Z. M 36

286 16 0
                                    

Apple's POV

It's 11pm and hindi pa rin ako makatulog

Nasa dining area ako kasama si Joseph na nagbabasa ng libro tsaka si Bree na nagccellphone lang

"Ahh, ang boring" sabi ko at sinalampak yung mukha ko sa lamesa

"Alam mo magandang gawin? Lumabas ka tas kumuha ng mga supplies" simpleng sabi ni Joseph na agad ko sinangayunan

"Oo nga noh? Papasama ako sa iba, salamat sa idea Joseph!" masigla kong sabi

"Hoy, joke lang! Gabi na masyado!" sigaw ni Joseph pero hindi ko pinansin

"Mga grupo ni Zenaya, masyadong matatapang, sa susunod kasi mag suggest ka ng hindi tinetest katapangan nila" dinig ko na sabi ni Bree habang tumatawa pa

Agad ko pinuntahan si Jabez sa main frame ni Jaguar

Saktong gising naman siya kaya agad ko kinausap

"Hoy, labas tayo, kuha tayo ng supplies na pwedeng kunin" sabi ko kay Jabez

Kumunot naman yung noo niya

"May sapak ka ba? Gabi na masyado" sagot niya

Agad ko naman siya tinarayan

"Kukuha lang naman tayo ng supplies, tsaka may mga bata tayong kasama, kailangan nila ng vitamins tsaka gatas" sabi ko

"Mansanas, nagdadahilan ka lang, bored ka lang tigilan mo ko" sagot niya

"Tsk, ako nalang lalabas magisa" sagot ko at tumayo na

"Hoy, eto na nga sasama na" sabi ni Jabez tsaka ako hinila sa kamay

"Maghanap muna tayo ng malapit na store" suhestyon niya na ikinangiti ko

"Wiiee, salamat" sabi ko sakaniya na ikinailing niya lang

"Dinig ko kayo sa kwarto, oh, eto baka may madaan kayo" sabi bigla ni Max tsaka inabot yung papel

Kinuha ko naman yun at binasa

"PMS? Alright, ako na bahala" sabi ko kay Max

"Salamat ng marami" sabi niya tsaka bumalik sa kwarto niya

"Here, may malapit na convinient store, ten minutes away from our location" sabi ni Jabez

"Tara, puntahan natin sina Hans at Royce, baka may kotse sila na pwedeng invisible" aya ko kay Jabez

Agad namin pinuntahan sina Royce parking lot dahil don nakapark yung customized van

"Eyy, may kotse ba sa summon watch niyo na pwedeng maging invisible?" tanong ko agad pagpasok ko sa van

"Etong van, bakit?" tanong ni Hans

"Etong prutas na toh gusto lumabas para kumuha ng supplies" singit ni Jabez na kakapasok lang

Tumawa naman yung dalawa

"Samahan nalang namin kayo" prisinta ni Royce

"You sure?" tanong ko sa dalawa

"Yeah, para may backup kayo" sabi ni Royce

"Alright, tara" aya ko

Nagsimulang mag drive si Hans palabas ni Jaguar

"Here, follow its GPS" sabi ni Jabez at inabot yung tablet na hawak niya

Tahimik lang kami bumabyahe papunta sa convinient store

ZOMBIE MAZE 2Where stories live. Discover now