Beginning

32 1 1
                                    

~
Beginning

Hindi ko maunawaan kung bakit may mas angat at hindi ang mundo ng mga bampira. Sa layong gan'to nalang kung umasta ang aming mundo.

Lahat ay abala sa pamimili sa pamilihan, may mga maharlikang sakay sa karwahe at kailangan pang bigyang daan.

Isang parusa ang maging maralita para sa kanila pero di nila alam isa 'yong biyaya para sa akin. Ang maging maralita at kayang gawin ang kung ano man ang iyong nais sa buhay. Walang makakapigil sayo, malaya kang gawin ang kung ano.

"Ihatid ang mga 'yan sa dormitoryo," Utos ng aming amo, mataba ang kanyang pisngi, may bigote at malaki ang umbok ng kanyang tiyan.

"Opo pinuno." Ito ang gawain ko araw-araw, ang maghatid mg mga uling at pagkain para sa mga nagtatatrabaho sa dormitoryo.

Isa iyong kulungan, tinatawag nila 'yong dormitoryo sa di ko malamang kadahilanan. Tanging mga maharlika lamang ang may alam.

Pagkatapos ko doon ay kailangan ko ng umuwi upang makapangaso, kailangan ko ng dugo upang mabuhay.

Gano'n lamang ang takbo ng buhay ko, walang kahit anong espesyal sa buhay ko. Kontento na akong gano'n, wala na akong hinihiling pa.

Hanggang sa dumating ang isang gabi, malalim na at mahimbing na ang aking pagkatulog. Hindi inaasahang, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Kailanman ay hindi pa umulan sa mundo namin at kung uulan man ito'y aabot lamang ng isa o dalawang oras. Hindi din ito malakas katamtaman lamang, tanging kapag dadating na ang nyebe saka pa bubuhos ang ulan ngunit sa umaga naman ito mangyayari.

Isa 'yong himala, umilaw ang buong tahanan, maging ang napakalaking palasyo ay umilaw rin. Katapat lang kasi ng aming munting bahay ang palasyo sa kaharian ng Varanasi.

"Heriya, bumangon ka riyan at ihanda ko ang kagamitan tayo'y lilisan." Hindi ko alam kung bakit naging gano'n ang akto ni mama pero sinunod ko parin siya.

"Ma, saan tayo?" Kinukusot pa ni Hiraya ang kanyang mga mata tila nais pang matulog.

"Umuulan pa ina, maaari naman sigurong bukas nalang natin 'yon gawin ang paglisan." Ito nalang ang natitirang alaala namin kay ama kaya bakit biglang naging ganyan ang desisyon ni ina?

"Sundin niyo nalang ako!" Nagkukumahog siyang ipasok ang aming mga damit sa isang butas na maleta.

Hindi ko alam pero may puwersa sa akin ang nagsasabing tigilan siya sa ginagawa niya.

"Ina! May mga kawal na paparating!" Madali akong makaamoy kahit malayo ka man at makaramdam ng panganib hindi ko alam kung saan ko ito nakuha ngunit kakaiba nga ito.

"Bilisan niyo na!" Hinawakan ko ang kanyang pulsuhan pilit siyang nagpupumiglas pero nilakasan ko ang loob kong higpitan 'yon.

Ngunit sadyang mas malakas ito sa akin, napadaing ako ng tumama ang aking likuran sa aming bubong na gawa sa kahoy.

"Wag mong hayaang gawin ko ulit 'yon, Heriya!"

"Ina! Ano ba talagang nangyayari?"

"Wag ng matigas ang ulo Heriya! Sundin mo nalang ang aking utos!" Naging pula ang kanyang mga mata,lumalabas ang kanyang pangil.

"Ina, pakiusap ano bang nangyayari?!"

"Ninakaw ko ang pinakamahalagang bagay sa loob ng palasyo." Nanghina ang aking tuhod sa narinig, tila pilit na pinapasok sa isip ang kanyang mga sinasabi.

"Ang k-korona ng nawawalang...nawawalang-"

"Tumakas na tayo Heriya! Sigurado akong hindi tayo nila bubuhayin."

"Hindi ina, tumakas kayo at ng aking kapatid ako...ang tanging kanilang mapaparusahan." Pagmamatigas ko,kahit tumakas pa kami ngayon tutugisin parin nila kami at 'yon ang hindi ko hahayaan.

Mas gusto kong ako nalang ang mamatay kesa sa aking ina at kapatid tama na ang aking ama husto na iyon.

"Heriya! Sigurado akong di ka nila bubuhayin."

"Ibigay niyo sa akin ang korona, ako na ang bahala sa lahat, pakiusap tumakas na kayo." Napapikit ako, ayokong may luhang tutulo sa mga mata ko 'yon ang pangako ko.

"H-hindi iwan s-si ate," Napatingin ako sa aking bunsong kapatid.

Kailangan mong masilayan ang ating mundo, kung gaano ito kaganda kaya wag mong sasayangin ang pangalawang buhay na iginagawad ko sayo aking kapatid. Pagkausap ko sa isip niya.

"Dali na ina!" Tinulak ko sila palayo, papalapit na ang yabag ng mga kawal.

Binuksan ko ang kabinet kung saan nagliliwanag ito. Hindi siya balak dalhin ni ina, ano ba ang nais niyang iparating?

Nakaabang lamang ako sa labas habang hawak ang koronang pinalilibutan ng mga dyamante, ginto may nakalagay sa tutok nito na parang pakpak na kulay berde. Kumikislap-kislap lamang 'to hindi parin natigil ang pagbuhos ng ulan sana lamang ay nasa maayos na kalagayan ang aking ina at kapatid 'yon lamang ang tangi kong hinihiling sinasamba naming makapangyarihan.

Ilang minuto na lamang at sila'y dadating na, tiningnan ko lamang sila. Ito man ang aking huling buhay sanay maging maligaya ang aking mga iniwan.

Naglakad ako patungo sa kanila, huminto ang mga 'to. Yumuko ako at buong pusong ibinigay ang aking ninakaw.

"Siya ba ang magnanakaw?" Ang kanyang buong boses ang nagpasindak sa akin, tila takot ang aking buong katawan sa kanya.

"Ako nga po." Nakangiti kong saad kahit gusto ko nalang himatayin.

Binalingan niya ako ng tingin, kurbadong labi, makapal na kilay, mataas na piluka, hulmadong panga, matangos na ilong at pulang mata na animo'y galit parati.

"Wala sa iyong hitsura." Pinaikot niya ang kanyang mata na tila ba naghahayag lamang ako ng kasinungalingan.

"Dapat nasa hitsura muna kapag ikaw ay magnanakaw?" Walang pasintabi kong sinabi.

"Ang ibig ko lamang sabihin ay-why do I even explaining on you, dumb bitch?" Naiinis niyang tanong sa sarili.

Anong damits? Atsaka kawawa naman pala 'yong mga taong mukhang kawatan pero hindi naman talaga kawatan dahil lamang sa mukha silang kawatan kaya sila ang napapagbibintangan.

You shut the fvck your mind because I'm out of the hell didn't understand you either! Hala! Nakalimutan kong isarado ang aking isip napakatanga naman.

"Ako nga ang magnanakaw kaya patayin niyo nalang po ako." Walang gana kong tugon, ang dami pang satsat.

"The thief is a man, you hear me? Lalaki ang magnanakaw at hindi babae." Nakangisi niya akong tiningnan, napalunok ako pero si ina ang nagnakaw nito.

"Sino ang pinoprotektahan mo? It's a man who love you the most and you're willing to sacrifice everything for him, huh?" Mapaglarong ngiti ang kanyang pinakawalan saka nagseryosong mukong tumitig sa akin.

"Hindi kamatayan ang parusa sa mga may pinagtatakpan, bantayan niyo 'yan at tayo'y tutungo sa palasyo."

"Opo!" Hinila ako ng dalawa niyang alalay, may paa naman ako para maglakad.

Kinuha nila ang korona, lumingon muli ito sa akin.

"You are under arrest for stealing the most important thing in Varanasi kingdom,you may feel the blood now, Heriya." Pagkatapos ay bigla nalang siyang nawala na parang bula.

:\\//:

Feel The BloodWhere stories live. Discover now