Chapter 4

17.7K 964 496
                                    


TROY'S POINT OF VIEW

T*NGINA talaga nito ni tanda, siya pa nag-pu-push na kaming dalawa ni Tiffany ang magbantay dito sa flag na 'to. Alam na nga niyang break na kami. Sobrang awkward tuloy.

"Uhm... basta bantayan na lang natin 'yong flag then all good na tayo." Sambit ko. Hindi ko matignan sa mata si Tiff dahil mas lalo akong maiilang. "Hindi natin kailangan mag-usap."

Hindi naman na talaga kailangan. Bakit pa? Siya naman 'tong nakipag-break sa'kin dahil hindi niya maintindihan ang sitwasyon ko.

Kung mahal mo talaga ang isang tao, iintindihin mo siya palagi. Hindi naman mahirap 'yon 'di ba? Hindi 'yong makikipag-break ka.

Naka-move on na ako.

Tanggap ko nang wala na kami. Malapit ko na ngang makalimutan 'yong feelings ko para sa kanya. Ako ata si Troy Mendoza at hindi ako nawawalan ng babae.

Halos ilang minuto na kaming tahimik na dalawa kaya nilingon ko na siya at pagkakita ko nakatingin siya sa langit.

"Hindi ba dapat nakatingin ka sa palagid in case na may mag tangka na kumuha ng flag?" Puna ko.

Tumingin siya sa'kin, diretso sa mga mata ko. Biglang tumibok ang puso ko. T*ngina naman, h'wag mong sabihin na may feelings pa rin ako sa kanya?

Pero wala pa rin siyang pinagbago... maganda pa rin siya at pakiramdam ko kumakalma ako kapag nakikita ko siya.

"Troy... maiksi lang ang buhay natin. Kailangan natin gamitin ang bawat segundo para mabuhay... at maging masaya." Mahinahon ang boses niya pero pakiramdam ko may lalim ang mga 'yon.

Gusto niya bang sabihin sakin ang mga 'yon? Na kalimutan ko ang responsibilidad ko sa pamilya ko at maging masaya na lang ako kasama siya? Siya naman ang nagsabi sa'kin na maging responsable ako.

"Sana masaya ka ngayon..." sambit niya.

Masaya nga ba talaga ako ngayon o ang totoo, miserable ako?

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Unti-unting nag-sink in sa'kin ang katotohanan na matagal ko nang itinatanggi sa sarili ko.

Hindi ako masaya.

"Paano kung sabihin ko sayong hindi ako masaya? May magagawa ka ba?" Tanong ko. "Sana nga masaya na lang talaga ako ngayon... totoong masaya."

Hinawakan niya ang kamay ko. Parang may kuryente na dumaloy sa kamay niya papunta sa kamay ko at buong katawan.

Nagkatingan kaming dalawa.

"Hindi ko alam kung ako ba 'yong dahilan kung bakit ganito 'yong nararamdaman mo ngayon pero ako man o hindi, gusto kong humingi ng tawad sa'yo."

Ang tagal na naming hiwalay pero ngayon pa lang kami makakapag-usap nang matino tungkol dito. Pagkatapos niya kasing makipag-break sa'kin, pareho kaming nag-decide na h'wag nang kausapin ang isa't isa. Wala kaming proper closure.

Kaya ba ganito 'yong pakiramdam ko ngayon? Pakiramdam ko may kulang... pakiramdam ko palaging mabigat ang dibdib ko.

"Hindi ko alam nung mga panahon na 'yon na naging selfish ako at hindi kita inintindi. Na-realize ko lang 'yon, huli na ang lahat. Wala ka na sa'kin dahil alam kong wala ka nang nararamdaman pa para–"

Pinutol ko ng isang halik ang susunod niyang sasabihin. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Doon ko lang napagtanto na mali 'yong ginawa ko.

Paano kung himingi lang din siya ng tawad sa'kin at wala na pala siyang nararamdaman sa'kin na kahit ano?

Madami pang tumatakbo sa isip ko pero nasagot ang ilan doon nang ibalik niya ang halik ko. Gusto niya rin na halikan ako.

Mahal pa ba niya ako?

Natigil kaming dalawa nang may marinig kaming mga sigawan.

"Yes! We captured the flag!" Sigaw ni Jayme.

Nandito na pala silang lahat sa lugar namin, pati sina Candice na hindi maalis ang tingin sa amin ni Tiffany. Napatingin si Tiffany sa lapag at tila ba nahihiya sa nangyari.

"Tiff, I'm sorry," bulong ko. "Hindi ko alam na nandyan na pala sila."

Ngumiti lang siya, "Okay lang, nangyari na."

Natalo kami sa game pero pakiramdam ko nanalo pa rin ako. Pakiramdam ko mahal pa rin ako ni Tiffany... mahal pa rin niya ako.

Bumalik kami sa cabin para magpahinga para sa susunod na game pero hinila ko si Tiffany palayo sa kanila para makausap ko siya.

Gusto kong magkaliwanagan na kaming dalawa dito dahil hindi na ako mapapakali kung hindi pa kami magkakaroon ng closure.

"Kanina, hinalikan mo rin ako pabalik, tama ba?" Tanong ko.

Tumango siya, "Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon pero 'yon 'yong pakiramdam kong tamang gawin kanina."

"Tiffany..." hinawakan ko ang kamay niya. "Mahal mo pa ba ako?"

Hindi siya makatingin sa akin at nakakagat lang siya sa labi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot niya. Kung mahal niya pa ako, madali lang naman sabihin ang salitang oo, 'di ba?

"Troy, hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo pero..." huminto siya sa pagsasalita.

I waited patiently. May pero man sa sinabi niya, ang mahalaga sinabi niya pa rin na hindi nawala ang pagmamahal niya sa akon.

"Mas kailangan ka ni Jaycee ngayon..." mahina niyang sambit na parang naiiyak pa siya. "May sakit siya at nakiusap siya sa'kin na tulungan ko siyang kausapin ka."

May sakit si Jaycee? Bakit hindi ko alam 'yon?

"Nakiusap siya na... na baka pwedeng pakiusapan kita na balikan mo siya kahit man lang sa maging malakas siya. Kailangan ka niya, e."

Hindi na napigilan ni Tiffany na umiyak.

Wala akong alam na may sakit si Jaycee. Bakit hindi sa'kin sinabi ni Jeydon ang tungkol doon? O alam din ba niya ang tungkol doon?

"Tiffany... ikaw 'yong mahal ko."

Umiling siya, "Alam ko pero may taong naghihintay para sa'yo. Mali 'yong ginawa ko kaninang pagbalik ng halik sa'yo, hindi ko napigilan 'yong damdamin ko. I'm sorry, Troy."

Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko.

"Kung magiging malakas na siya at may pagkakataon na ulit tayo, buong puso kitang tatanggapin... Troy."

Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi niya. Parang wala akong naging choice. Hindi sa ayokong tulungan si Jaycee pero hindi ko naman pwedeng diktahan ang puso ko.

Si Tiffany ang mahal ko.

"I'm sorry, I'm really sorry... Troy."

Ngayon nagkaroon na kami ng closure pero mas masakit 'to dahil sa pangalawang pagkakataon, iniwan niya muli ako.

Hindi na ako nagsalita pa. Tinalikuran ko siya at kinuha ko ang mga gamit ko sa camp. Hindi ko na rin naman kayang ituloy 'yon.

Wasak na naman ang puso ko pero siguro tama si Tiffany. Mas kailangan ako ni... Jaycee.

To be continued...

The Four Bad Boys and Me Special StoryWhere stories live. Discover now