Chapter II

2K 154 9
                                    

Nang maisarado ko ang pinto ay inilibot ko ang mga tingin sa buong kwarto. Malaki iyon at pwede pag-stay-an ng hanggang apat na tao. May sarili ring banyo, maliit espasyo para sa kusina kung saan ay may divider na nakaharang, maliit na lamesa sa may tabi ng kama, at ang pinakapaboritoko sa lahat ay ang sulok na malapit sa bintana. May isa pa kasing lamesa do'n at swivel chair. Tamang-tama para sa ipinunta ko sa lugar na ito. Ang pagbabakasyon at pagsusulat.

Dumiretso ako ng upo sa may gilid ng kama kasunod ang pagbukas ng hindi kalakihang maleta na dala ko. Sinimulan ko na ring ilabas ang mga gamit ko mula doon. Mga isang buwan lang naman ang plano ko na manatili dito. Siguro naman ay sapat na ang mga dala ko para makapag-isip o simula ako ng isang bagong nobela.

Kilala ako bilang isang sikat na nobelista sa Maynila. Mga madudugong nobela na kung hindi brutal ang pagpatay na nangyayari sa mga character, ay hanapan naman kung sino ang totoong pumapatay at sino ang mga totoong biktima. Sa totoong buhay kasi ay maraming demonyo ang nagpapanggap na anghel at maraming inosente ang napagkakamalang kriminal. Kaya ang gusto ko ay alisan sila ng mga maskara kahit sa sariling mundo ko man lang.

Karamihan din sa mga libro ko ay naisa-pelikula na rin. Pagdating sa katatakutan, hindi iyon masyadong tinatangkilik sa pelikula lalo na dito sa Pilipinas, pwera na lang kung sikat ang mga artista na gumaganap. Kaya hindi ko alam kung paano nagiging blockbuster ang mga isinusulat ko kahit hindi sobrang sikat ang mga artista lalo na no'ng umpisa. Hanggang sa mga sikat na direktor at producer na ang kumuha ng mga nobela ko, sikat na rin na artista ang mga gumanap sa mga character na dati ay nasa loob lang ng isipan ko. Mas lalong naging mabenta ang movie adaptation ng mga nobela ko. Ang sabi nga nila, kapag narinig daw nila na mula sa librong isinulat ni 'Junica Alcantara' ang upcoming horror movie, kahit sino pang artista ang gumaganap ay paniguradong blockbuster na naman iyon.

At sa mga sumunod na libro ko ay mas lalo akong nakilala dahil sa pagiging best seller nito sa mga bookstore. Palaging in demand at out of stock. Kaya lalo ring pinag-aagawan ng mga kilalang producer ang mga sinusulat ko.

Pero nitong nakaraang taon lang ay bigla na lang akong nagising na parang hindi ko na alam kung ano ba ang susunod kong isusulat. Akala ko no'ng una ay tinatamad lang ako at kailangan ko ng pahinga. Minsan na rin kasing nangyayari sa akin 'yun. Pero ang ilang araw na pagkatulala ko sa harap ng laptop ay umabot ng mga linggo at buwan. Hanggang sa wala na akong na-release na libro sa taon na 'yon. Sobra rin ang panghihinayang ng publishing company kung saan ako nagsusulat dahil marami ang nag-aabang sa susunod na nobela ko. Kadalasan kasi ay nakakatatlong labas ako ng libro sa loob ng isang tao. Pero nitong nakaraan, wala talaga ni isa.

Pero pinilit ko naman eh, sadyang wala lang talagang mapiga na kahit na ano ang isipan ko. Naging moody rin ako at halos wala ng kinausap na mga kaibigan o kakilala sa writing industry. Hanggang sa madala ko na rin niya iyon sa loob ng bahay namin. Naging mainitin ang ulo ko na dinagdagan pa ng ilang beses na pagre-remind sa akin ng mga magulang ko tungkol sa visa application ko, na sila lang naman talaga ang may gusto. Dati pa kasi nila ako pinapasunod sa tita ko na nasa Italy. May negosyo kasi sila do'n na gusto nilang ako ang magpatuloy kahit wala naman akong kahilig-hilig pagdating sa gano'ng bagay.

Ang ilang buwan na hindi ko pagsusulat ay umabot ng mahigit isang taon. At nitong nkaraang buwan lang ay nakita ko sa internet ang tungkol sa Sitio San Vicente. Isang maliit na bayan sa Norte na hindi masyadong kilala pero masarap pagbakasyunan dahil sa tahimik na lugar, mapunong paligid at mababait na mga tao. At ng mga oras na 'yun ay gumaw ako ng desisyon. Lalayo muna ako para makapagsulat.

Napahinto na ako sa ginagawa kong paglalabas ng mga gamit. Nahawakan ko ang isang picture frame kung nasaan ang litrato ko kasama ang mga magulang at nakababata kong kapatid na si Angel. Wala sa loob na napangiti ako. Nakaka-miss na kaagad sila. Lalo na ang kapatid ko.

RecursionWhere stories live. Discover now