Chapter 23: The wheel on the bus -joke-

276 45 30
                                    

Chapter 23

Pagkatapos kong mag drama at umarte sa banyo ay agad akong nagbihis ng uniform kong P.E dahil late na pala ako sa Flag Ceremony. Halos takbuhin ko na ang daanan ng mga jeep buti nalang at may mga kasama rin akong studyanteng galing sa ibat ibang school. Binuksan ko ang phone ko at nagreview para sa quiz mamaya.

Kahit na bobo ako at alam kong sobrang slow ng utak ko ay nagreview parin ako. Sobrang hina ko sa Math lalo na sa mga history! Wala eh, sobrang dami kase ng mga pangalan tapos kasama payung mga B.C.E

“Para po” sambit ko sa driver. Buti nalang at hindi bingi si manong driver, nasa pinaka duluhan kase ako ng upuan ng jeep eh. Agad akong bumaba at nilagay ang bag ko sa harapan ko.

Hindi ko manlang napansin na umaambon, kaya tumakbo ako papunta dun sa may mga tindahan. Buti nalang at may masisilungan ako.

Agad kong kinapa ang bulsa ko para kumuha ng payong nang biglang. .  May naramdaman akong mga barya barya. ‘Shit! Don’t tell me na hindi ako nakabayad kanina sa jeep?’ nagpipigil kong sabihin.

Malamang baka kapag sinabi ko sa bibig ko ay may makarinig tapos tignan pa ako ng masama eh. What-the-fvck! Ibigsabihin hindi ako nag abot kanina ng pera kay manong driver?

“Patay na….. bahalana! Hindi nalang ulit ako sasakay dun sa jeep nya” sambit ko pa sa sarili ko at nag simula ng mag lakad. “Shemay nakalimutan ko pang mag dala ng Payong at Jacket” dagdag ko pa.

Sobrang lamig tapos naka tshirt lang ako ng P.E! Buti nalang at naka sando ako kaya hindi medyo bumabakat yung ano… basta yon! Minsan kase nakakalimutan kong mag sando eh. Pabayaan mo na wala namang makikita dahil. Flatchested daw ako! O anong masama don! Bwiset!

“Oh Happy Birthday nga pala!” ani Trixie at nag simula na naman silang kumanta ng “HAPPY BIRTHDAY TO YOU!”

“Tapos na ang birthday ko ano ba!” inis sa singhal ko sa kanila pero patuloy parin sila sa pagpapalakpak ang iba naman ay pabulong nalang kumakanta.

“Heps! Alam ko na kung anong pangalan ng Escort mo! Kaso naka private yung IG nya tapos Twitter eh sa facebook naman puro shared post ng memes” sambit ni Mayora.

Pinagtaasan ko nalang sya ng kilay. “May jowa kana ah? Baka gusto mong isumbong kita don”pananakot ko sa kanya. Meron na nga syang college eh.

“Hmm… wala rin naman ‘yong pake sakin eh” aniya pa.

“Ang drama mo! Purket hindi kalang sinamahan nung debut ni Bea ay wala na syang pake sayo. Mabuti nga at bumabawi sya ng time eh. Alam mo namang College na ‘yong jowa mo malamang marami syang homeworks tapos reporting tapos etcheterang ganon” ani Stella.

“Hindi sya pumunta??”nagtataka kong tanong. Kaya pala nung pictorial nang mga bisita, basta! Yung bago sila kumain ay nag picture picture kami tapos by table pa naman ‘yon.

“Hindi mo rin napansin? Ako rin eh… kaya pala walang kagana ganang kumain ‘tong bruha” ani Charlotte.

“Maka bruha akala mo naman eh hindi sya nagsuka nung uminom ng san mig! San mig lang ‘yon bebe pero nag suka!” pangaasar na bawi ni Mayora.

“Hindi naman kase ako lasingera at first time ko lang umubod ng isang bote, napasarap kase gawa ng apple flavor eh” aniya.

“Tsss… dyan na nga kayo” ani Gracelynn at lumayo na sa amin.

“Ang drama talaga ni Grace tsk, ayaw nalang intindihin ang jowa nyang college. Mag jojowa ng college tapos grrr! Malamang tambakan din sila!” ani Trixie.

“Sa sobrang busy ni kuyang college hindi nya alam na humahanap na pala yung jowa nyang isipbata na seniorhigh na” singit ko sa kanila. Gusto kong matawa dahil sabay sabay silang bumuntong hininga at umiling iling.

          

Natapos ang dalawang subject ng sobrang gulo ng utak ko. Nag balik aral kami sa rational tapos puro bagsak kami! Bakit Rational eh accounting dapat ang pag aaralan namin? Tapos hindi manlang sila nag sasabi na ibang topic pala ang pag-aaralan!

