Chapter One

48 7 2
                                    

Normal classes resumed because our foundation day just ended. It's our lunch time today and I'm eating with Faye. As I said, Milee is one year older than us, so she's in Grade 10 now. Our lunch break has different time, that's why she's not with us.

“Nag-text sa'kin si Milee, nagpapabili ng sandwich.” sabi ni Faye sa'kin habang nakatingin sa phone niya.

I looked at the book that I'm holding and just nodded at her.

“Sige na. Bigyan mo na, baka nagugutom na 'yun doon.”

“Saglit lang 'to, ipupuslit ko lang.” natatawang sabi niya at umalis.

Ganito talaga kami minsan dahil 12 noon ang lunch ng Grade 7 to 9 habang 1pm naman sa Grade 10 to 11. I'm sure na gutom na sila.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi pinagsabay-sabay ang lunch break at break time ng bawat grade rito samin. Maybe we are too many to be handled by the cafeteria. Ewan.

Nilabas ko ang binder ko at chineck ang names ng groups para sa performance task namin sa english. Last week, our professor announced that we're having a role play for this quarter's performance task. It's divided into two groups. Dalawang play ang i-aact namin. It's Romeo and Juliet and Pocahontas.

I took notes of the members in each group because I'm the Governor of our class. I know, this is a secretary's job but I just want to make sure that this performance task will be clean.

Romeo and Juliet Leader:
Keisha Mizuki Belleza

Pocahontas Leader:
Raven Ysrael Silva

Of course! Siya ang leader ng Pocahontas dahil siya ang Vice Governor ng room namin. Thank God, we're not in the same group, kung hindi ay sobrang awkward nanaman para sa'kin! Sobrang nahihiya pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari noong foundation day!

I looked at the members names and sadly, Faye is in the Pocahontas group.

As the leader, ako ang pumili ng script writer and pipili kung sino ang gaganap. Of course, hindi na sila tatanggi kung i-assign ko sila dahil para sa grade naman namin ito. 'Yung backdrop kaming lahat na lang ang gagawa dahil need ng man power non.

I was busy writing and thinking when a guy approached me, tumabi pa sa akin ang mokong. I looked at him at napa-irap na lang ako.

“Hello, Zuki!” naka-ngiting bati niya sa akin.

Guess who? It's the guy who's wearing a plain white shirt nung foundation day!

“I don't know you.” pagtataray ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng malakas. Pinagtitinginan na siya ng mga estudyante dahil sa tawa niya. This man really love making scene and getting the attention of the people!

“Keisha Mizuki Belleza, imposible namang hindi mo ako kilala.” nang-aasar na sabi niya sa'kin.

Binaba ko ang ballpen na hawak ko at tiningnan ko siya. Tinaas ko pa ang kanang kilay ko.

“For your information, you told me that we should act like we're strangers when we are in school!”

“Hindi na ngayon. My mom texted me na you need help sa PT mo sa english?” tanong niya habang tumatawa. Kinuha niya ang binder ko at tiningnan ang sinusulat ko kanina.

“Akio, I don't need your help, okay?” pagtataray ko pa at kinuha ko sa kanya ang mga gamit ko.

Akio Eiji Takahashi is the son of my mom's best friend. They are Japanese but half lang siya because his mom is a Filipina. We are close dahil sa parents namin. He's just weird sometimes.

Sa sobrang bestie ng mga nanay namin pati pangalan ko nahaluan na ng Japanese kahit wala naman kaming lahing Japanese. Mizuki is cute tho and I love my name.

“If you need help just call me. Tutulungan kita.” Aniya. Pinatong pa niya ang dalawang paa niya sa lamesa kung saan ako nagsusulat.

Ganito kami ka-kumportable sa isa't isa. Lakas ng  topak na magsabi na mag-act daw kami na strangers dahil kaka-lipat niya ng school dito samin. Tingnan mo naman ngayon, seating pretty.

“I don't need your help nga. Matalino naman ako.”

“Pero hindi sa math.” natatawang sabi niya.

“English 'to hindi math!” naaasar na sabi ko.

“Malay mo, mali mali ang grammar mo.”

“Kapal ng mukha mo! Sino bang nag-cocorrect ng grammar mo nung elementary?”

Ang lakas neto mang-asar about grammar, e, ako naman ang pinagtatanungan niya nung elementary. Akala mo naman talaga ang galing galing mag-english e.

“Magaling na akong mag-english. Kahit mag-english-an pa tayo ngayon. Right now.” pagmamayabang niya.

Inirapan ko siya sa sobrang kadaldalan niya. Kapag siya ang kausap ko, lagi akong napipikon.

Asan na ba kasi si Faye? Dinadaldal na ako ng isang 'to rito. Ang tagal-tagal naman non. Baka naki-sit in pa 'yon ha.

“I don't talk to strangers.” pag-mamaldita ko.

“We're not strangers!”

Hindi na lang ako sumagot para matigil na siya. The more na kakausapin, the more na dadaldal ang isang 'to.

“Uy, Zuki!”

Sa wakas, dumating na ang babaeng ito! Kanina ko pa siya hinihintay na bumalik.

“Bakit ang tagal mo?”

“Nahirapan akong pumuslit e. Anlayo kasi sa bintana si Milee.” pag-eexplain niya at umupo na sa tapat ko.

“Sino 'yan?” bulong niya.

“I'm Akio Eiji Takahashi, childhood friend ako ni Zuki.” pagpapakilala ni Akio sabay lahad ng kamay niya.

Inabot naman ni Faye ang kamay niya sa mokong na 'to at nagpakilala rin.

“I'm Faith Yelena Belleza, pinsan ako ni Zuki. I didn't know that she has a childhood friend.” pinanlakihan ako ng mata ni Faye na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko.

“I understand. Hindi ko rin naman kayo nakikita rito nung elem.” tumatango-tangong sabi ni Akio.

“Sabagay, wala pala kami rito sa Pangasinan nung elementary. Ngayon lang kami lumipat ni Milee nitong highschool.” pagpapaliwanag ni Faye.

“Milee?” tanong ni Akio.

“Ah, 'yung nakausap mo nung foundation day. 'Yung pinagtanungan mo kung saan ang cr kahit alam mo naman kung saan.” pagtataray ko.

Nagtaka nga ako kahapon nung lumapit ito sa amin at nagpapansin. E alam naman niya kung saan ang comfort room!

“Gusto lang kitang asarin non.”

“Nakakainis k—”

Natigil ako sa pagsasalita ng may kumuha ng wrist ko at hinila ako palayo. Ano ba naman. Hindi naman ako maleta ah.

“Excuse me?” sigaw ko habang patuloy pa rin ang paghila niya sa akin.

Tumigil siya at binitawan ang wrist ko. Tumingin siya roon, namumula ito dahil sa pagkakahawak niya sa'kin kanina. Gosh!

Si Raven! Ano bang ginagawa nito rito? Nafifeel ko na ang awkwardness. Anong eksena ba 'to?

Kinalma ko ang puso ko at tumingin ako sa kanya kahit naiilang ako. Ang saya saya ng puso ko pero hindi ko maipaliwanag kung bakit.

“Bakit mo ba ako h-hinila?”

I'm trying my best na hindi mautal pero ang hirap lalo na kung siya ang kaharap at kausap! Damn this heart! Tibok pa rin ng tibok.

“Wala lang.” he said casually.

“Huh?” hindi makapaniwalang tugon ko.

“You still didn't send those pictures of us that we had been taken nung foundation day. I'm here to get it from you.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Embracing The Beautiful Moon (Belleza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon