Ikalawang Kabanata

8 1 0
                                    

~

Ierkhsia

"Maglalakad lang ba talaga tayo, ginoo?"

Kanina pa kami palakad-lakad lamang dito sa loob ng Virgin Forest, ni hindi ko nga alam kung anong hinahanap niya.

"Nandito ba iyong mahiwagang palaso?" Hindi parin siya nagsasalita kaya ako lagi iyong nagsasalita.

"Hinahanap ko ang daan patungong Bundok Irayat." Bagot ko lang siyang tiningnan eh kung sipain ko nalang kaya siya diyan nang makauwi na ako sa palasyo.

"Dito ba 'yon? Baka naman nasa suicide forest or black forest diba?" Hindi ko alam pero parang ang komportable ko lang na kausap siya.

"Binibini, maaari bang tumahimik ka na lamang? Napakaingay mo baka magwawala ang mga halimaw na natutulog dito." Hindi naman siya tunog nanakot pero natatakot na agad ako.

"Ano ba! Wag ka ngang magbiro ng ganyan alam mo naman na kapag nagbiro ka ay panget ka na sa paningin naming mga kababaihan." Pagpapaliwanag ko sa kanya, aba kailangan niya iyong malaman upang hindi siya masabihang panget ng mga kababaihan.

"Whatever you say, lady." Inikot niya ang kanyang mata naku! Tutusukin ko 'yan pagnagkataon talaga napakasama naman talaga ng ugali ang lalaking 'to.

Patuloy lamang siya sa paghahanap, hindi ko naman siya tinulungan aba eh hindi naman niya sinabi kung anong klaseng daan ba 'yon malay ko ba naman.

"Aren't you tired or what? We can just stop here and eat."

"Wag mo akong minumura ginoo humanda ka talaga sa akin kapag ako iyong nakaintindi ng ganyang salita." Hindi na ako nagsasalita ng tagalog malilintikan ka talagang hinayupak na ginoo ko.

"Let's grab a fruit! Wait there's a lason pala."

"Wala namang lason ang mga prutas dito nasa suicide at black forest iyong may lason." Saad ko, maharlika at hindi iyon alam buti nalang mahilig akong magbasa ng mga interesanteng bagay.

"Sure ka ba?"

"Mukha ba akong di syur?" Naiinis ko siyang tiningnan, sarap ipalapa. Teka, ano ba 'yong syur?

Kumuha kami ng mga prutas, marami na kaming naani kaya naman ay pinagsaluhan namin iyon. Napasandal ako sa isang matayog na puno na may kulay ginto na dahon. Kinapitan ko ang maliit nitong sanga pero bigla nalang humangin ng malakas.

Ang ginoo ay dali-daling hinawakan ang kamay ko, imbes na hilahin ako ay nagpadala lang kami sa ihip ng hangin.

"You found the door." Tiningnan niya ako ng may halong pagtataka, tila hindi makapaniwala.

Napalunok naman agad ako, wala akong kasalanan diyan aba! Gusto ko lang magpahinga at babaliin ko lang naman iyong sanga dahil sagabal siya.

Hindi na ako nakapag-isip ng kung ano-ano nang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Para bang wala ng katapusan ang pag-iikot namin, nahihilo na ako at parang nasusuka habang itong kasama ko ay parang wala lang talaga sa kanya.

"Aaahhhhhhhhhhhh, ayoko na patayin niyo nalang ako."

"Mamaaaaaa!"

Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa mabulusok ang ulo ko para na akong hihimatayin sa nangyayari.

"Ano ka ba naman ginoo,dapat ay hindi niyo ako hinayaang mabulusok!" Reklamo ko, tumayo ako at pinagpagan ang aking suot na saya.

Tiningnan ko ang ginoo,nakanganga siyang nakatitig sa akin tapos ay umiiling.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Feel The BloodWhere stories live. Discover now