Epilogue

25K 1.1K 368
                                    


CANDICE'S POV

Hindi namin alam kung bakit umalis si Troy. Wala siyang pasabi at basta na lang kinuha ang gamit niya at umalis. Okay naman sila kanina ni Tiffany, nag-kiss pa nga sila, e.

"Ano kayang nangyari sa dalawa?" Tanong ko kay Jeydon. "Ayaw din magsalita ni Tiffany, e."

Umiling lang siya, hindi rin alam ang dahilan. Kung ano man 'yon, sana okay lang silang dalawa.

Nagpatuloy kami sa game kahit wala na si Troy. Natalo man kami sa capture the flag, nanalo naman kami sa mga sumunod pang games. Inis na inis kasi si Jeydon kay Grain sa hindi ko malaman na dahilan.

Hindi naman niya kailangang magselos sa lalaki na 'yon dahil kahit anong mangyari, siya pa rin ang pinaka gwapong lalaki sa isip at puso ko.

Pagkatapos ng lahat ng game, nag-announcement na sina Hershey at Maki na kami ang panalo at bilang prize naming winner, binigyan nila kami ng tig-isang ticket papunta sa Boracay, all expense.

"Kung alam ko lang na ganito 'yong prize, baka kahit isang game hindi na nanalo 'yang mga 'yan." Mayabang na sambit ni Kuya Charles.

Binatukan agad siya ni Ate Serena, "Ang yabang mo rin no? Wala ka ngang ambag kanina!"

"Bakit, ambagan ba 'to?"

Umiling na lang kami nina Jeydon sa awayan nila. Sanay naman na kami, lalo na ako. Pero kahit ganyan 'yang dalawa na 'yan, alam kong mahal nila ang isa't isa.

"And before we say goodbye, we will do a bonfire with marshmallows!" Announce ni Hershey. "Let the bonfire begin!"

Ang ganda ng set-up ng bonfire tapos nasa tabi pa ng lake. Parang gusto kong ulit-ulitin ang pagpunta dito kasama ang mga taong malapit at mahalaga sa'kin.

Nagkantahan, kwentuhan at kainan kami. Isinantabi na namin 'yong mga inisan kanina. Actually nag-uusap na si Jeydon at Grain ngayon, nagkasundo kasi sila sa isang game sa computer.

Hindi naman talaga immature si Jeydon, minsan lang kapag nagiging seloso siya. Sobrang laki na nang improvement niya simula nang una ko siyang makila.

Tinignan ko si Bee at nagulat ako dahil nakaakbay na sa kanya si Fino. Iba pa rin talaga ang kamandag ni Stacey, kapag may bet siyang lalaki, talagang makukuha din niya.

Si Tiffany naman malayo ang tingin, iniisip siguro niya si Troy? Curious talaga ako kung anong nangyari sa kanila. Mukhang may hindi magandang nangyari kanina nung nag-usap sila sa labas.

Si Marky naman naki-mingle na rin sa kabilang group kamasa si Kuya Charles at Ate Serena.

Hinipan bigla ni Jeydon ang leeg ko at hinila niya ako palayo sa bonfire.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa langit," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Dadalhin kita sa langit."

Huminto ako sa paglalakad at pinagpapalo ko siya sa braso niya, "Anong pinagsasabi mo d'yan ha, Jeydon?"

Tumawa siya nang malakas. Malayo na kami sa bonfire kaya hindi na kami naririnig pa.

"Biro lang, wifey!"

Sinamaan ko siya nang tingin. Talagang dapat biro lang 'no! Hindi ko pa pwedeng isuko ang bataan!

"Sakay tayo sa bangka dito sa lake, may ipapakita ako sa'yo," hinila niya ulit ako papunta doon sa bangka na sinasabi niya. "I have a surprise for you."

Sumunod na lang ako sa kung ano man 'tong pakana niya. Mukhang excited na excited siya kaya ayoko siraan 'yon kahit medyo natatakot ako dahil madilim na at baka mapano pa kami.

Pero malaki naman tiwala ko kay Jeydon na hindi niya ako dadalhin sa kapahamakan.

Habang papunta kami sa kabilang part ng lake, biglang nagkaroon na ng mga christmas lights... anong ibig sabihin nito?

Pag dating namin sa pampang, may table na may candle light dinner set up. May dalawang lalaki pa na tumutugtog ng gitara.

"Anong ibig sabihin nito, Jedyon?"

Hindi niya ako sinagot pero ang laki ng mga ngiti niya. Inalalayan niya akong makababa sa bangka hanggang sa makaupo ako sa table.

"It's a date, wifey."

Naghanda siya ng steak at wine. I would be honest, sobrang nag-enjoy ako sa pagkain, sa place, sa set up na ginawa niya.

Iba rin talaga mag-surprise ang isang Jeydon Lopez.

Pagkatapos namin kumain, may nilabas siyang isang singsing. Mag po-propose ba siya? Hindi ba dapat luluhod pa siya bago ibigay 'yong singsing na 'yon?

"Ito na 'yon?" Pabiro kong tanong.

Tumawa siya nang malakas, "Of course it's not my proposal yet! Wala pa 'to sa naiisip kong proposal para sa'yo."

Nagkasalubong ang dalawang kilay ko.

"Para saan 'tong ring na 'to?"

"This is a promise ring, meron din ako. We should make a promise to each other na magkalayo man tayo, we should remain loyal to each other."

"I will always be loyal to you..." sambit ko.

"I know, I just want to give it to you habang naghihintay ka sa proposal ko. I should have done it right after out graduation but I still want you to enjoy your life being unmarried."

Unmarried or married, basta kasama ko siya masaya na ako at hindi ko na kailangan pa ng iba.

"Thank you... for always thinking about me."

Ako na mismo ang nagsuot ng singsing na hawak niya. Ngumiti kami pareho at itinayo niya ako para sumayaw kami sa kantang "tadhana" na kinakanta ng singer na hinire niya.

"I love you so much, wifey Candice."

"I love you always and forever, Jeydon Lopez."

The End
(To be continued to The Bad Boy's Love)

The Four Bad Boys and Me Special StoryWhere stories live. Discover now