CHAPTER 83

3.8M 86.2K 83.2K
                                    

DEIB'S POV


K I N A B U K A S A N

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sarili ko.

'Nasa mood ba ko?'

Muling pumasok sa isip ko si Kim, kinuha ko ang cellphone ko at tinignan yun.

'Hindi man lang nagtext!'

Inis kong ibinato sa kama ko.

Agad akong bumangon at pumasok sa banyo. Sandali pa muna akong humarap sa salamin para kausapin ang sarili ko.

"What's up handsome?" nakangiting sabi ko sa harap ng salamin. Tinignan ko kung may bahid pa rin ng pagkakabugbog ang mukha ko pero wala na. "Welcome back Pogi! Hehehe!" nakangiti pa ring sabi ko at saka naligo.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako.

"Good mor----"

*TING!*TING!*TING!*

Nagulat ako ng hindi ko makita si Noona sa upuan niya, saktong lumabas naman si Manang.

"Nasan si Noona Manang?" tanong ko.

"Ahhh, umalis sila ni Randall. Magdedate daw sila." nakangiting sabi niya habang naglalagay ng food sa table.

"Mmm. I see. Good Morning Manang." nakangiting sigaw ko sa kanya.

"Good morning. Mukhang maganda gising mo ah?"

"Mmm, hindi naman po hehehe. Gumanda lang talaga. Kasi tignan niyo Manang oh? Patuloy ang paggwapo ko, wala ng bakas ng kung ano mang nakakapagpapangit sa mukha ko. Hehe!" nakangiting sabi ko habang nakaturo sa mukha ko.

"Aba'y oo nga ano? Mabuti't hindi nag-iwan ng peklat?"

"Yan ang advantage ng merong magaling na Doktorang kapatid hehe."

"Oo nga. Hehehe. O siya maupo ka na diyan at sabay na tayong magbreakfast."

"Sige Manang." masayang sabi ko at saka umupo.

Bumalik si Manang sa kitchen at nang makabalik sa akin ay may dala ng foods.

"Oh siya kumain ka ng marami, nakatulog ka ba ng mahaba?" tanong pa niya habang umuupo.

"Mmm." nag-isip ako. "Medyo mahaba na po. Naka-8 hours rin mahigit hehehe. Anong oras po umalis sila Noona? Ang aga pa ah?"

"Kaalis alis lang, mga 10 minutes bago ka bumaba. Sinundo siya ni Randall dito."

"Hahaha! Buti naman at sinundo siya ni Randall."

"Sinusundo naman siyang parati, hindi ba?"

"Oo nga po hehehe, e minsan kasi, atat na yun si Noona kapag may date sila, nakikipagmeet na lang siya kay Randall somewhere. Haha!"

"Ikaw talaga, napakalakas mong mang-alaska."

"Manang naman."

"Siya sige kumain ka na dyan."

"Opo! Hehehe!" sabi ko at sinimulan ng kumain.

"Linggo nga pala ngayon at wala kang pasok at practice, sana pala ay natulog ka pa ng mas mahaba para nakapagpahinga ka ng ayos. Ang payat payat mo na."

Napatingin ako sa katawan ko at napaisip.

'Hindi naman ako payat ah?'

Naalala ko na naman yung sinabi ni Taguro.

HE'S INTO HER Season 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang