CHAPTER 21

3.9M 102K 73.7K
  • Dedicated to Alma Alexise
                                    

MAX'S POV

THE BARB.

"Oh? Akala ko ba ay next week ang start niyo?" salubong samin ni Jep.

"Hala, anong nangyari sa'yo?" gulat na baling sa'kin ni Barb, hindi na ako sumagot. Dumeretso ako sa table at naupo sa couch.

"Bad mood," dinig kong bulong sa kanila ni Naih.

"Oh? What happened?" tanong ni Jep. "Bakit biglang nagbago ang hairstyle mo? Akala mo naman bagay sa'yo?" natatawa pang biro niya pero hindi pa rin ako kumibo.

"Mabenta ang kaibigan natin sa BIS, trip ng lahat," sarkastikong bulong ni Naih.

"Yung dati pa rin bang kaaway niya?" tanong ni Barb.

"Oo," sagot naman ni Naih.

"E ikaw? Anong pakinabang mo? Kahit awat wala talaga? Kaloka ka," banat ni Jep kay Naih.

"Kilala nyo naman 'yan. Ayaw niya ng may nakikisawsaw sa gulo niya. Umi-slight ako, pero puro pambabara lang," si Naih.

"Max, bakit hindi mo subukang lumapit sa dean ng school ninyo?" baling sakin ni Jep. Tiningnan ko lang siya.

"Hala, katakot," biro ni Barb.

"Apo siya ng dean," manapa'y sagot ko.

"And so?" nanlalaki ang mga matang bwelta ni Barb.

"Sira, malamang awkward," sabat ni Naih.

"Anong awkward dun? Sira-ulo 'yung apo niya at dapat idisiplina niya. Estudyante si Max ng school nila and I believe that she has the right to-"

"Wala naman daw nangyari sa mga nakaaway 'nun dati, malakas nga kasi ang kapit sa school," pigil ni Naih sa sinasabi ni Barb. "Sarap neto, ah?" 

"Whatever! So, ganiyan ka na lang? Magtatanim ng sama ng loob at magmumukmok?" 

"Gusto ko na kasing tigilan," sagot ko.

"Ang alin?" tanong ni Jep. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Parang gantihan na lang kasi ang nangyayari sa kanila e. Gagawa ng kalokohan si Sensui tapos gagantihan ni Max. Gagantihan na naman siya ni Sensui tapos gagantihan na naman ni Max. King inang yan, repeatition!" nakangiwing paliwanag ni Naih.

"E pareho naman pala kayong sintu-sinto, edi karirin ninyo 'yan," natatawang buyo naman ni Barb.

"Kaya nga, gusto ko ng tigilan. Tsk! Pero hindi ko mapigilang mainis sa ginawa niya ngayon. Tignan mo ang buhok ko. Tss, gusto ko siyang banatan," inis talagang kwento ko.

"Kung luko-loko nga ang lalaking 'yun gaya ng sinasabi ninyo, malamang ay 'di papayag 'yun na hindi siya gaganti."

"Alam ko."

"Oh, e ano na ngang plano mo?"

"Pababayaan ko na. Baka kung san pa umabot e."

"Bravo! You're a hero, Maxpein," pang-aasar pa ni Barb habang pumapalakpak.

"Para sa'kin kasi ay gawain 'yun ng mga isip-bata. Kung papatulan ko pa siya ay parang naging isip-bata na rin ako," pagdadahilan ko.

HE'S INTO HER Season 1Where stories live. Discover now