“Ang daya! Namputa recorded pa pala yon eh hindi manlang nyang sinabi na mag babalik aral eh. Basta basta nalang syang mag popost sa board ng mga equations! Grrr susumbong ko yang kay dade kapag bumagsak ako sa subject ng matandang iyon”reklamo ni Stella.

“Papatayin ko na talaga yung matandang ‘yon kapag inulit nya pa” ani Charlotte. Napatingin naman ako kay Aria nang mapansin sya lang ata ang walang reklamo sa pinagawa ni sir.

“O bakit?” biglang sambit ni Aria dahilan para matauhan ako. Ghad! Kakatingin ko palang tapos parang galit na agad kung maka-asta.

“Hindi ka ba mag rereklamo sa pinagawa ni sir? I mean recorded kaya ‘yon tapos bagsak tayong lahat” ani ko pa sa kanya at hinuhuli ko ang kanyang reaction. Anyare dine?

“Pabayaan nyo na….. iba na talaga kapag tumatanda na, hindi na alam kung anong pinag gagawa. Malay mo nakalimutan nya lang gumawa ng powerpoint o kaya nakalimutang basahin ang idi-discuss nya kaya ayon ang pinagawa sa atin. Tsss teacher din sya ng Math sa Grade 8 eh”sagot pa nya. Napatango nalang ako. Dapat pala hindi ko nalang inimbitahan si sir! Akala ko pa naman ay excepted na ako sa long quiz nya.

“Nandon sila oh!” agad akong napaayos ng upo ng marinig ko ang boses ni Mateo. Whatda! Sasabay na naman ba sila sa amin? Ghad! Ayaw ko pang makita si Christian! Dalawang linggo ko na nga syang iniiwasan ng tingin eh! Mahirap na baka mahalata na ako ngayon ng mga kaibigan ko.

Pinag bibintangan na nga nilang may nangyari sa amin eh, gawa ng hinanap kase nila ako nung gabing iyon eh saktong hindi na ako bumalik non edi nag alala sila pero si mama ay kasabwat pala ni Christian. Kaya sinabi nalang ni Mama sa mga kaibigan ko na mag kasama kami ni Mendoza! Ack hindì nalang sinabing natutulog na ako dahil sa sobrang pagod.

“Hoy! Hahaha happy birthday Bea!” bati na naman ni Mateo! Letshe!

“Tae tae” ani Stella.

“Nehhh may epal na multo” si Mateo.

“May isip batang nakawala sa kulungan nyang stroller.” Pang aasar ulit ni Stella.

“Ayaw ko nang lumaban sa supernatural nalikha, ba ka gayumahin pa ako eh” sambit ni Mateo at naupo sa isang upuan na medyo malapit kay Aria.

Katabi ko si Aria at kaharap ko naman si Stella at katabi nya sa gilid si Charlotte. Obvious na naman na wala si Riley dahil may training sila. Maayos naman ang kinalabasan ng exams nya at puro pasado. Sana all, hindi ko kayang mag multitask eh.

“Oo nga pala Skylar pinapasabi ni Boss na  pasensya raw dahil natapunan ka nang lemonade hindi nya raw intensyon na mabasa ka pero nadulas lang daw ang kamay nya at muntik pa nga raw mabasag  yung baso eh kaso ngalang natauhan daw sya kaya----”

“Nangyari na ‘yon ano ba? Sobrang late na ng sorry nya” iritang sambit ni Aria. Omy! Ayaw na ayaw nyang tatawagin syang skylar.

“Kaya nga nag so-sorry diba? Kase nga nangyari na…. Meron bang mag so-sorry kung hindi pa nagagawa? Ano ‘yon spoiler?” ani Mateo.

“Tsss bakit ikaw ang nag sasabi nyan at hindi sya?”dagdag pa ni Aria.

“Oo nga! Nasan na ba ‘yong kaibigan nyo?” tanong naman ni Stella.

“Bakit mo hinahanap panget? Crush mo ‘no? Umamin kana tayo tayo lang din naman ang nakaka alam” pang aasar pa ni Mateo.

“Ulol! Sorry pero may iba na kaming napupusuan! Hindi ba Perez?” agad akong napatingin kay stellar at nginunutan sya ng noo.

𝙈𝙮 𝙈𝙖𝙣𝙝𝙞𝙙 𝘾𝙧𝙪𝙨𝙝 (𝑳𝒐𝒗𝒆 𝑻𝒓𝒊𝒂𝒏𝒈𝒍𝒆 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔#1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt