Chapter XXXII

898 68 3
                                    

Yana's P.O.V.

"Ganito kasaya sa lugar na 'to kapag bisperas ng fiesta nila. Nakikita ninyo naman ang ngiti sa labi ng mga tigarito. At kahit uunang beses ko pa lang na ma-experience ang fiestda dito sa Barrio San Vicente, feeling ko... Taon-taon na ako nandito para sa fiesta nila. So mga bebelab ko, lipat muna tayo sa ibang restaurant na makakainan. At sisiguraduhin ko na magugutom kayo sa mga susunod na makikita ninyo. Salamat sa mga nanood nitong live ko. Bye!" Kumaway ako sa cellphone na hawak ko bago ko iyon binaba. Nang makalayo ako kanina kay Junica ay nagsimula na akong mag-vlog at mag-live sa social media account ko. Mas gusto ko munang solohin ang oras ko kasi parang ang weird niya kanina.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapabuntong hininga nang makita ko ang views nang naging live video ko sa instagram.

72 views. 72 lang ang naood out of my 6,738 followers sa Instagram. Hay. Ano pa bang bago?! Palagi namang ganito ang mga live ko sa kahit na anong social media ko. Mas marami pa nga ang views ko ngayon kumpara sa dati na nagla-live ako. Ilang taon na akong vlogger, pero ang subscriber ko sa Youtube, wala pa sa 30 thousand. Kung hindi ko pa sinama sa last upload ko na video ang weird na si Junica, hindi aabot ng 90 thousand views no'n at hindi madadagdagan ng ilang libo ang subscriber ko. Iyon din ang video ko na may pinaka-maraming views sa lahat. Kaya naman kahit nawi-weirduhan talaga ako sa kanya, pnipilit ko siyang isama sa mga vlog ko. Alam ko naman kasi na siya lang talaga ang gustong makita ng mga subscriber ko. Puro siya kasi ang request sa comment section ng mga live video ko. Gusto raw ulit nilang makita si Junica, marinig ang boses nito at baka raw pwede na gumawa rin ito ng sariling account sa Youtube.

Wow 'di ba?!

Sinama ko lang sa vlog ko, tapos pinaggagawa na siya ng sarili niyang YouTube account?! Kairita talaga! Kaya nga kahit hindi ko naman talaga siya feel kasama, dumidikit pa rin ako sa kanya. Ang bilis kasi humakot ng like at heart react kapag nagpo-post ako ng update o picture na kasama siya. Nagta-tyaga ako na makasama siya kahit hindi ko siya feel. Masyado kasing weird, moody at parang may kung ano sa kanya na nakakatakot. Ewan! Hindi ko maintindihan. Oh baka gano'n lang talaga ang mga writer.

Pangarap ko rin na maging writer dati pa. Mas naging pangarap ko 'yun nang makita ko kung gaano kasikat sa social media si Junica. Gano'n kasi ang gusto ko para sa sarili ko. Gano'n ang gusto kong kasikatan. 'Yung lampas 100 thousand ang followers ko sa mga social media account ko. 'Yung kahit saan ako pumunta, kilala ako ng mga bebelab fans ko. 'Yung matatawag ko na ang sarili ko na legit na influencer at vlogger dahil may fan club na ako.

At pakiramdam ko, mangyayari lang 'yun kapag naging writer ako kagaya ni Junica. Kaya nga panay ang dikit ko sa kanya kasi alam ko na matutulungan niya ako. Pwede akong magsimuling sumikat kapag prinomote niya na ako at ang mga isusulat ko. Alam ko na siya lang ang makakatulong sa akin. Siya at ang mga sinusulat niya.

Kaya lang ang weird talaga niyang kasama. Ang weird niyang kausap. At hindi ko kayang i-take lahat ng ka-weriduhan niya lalo na no'ng ipakilala niya sa akin si Ivan. Hindi ko alam pero bigla akong nailang sa kanya.

Sa kanilang dalawa.

Natakot ako.

Nakakatakot siya.

Nakakatakot silang pareho.

"Yana!"

Huminto ako sa paglalakad at nalingunan ko si Junice na naglalakad na palapit sa akin. Pinigilan ko ang sarili ko na na mapangiwi at umikot ang mga mata. Naisip ko nang iwasan ulit siya pero mukhang kailangan kong magpakabait muna sa kanya sa ayaw at sa gusto ko. Magla-live ulit ako mamaya na kasama siya. Sigurado ako na madadagdagan ang views ng live video ko. Magagamit ko pa si Junica para sa sarili ko. Mapapasikat niya pa ako.

"Oh, Junica? Akala ko nakauwi ka na kanina p?" nakangiting tanong ko. Iniwasan ko siya kanina kasi nagulat ako sa biglang pagsulpot niya sa harap ko. At sa totoo lang, ang creepy ng mukha niya ng mga oras na 'yon. Para siyang may kinatataukan na kung anong bagay o tao. Pero medyo okay na ako ngayon, kaya ko na ulit makipag-plastikan sa kanya. May gusto pa sana akong sabihin nang bigla na lang niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko at sinimulan akong hilahin. "A-aray!Junica, bitawan mo ang kamay ko."

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas humigpit ang hawak niya sa akin.

"Halika, sumama ka sa akin," sabi niya.

Pawisan na ang noo niya, medyo magulo ang buhok at garalgal ang boses. Mas lalo siyang nagiging weird sa panignin ko. Mas lalo tuloy akong natatakot sa kanya.

"Teka, saan mo ba ako dadalhin?!" nagpapalinga-linga ako sa paligid. Lumalayo na kasi kami mula sa mga tao.

"Sa apartment ko."

"A-anong gagawin natin sa apartment mo?" muling tanong ko.

"May ipapakita ako sa 'yo." Hinihingal na sagot ni Junica habang patuloy siya sa paghila sa akin. "Ipapakita ko sa 'yo na totoo ang mga sinasabi ko tungkol sa pamilya ng mga baliw. Ipapakita ko sa 'yo ang putol na kamay ni Carla. Nando'n 'yun... Sa apartment ko."

Napalunok ako sa sinabi niya. Si Carla ang teenager na matagal nang nawawala dito sa Barrio San Vicente. Pero alam ko namang hindi talaga siya nawawala, nakipagtanan lang siya sa boyfriend nito na madalas kong nakikitang kasama nito noon. Pilit na akong nagpumiglas at nagawa ko nang bawiin ang kamay ko mula kay Junica. Hindi ko na kayang tiisin pa ang kabaliwan niya. Sa lugar na ito, isa lang talaga ang kilala kong baliw. Si Junica 'yun!. "Pwede ba, Junica! Tumigil ka na nga! Mukha ka nang tanga eh."

Nagawa ko nang mabawi ang kamay ko at pareho kaming napahinto sa paglalakad. Humarap siya sa akin na medyo naluluha ang mga mata. "Yana, please naman oh. Maniwala ka sa akin. Totoo ang mga sinasabi ko. Totoo na pinatay si Carla ang pamilya nina Kristine!"

"Oh ngayon, nandadamay ka pa ng ibang tao?! Alam mo Junica, pagod na talaga akong intindihan 'yang tuliling mo! Kaya pwede ba! H'wag mo na akong idamay d'yan sa kabaliwan mo kasi hindi ka na nakakatuwa!" inis na sabi ko sa kanya.

"Yana, gusto lang din naman kitang iligtas mula sa kanila. Alam ko na pwedeng pati ikaw eh mapahamak ng dahil sa pamilya na 'yun. Kailangang kitang -"

"You shut up! Okay?!" sigaw ko. Mabuti na lang at medyo malayo na kami sa mga tao. Sa totoo lang ay dinadaan ko na lang sa pagtataray ang kabang nararamdaman ko dahil sa kakaibang kinikilos ni Junica. Baka kasi mamaya kapag sumama ako sa kanya, lalo lang akong mapahamak. Paano pala kasi kung si Junica ang totoong baliw dito sa Barrio San Vicente? Ayoko pang mamatay dahil gusto ko pang sumikat. Sisikat ako na kagaya niya. Magagawa kong maging mas sikat kumpara sa kanya. "Kung gusto mong mag-ala- Nancy Drew sa lugar na 'to, h'wag mo na akong isama! Dahil wala rin naman akong pakialam sa Carla na 'yon kung buhay man o patay na siya!"

"Hindi mo kasi naiitindihan eh. Yana, pati ikaw... Nasa panganib ang buhay mo. Kailangan na magtulungan tayo ngayon!"

"Kaya ko ang sarili ko! Alam mo Junica, kung may baliw man sa lugar na 'to... Hindi sina Kristine 'yun eh. Ikaw! Ikaw 'yun! Kaya subukan mo pa na sundan ako, ipapapulis na talaga kita at sasabihin ko sa kanila na idiretso ka nila sa mental hospital!"

AHindi ko na siya hinintay pa na makapagsalita at kaagad na akong umalis sa harapan niya.  Nanggigigil pa rin  ako sa mga sinabi niya sa akin na puro ka-weirduhan lang. Hindi pala talaga nakakatuwang magkaro'n ng kaibigan na writer. Napaisip tuloy akong habang mabilis na naglalakad patungo sa madilim na bahagi ng gubat.

Nakababaliw ba talaga ang magsulat at maging isang manunulat?

RecursionWhere stories live. Discover now