kaya kayong mga hinayupak kayo?


"Sa'min sasabay si Dana." Ani Alistair.


Napatingin ako sakanya. Well, mas mabuti nang dito ako sasabay sakanila ni Owen. Hindi ako magiging third wheel.


Kaya masaya akong tumango, "Tama tama. Dito ako sasabay kina Owen." Sabi ko naman. Nagsisakay na ang mga magjowa sa kani-kanilang mga sasakyan.


"Sa backseat ako ng Sedan!" Ani Owen at pumwesto nga sa backseat.


No choice naman ako. Parang ang pangit din naman na pareho kaming sa backseat ni Owen kasi magmumukhang driver si Alistair. Hindi ko naman pwedeng sabihan si Owen na ako na lang ang sa backseat kasi nakakahiya at nakapuwesto na siya. Kaya sa passenger seat ako umupo.


"Seatbelt." Ani Alistair. Right! Seatbelt. Mahirap na baka madisgrasya na naman.


"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko.


Swabeng nagmamaneho lang si Alistair habang si Owen naman ay rinig kong naglalaro sa phone niya.


"Sa Bleu. Doon kasi kami madalas tumambay after class." Sagot niya.


Sa Bleu? He mean, Cafe à la Bleu? Matagal-tagal na ako rito sa Davao pero isang beses pa lang ata ako nakapasok doon.


Malayo kasi siya sa university at opposite ang way sa uuwian ko kaya para sa'kin na commuter madalas pag umuuwi, hindi siya ganoon ka convenient for me. Nakapunta lang ako rooon isang beses nang may cinanvas kaming gamit ng mga kaklase ko to the point na pumunta pa kami sa malayo.


"First time mo sa Bleu?" Tanong naman ni Alistair sa'kin. Umiling naman ako.


"I've been there once."


"Nice, then natikman mo na yung specialty nila?"

Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now