Prologue

81 5 1
                                    

“Magpa-picture kana.” pagpupumilit sa'kin ni Milee.

“Oo nga. Once in a lifetime lang ito!” dagdag pa ni Faye.

Inirapan ko sila at sinimangutan.

They are forcing me to take a picture with Raven Ysrael Silva, my crush since Grade 7! I just confessed yesterday and they want me to— what?!

Milee and Faye are my cousins. Milee is one year older than us and Faye and me are in the same age. I'm just older by months. These two are giving me headache for real!

“Sige na kasi. What's stopping you ba?” Milee asked me.

“Hello? Kaka-confess ko lang kahapon and that's awkward!” sagot ko.

“E hindi ka naman nireject e. So meaning, may pag-asa ka!” pag-gagatong pa ni Faye.

It's our foundation day today kaya nag-aaya ang mga ito ng katarantaduhan. Iniisip ko pa lang na haharapin ko si Raven after that confession, gusto ko nalang magpa-lamon sa lupa. I couldn't even look at him sa sobrang kahihiyan!

Nagtatalo kami kung magpapapicture ako kay Raven or hindi ng may biglang lumapit samin na lalaki.

“Hey.. I just want to ask kung saan 'yung cr?” a guy who's wearing a white shirt said. He has a great features.

“Nakikita mo ba 'yung benches na 'yon? May papasok don sa kaliwa tapos makikita mo roon 'yung sign pang-cr. Ikaw bahala kung sa panlalaki or pangbabae ka papasok.” sagot naman ni Milee habang tinuturo kung saan.

“Excuse me?” nakataas na kilay na sabi ng lalaki.

“Oh bakit? Dadaan ka?” pataray na sagot ni Milee.

“Nothing. Thanks.” the guy said before he leaves.

“Ano ba naman 'yun. Hindi man lang ngumiti. Parang gago naman oh.” pagsusungit pa ni Milee.

Tinawanan ko na lang siya at tiningnan ang pwesto ni Faye kanina. Pagtingin ko ay wala siya roon.

“Asan si Faye?” tanong ko.

“Ay ewan.”

“Tawagan mo nga.”

“Hayaan mo 'yun, baka naghahanap lang ng malalandi.” aniya pero kinuha naman ang cellphone niya galing sa loob ng bag niya.

Kinuha ko rin ang phone ko galing sa bulsa ko ng may marinig ako.

“Oh magpicture na kayo!” excited na sabi ni Faye.

Ang kapal ng mukha netong humarap sa'kin ng naka-ngiti. Ang lokaret kasama si Raven!

“Hoy! Sinundo ko pa 'yan ha? Pasalamat ka sa'kin. Gago ka.” pagmamayabang pa sa'kin ni Faye.

Akala mo naman inutusan ko siya. Tangina. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tumingin ako kay Raven na nasa likod ko. Nakatingin lang siya sa mga estudyanteng nag-eenjoy habang ang mga kamay niya ay nakapamulsa. Kahit nasa likod ko siya ay amoy na amoy ko ang pabango niya. His scent is so manly.

I don't know pero attracted ako sa payat na matangkad and he's like that. He's not snob. He's a nice guy, kaya lang we're not that close, nag-uusap lang kami like we just know each other as classmates. Nothing more, nothing less.

We are in Grade 9 now. 2 years na ang feelings ko sa kanya! I don't know kung crush pa ba ito or kung ano na basta ginagawa ko lang siyang inspirasyon sa mga bagay-bagay.

“Zuki.” pagtawag niya sa'kin.

Nabitawan ko ang phone ko sa pagkakataranta. Agad naman niya itong pinulot at inabot sa'kin. Nahihiya 'kong kinuha iyon ng hindi tumitingin sa kanya.

“B-bakit?” Damn it! Nauutal pa ako.

“Picture?” tanong niya.

Dahan dahan na lang akong tumango kasi nakakahiya naman kung tatanggihan ko pa 'di ba? Kainis 'tong si Faye! Sasabunutan ko 'to mamaya.

Pumwesto na kami ni Raven. May social distancing pa kaming dalawa na akala mo naman may sakit kami.

“Maglapit naman kayo kahit konti!” sigaw ni Faye habang hawak ang phone ni Milee na gagamitin pang-picture samin.

“Gaga! Bakit phone ko ang gamit mo? Phone na ni Zuki para naman hindi ma-delete.” ani Milee sabay kuha ng phone ko na hawak ko.

Inirapan ko sila at nilakihan ng mata. Grabe! Ang tagal naman kaming picture-an. Feel na feel ko ang init at pamumula ng pisngi ko.

“Lapit sabi!” Sigaw nanaman ni Faye.

Umusog ako ng konti para naman sumaya 'tong babaeng 'to. Gustong gusto ko ng magpalamon sa lupa! Nakakahiya talaga! Pinagtitinginan pa kami ng mga estudyante.

May konti pang space sa gitna namin ni Raven kaya nagulat ako ng dahan-dahan siyang lumapit. Mas naaamoy ko tuloy ang pabango niya!

“Sorry for being too close.” biglang sabi niya.

“Ah h-hindi, okay lang.” kinakabahang sagot ko.

Tumingin na kami sa mga pinsan ko para matapos na 'to. Ngumiti kami sa camera kahit sobrang awkward for me.

“Oh! Wacky naman.” gatong pa ni Milee.

I don't have a choice but to pose. I was making a peace sign when Raven put his two hands on my head, making a horn!

“Okay na. Thank you, Raven!” nang-aasar na sabi ni Faye.

Tumango naman si Raven sa kanya at tumingin sa'kin. Kinuha ko ang phone ko kay Faye at tiningnan ang pictures.

Ang awkward ng ngiti ko sa una and the other one is blurred! Buti nalang may matino kahit papano. The wacky pose is cute tho, parang walang awkwardness.

“Zuki.” tawag sa'kin ni Raven.

I looked at him and smiled, “Yep?”

“Can you send those pics to me?”

And then my heart keeps on beating like it's going to explode because of what he said.

Embracing The Beautiful Moon (Belleza Series #1)Where stories live. Discover now