Chapter 43:
YUNA
"Oo, On the way na ako medyo natraffic lang." Sagot ko kay Reggie. Sya ang Bestfriend ko at pinsan narin.
"Siguraduhin mo lang. Nagmumukha ka ng desperada dyan sa lalaki mo eh."
"Okay. Okay. Patayin ko na ha?" Pagpapaalam ko.
End Call....
Contacts....
Mendoza Honey
09333339222Calling....
"Hello?" Bungad niya.
"Malapit na ako. Nasaan ka na ba?" Tanong ko kay Christian.
"Agad? Ang bilis naman. Nasa Canteen na ako patapos ng kumain. Nadala mo ba lahat?"
Tinignan ko ang ecobag.
"Oo, lahat ng nasa text dala ko na." Nakangiti kong sabi.
"Text ka nalang kapag nandito ka na."
"Sige sige. I Love Youu----"
Bigla niya akong binabaan ng tawag.
"Ayos ah?" Napabuntong hininga ako sa galit. "Pasalamat sya at kahit busy ako nagawa ko pang daanan sa bahay nila ang projects niya." Reklamo ko pa.
Pinatay ko na ang makina at lumabas na sa Sasakyan.
Sobrang init, nakalimutan ko pa sa Sasakyan yung payong ko.
Sobrang daming studyanteng nakakalat.
Tinignan ko ang relo ko at 12:45 PM na.
"Ayshhh...." Bulong ko sa sarili. Minadali ko lalo ang paglalakad ko.
"Ahhhh"
"Hala? Sorry po!" Agad kong hingi ng paumanhin. Yung laman ng maliit na kahon ay nagkalat.
Ano ba kase ang pinapagawa sa kanila.
"Sorry Miss." Tinulungan ko rin syang tumayo kahit na nakaalalay na sa kaniya ang lalaking kasama niya.
"Ayos lang." Wika ng babae.
"Bea, may sugat sa kamay mo." Wika ng lalaki.
"Huh? Ayos lang yan. Maliit lang naman. Ayos lang Miss, Alis na kami ha?" Sabi ng babae at tumuloy na sa paglalakad.
"Hoy Riley! Habulin mo nga si Perez, tatakas na naman eh! Alam ng Cleaners!"
"Anong Cleaners? Eh ang tinatakasan niyan si Lemuel." Sabi ng isang babae.
Matapos kong panoorin ang eksena nila ay pinulot ko na ang mga laman ng kahon at lumakad na. Hinarangan pa ako ni Guard sa Gate at binigyan ng form na sasagutan para makapasok.
Imbis na suotin ko ang Visitor Pass ay binitbit ko nalang Ito.
"CJ!" Malakas na sigaw ko sa pangalan niya.
Agad naman siyang napatingin sa kinatatayuan ko at lumapit. Iniabot ko sa kaniya ang mga bitbit ko.
"Kumain kana ba?"
Tumango ako.
"Ayan lang ang pinahabilin mo ha? Baka sabihin mong may wala diyan."
"HAHAHA okay, ayos. Salamat nga pala, naisturbo pa kita." Napakamot ito sa ulo.
"Ano ka ba! Ayos lang. Mga kaibigan mo ba sila?" Turo ko sa mga kasama niya sa likuran.
"Ah oo, mga kaklase ko nga pala." Umurong si Christian sa tabi ko para makita ko ang mga kasama niya.
Puro babae. Meron namang lalaki pero mukhang gay pa.
"Hello." Masayang bati ko sa kanila at tumango pa, akala mo naman e nasa Korea para yumuko pa.
"Siguro nanunuod 'to ng mga Drama. HAHAHAHA hello! Ako si Elizabeth! President ng Classroom. Ito naman si Axel, kaibigan yan ni Mendoza at minsan lang nagsasalita tapos sya naman si Addison, Adi for short." Mahabang sabi ni Elizabeth.
"Nice to meet you." Mahinhing sabi ko.
"Mabait naman pala ang mapangangasawa ni Mendoza. Salamat Ateng Ganda! Niligtas mo kami sa projects namin!" Wika ng isang babae.
"Ah, siya nga pala si Ashley. Medyo Nerd tapos feeling introvert sa Classroom." Pagpapakilala ni Eliza. Tumango nalang ako ng tumango.
Umalis narin ako ng tumunog ang bell nila.
Dumeretso na ako sa school ko at nadatanan kong namumula na sa galit ang pinsan ko.
"Reggie!!!" Sigaw ko dito.
Inis niya akong tinakbuhan sa kinatatayuan ko. Para syang pilay dahil sa mataas niyang heels. Nasa school na kami, Lobby ng school.
Isa akong humanista students o kaya HUMSS student. Ang ibigsabihin Ng HUMSS na strand ay Humanities and Social Sciences Strand.
Akala ko walang Math dito pero meron pala. Nascam ata ako doon ah?
"Memorize mo na ba Speech mo mamaya? Kinakabhan parin ako." Sabi ni Reggie habang humihigop pa sa kape niya.
"Itigil mo muna kaya yang pagkakape mo. Baka himatayin ka niyan mamaya."
"No, hindi ako makakapag present kapag walang kape."
"O, edi ikaw. Bahala ka. Baka mamaya nandon Crush mo."
"Sino sa kanila?"
"Si ano... Yung Future Engineer mo."
"Ah si ano? Wala, di ko na yon crush. Nakakaturn off, ang dami palang babae non sa GAS na strand."
"Eh?"
"Oo, Alam mo naman pag GAS students diba? Lahat nasa kanya na. Eh ano pa kaya ako? Ang kaya ko lang iambag ay Ang paggawa ng speech niya, Powerpoint o kaya essays."
"Wag mo ngang maliitin ang pagiging HUMSS mo."
"Tss.. mabuti ka pa may 'The One' na agad. Kamusta na nga pala kayo? 3 weeks na kayong nasa bahay nila ah? Kailan kasal?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ko naman ginusto na magpakasal don eh, atsaka kapag feeling ko napipilitan din yon." Ani ko.
"Malamang sa malamang napipilitan yon. Eh kung tanungin mo kaya mga barkada non kung sino yung Girlfriend niya? Malay mo meron tapos naghiwalay lang dahil sayo?"
"So ako talaga yung may kasalanan?" Turo ko sa sarili ko.
"Yuna naman ang slow mo talaga. Tignan mo ha? Ikaw, kaya ka sa kaniya pinapakasal para lalong yumaman ang angkan natin right? Hindi mo kasalanan yon dahil parents mo ang may gusto niyan. Wala kang kasalanan dahil nga may kumokontrol sa buhay mo. Ang akin lang, sayang kayo ni Daniel. I mean, Mahal niyo ang isa't isa diba? Atsaka may ibinunga nga ang pagmamahalan niyo e, kung hindi lang nalaglag---"
"Reggie!"
________
"Raise your hands if you like eating mangoes or banana?" Panimula ko.
Seryoso, nawala na talaga yung pangarap ko.
Nasira yon ng nalaman ni Papa na nabuntis ako ng isang anak ng negosyante na kaaway niya.