Z. M 42

277 15 1
                                    

April's POV

~October 30, 2017, 10:30am~

As usual, naghahanda kami ni Gian ng makakain namin para sa pananghalian

Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Zenaya tsaka Migs

Baka naghahanap na sila ng paraan para makalabas dito sa maze

Hindi na rin bumabalik yung mga zombies kaya ginagawan nalang namin ni Gian ng paraan para paramihin yung pagkain na available samin

"Antagal naman ni lider, ikaw kase eh mukha kang tanga sarili mong pinsan inaaway mo" iritang sabi ni Zyhriel

"Kasalanan ko pa talaga? Eh kayo nga tong ang papanget ng ugali pagdating kay Megan" sabi ni Joey

"Oh eh bakit? Sinong hindi papanget ugali sa babaeng yan kung muntikan ka na masaksak niyan ha?" sabi ni Zyhriel

"Nasaksak ba ko? Hindi naman diba?" sagot ni Joey

"That's enough, kumain nalang kayo" singit ko

Agad naman sila lumapit samin at kumuha ng pagkain

"Sila?" tanong ni Gian habang nakaturo kina Gela

"Hayaan mo nalang, may biscuits pa naman sila" sagot ko

Lumapit ako sa pwesto nina Kaila

"Oh? Bat di ka pa kumakain? Kain na" sabi ni Kaila

"Mamaya na ko busog pa ko eh" sagot ko

Nakatingin lang ako sa paligid

Sa ilang araw na nandito kami, maliban kay Kyrelle, wala nang ibang tao yung lumapit samin at kumausap

Marahil takot sila o sadyang umiiwas lang sila

Sa kabilang side naman kung asan sila Gela, ilang araw na din sila nanghihina

Biglang may pumasok sa isip ko

"Diba sabi ni Zenaya yung mga nasa left side is magiging zombie na? Eh almost four days na hindi pa din sila nagiging zombie" sabi ko kina Kaila

"Diba sa Palawan na maze yun?" sagot ni Ivann

"Oo nga pero halos parehas lang din naman yung itsura" sabi ko pa

"Oo nga noh? Baka naman may kung anong hangin nasa kabilang side kaya mabagal yung pagkalat ng virus sa katawan nila?" tanong ni June

"Oh my god!" agad kami napatingin nang marinig namin yung sigaw ni Cristelle

"Puta, hindi ka ba nakatingin sa dinadaanan mo ha!? Napakainit nyan oh!" sigaw ni Zyhriel kay Megan

Natapon ni Megan yung sabaw sa mga hita ni Cristelle

Sobrang init pa naman non kasi hindi namin tinanggal ni Gian sa ulingan para may pwede kaming kainin kahit sabaw na mainit lang

"S-sorry, hindi k-ko sinasadya" nauutal na sabi ni Megan

Biglang tumayo si Kaila

"Huy san ka pupunta?" tanong ni Carl pero hindi niya pinansin

"Nung una muntik mo na masaksak si Joey tas ngayon ginanyan mo si Cristelle, anong trip mo sa buhay ha?" sabi ni Kaila

"Anong nangyayari dito?" singit ni Joey

"Oh eh etong magaling mong girlfriend tinapunan si Cristelle ng kumukulong sabaw" iritang sabi ni Zyrhiel

ZOMBIE MAZE 2Where stories live. Discover now